Kabanata 14

11 0 0
                                    

Birthday

Who would've thought na sa ganitong pagkakataon ko pa talaga sasalubungin ang kaarawan ko?

Tomorrow is my birthday. Ngumuso ako. This is the very first time na mag isa kong sasalubungin ang kaarawan ko.

"Tayo! Ilalabas ka!" Utos sa akin ng babaeng narindi sa akin noong isang araw.

"How? Nakatali ako, remember?" Sarkastiko kong sabi.

"Ay!" Mabilis siyang lumapit at kinalagan ako.

Nang ang paa ko na ang tinatanggalan niya ng tali, tiningnan niya ako nang matalim.

"Huwag mong subukang tumakas, malalagot ka sa akin."

Umirap ako. Malamang! Hindi ko gagawin iyon dahil hindi ko naman alam kung nasaan kami at wala akong laban sa kanila. Nag iisa ako, marami sila.

Piniringan niya ako at tinali muli ang mga kamay ko. Tinulak niya ako kaya nagsimula na akong maglakad.

"Sandali naman! Baka madapa ako!" Irita kong sabi dahil patuloy siya sa panunulak  sa akin.

"Huwag kang maraming reklamo! Wala ka sa pamamahay mo!"

Dahil sa panunulak, ilang beses akong muntikang madapa. Ilang sandali pa ay tinanggal na ang piring sa mga mata ko.

Bumungad sa akin ang lupon ng mga tao. They are all wearing a red cloak, the reason why I cannot fully see their faces. Iginala ko ang paningin ko at napansing nasa isang gubat kami.

"Where am I?"

Walang sumagot. Ang kaninang nagtutulak sa akin ay wala na rin sa tabi ko. Mag isa na akong nakatayo sa entablado habang nakaharap sa mga estrangherong ito.

Umihip nang malakas ang hangin. Kinilabutan ako, hindi malaman kung dahil ba sa hangin o dahil sa ibang bagay.

Napalunok ako habang tinitingnan sila. Lahat sila ay nakatingin sa akin, tila may hinihintay na mangyari.

Maya-maya ay sunod-sunod silang lumuhod gamit ang isang tuhod. Kasabay noon ay ang pagdalo sa akin ng isa ring naka kulay pulang balabal. Hindi tulad ng karamihan, nakababa ang balabal niya.

"I-ikaw..." Hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Naaalala ko siya. Mula siya sa panaginip ko noong minsang nakatulog ako sa ugat ng puno habang hinihintay si Laszlo.

Pero hindi tulad nang nasa panaginip ko, mas bata ang hitsura niya ngayon. Wala rin siyang hawak na tungkod.

Ngumiti siya, "Oo... ako nga."

"A-anong ibig sabihin nito?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi ba't binalaan na kita sa mga mangyayari?"

Kuminang ang isang bagay na hawak niya dahil natamaan ito ng panghapong araw. I looked at her right hand and realized that she's holding a sword! Ito na ba ang katapusan ko?!

Tumigil siya sa harapan ko at tiningnan ang espada bago muling tumingin sa akin. Humakbang siya ng ilang beses paatras at itinapat ang matulis na parte may itaas ng ilong ko.

Tumigil ang paghinga ko dahil doon. Pasimple akong umatras, pero lumapit din siya. Nanunuyo ang lalamunan ko habang iniisip na hanggang dito na lang talaga ako.

Ibinaba niya iyon at itinutok naman sa leeg ko. Unti-unti niyang inilapit iyon sa akin hanggang sa naramdaman ko ang lamig ng matulis na metal na nakatutok sa aking leeg.

"Here? Gusto mo ba rito?" Nanunuya niyang tanong. Umiling ako na agad kong pinagsisihan dahil naramdaman ko ang hapdi at ang pagtulo ng dugo mula sa leeg ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flaming OceanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon