Back
After our small talk, we continued walking until a luxury mansion appeared in front of us.
Namamangha kong pinagmasdan ang isang engrandeng mansyon sa harapan namin. Lumingon ako sa aming pinanggalingan para sana tingnan kung matatanaw ko pa 'yung hotel pero wala na ito doon.
Tumingin ako sa paligid at napag alaman na nasa tabi pa'rin kami ng dagat. Puro puno na lamang ang nakikita ko sa pinanggalingan namin. Paano nangyari iyon? Wala namang mga puno doon kanina ah! Binalingan ko si Charim na puno ng pagtataka.
"Where are we?"
"El faro..." sagot nito habang nakangiti. Ngayon ko lang naalaman na mayroon palang ganitong lugar dito.
Nagsimula siyang maglakad kaya sumunod ako sa kaniya. Humawak ako sa braso nito at naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad. Bumaling ito sa kamay ko na nasa braso niya at ngumuso.
"I should've brought you here the moment you..." hindi ko na narinig 'yung sinabi niya dahil unti-unti itong humina.
Kanina pa sabi nang sabi 'to ng kung ano-ano. Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at hinigpitan lalo ang paghawak sa kaniyang braso. Mahirap na at baka mawala pa ako dito, hindi ko pa naman alam ang mga pasikot-sikot sa lugar na ito.
"Wow!" puro ganoon na lamang ang mga nasasabi ko dahil sa pagkamangha sa mga nakikita.
Nagtataka ako dahil sa laki noong mansyon ay wala man lang akong makita na tao. Dapat ay may guwardya rito kahit papaano. Sa ganda nito ay baka manakawan kapag walang bantay!
"Bienvenue à la maison, Zale" ayan nanaman! Wala sila Eli dito para i-translate ang sinasabi ni Charim.
"What?" napabitaw ako sa kaniya at lumayo. Napakahilig naman kasi nitong magsalita gamit ang ibang lenggwahe eh!
Instead of answering me, he just shrugged his shoulders and put his hands inside his pockets.
"You wanna go inside?" aya niya at itinuro ang gate ng mansyon.
"Are you serious? Baka mapag kamalan pa tayong magnanakaw!" nahihibang na ba ang isang ito? Baka may makakita sa amin na basta-basta na lamang kami papasok doon!
"Magnanakaw? No... You..." tumitig ito sa akin gamit ang mga matang puno ng pagkagulat habang nagsasalita.
"What?"
"Nothing" at tipid na ngumiti kahit mukha pa rin itong naguguluhan. Ako dapat ang maguluhan dito at hindi siya 'no!
Napatingin kami doon sa gate nang may narinig kaming nagtatawanan.
"Go to hell, Laszlo!" and there I saw my brother, Eli, laughing like a witch.
Napansin ata nila kami ni Charim kaya kumaway ito sa amin. Kumaway din sa amin si Laszlo.
"Baby sister! and... Tom? Hi, Tom!" dali-dali siyang lumapit sa amin at, "Is this what I think it is?" maligayang tanong nito tapos ay lumapit kay Charim para sikuhin nang pabiro sa tiyan.
"Shut it, Aelius. We just got here."
Napatango naman si Eli at itinuro ang mansyon na pinanggalingan nila. Ngayon ay si Laz naman ang lumalabas doon.
"Max' still inside."
"Really? Pwede kayong maglabas-pasok diyan?" namamangha kong tanong.
Hinimas-himas ni Eli ang kaniyang baba at napa tango-tango, "Hmm, elle ne se souvient toujours pas."
"What?"
"Nothing" ngumiti ito at ginulo ang buhok ko.
"Eli! How many times do I have to tell you?" inis na sabi ko dahil ginawa nanaman niya iyon! Alam naman niyang ayaw ko ang ginaganoon!
BINABASA MO ANG
Flaming Ocean
FantasyZale is the exact definition of the word 'perfect'. She has everything. Loving and caring brothers, countless money, looks to die for, intelligence...everything! But what if one day she wakes up and a ghost from the past suddenly appears? A memor...