Birthday
Bata pa lamang ako nang nagkaroon ako ng kakaibang adorasyon sa karagatan.
Sa tuwing nakikita ko ang bayolenteng pag uunahan ng mga alon patungo sa dalampasigan ay nakakaramdam ako ng kakaibang tuwa.
Hindi ko maiwasan ang pagkukumpara ko sa aking sarili at sa mga alon dahil tulad nila ay malaya din akong nakakagalaw. Malaya kong nagagawa ang mga bagay na gusto ko, kaya napakalaki nang aking pasasalamat dahil suportado ako ng aking pamilya sa lahat ng mga ginagawa ko. Hindi nila ako pinipigilan sa mga bagay-bagay, pero kahit ganoon ay alam ko naman ang mga limitasyon ko. Alam ko pa rin kung ano ang pagkakaiba ng tama sa mali.
Naalala ko tuloy noong bata pa ako, sa tuwing pumupunta kami sa mga beach ay tuwang-tuwa palagi ako. Nakikipag habulan ako sa mga nag uunahang alon. Tuwing aatras sila ay tatakbo ako papalapit sa kanila at kapag naman papunta na sila sa dalampasigan ay ako naman ang tatakbo papalayo. Tila ba alam nila na nakikipaglaro ako sa kanila.
Habang nasa biyahe pauwi ay hindi pa rin maalis sa isipan ko iyong lalaki kanina. Marahil ay nagkamali lang siya at napagkamalan akong kakilala niya, na sa katotohanan ay hindi naman pala.
Matapos ang insidenteng iyon ay saktong tumawag na si Daddy para sabihin na tapos na ang kaniyang meeting. Sinabi ko naman sa kaniya na kasama ko si Laz. Nang nagkita-kita kami sa parking ay hindi na ako nag abala pa na sabihin kay Daddy 'yun dahil paniguradong ma wiwirduhan lang siya.
Mabilis lumipas ang araw at hindi ko namalayan na ngayon na pala ang araw ng aming moving up. Maikli lamang ang naging ceremony dahil biglang nagkaroon ng isang emergency. Inatake ang guest speaker na anak pala ng may ari ng school, kaya naintindihan ng iba kung bakit naging mabilis ang mga pangyayari. Pero hindi mawawala ang ilang magulang na nagreklamo, kesyo kung kailan daw moving up ay saka pa nangyari iyon. Minsan lang daw sila makatungtong sa entablado ay mamadaliin pa.
Kinagabihan ay isang simpleng salu-salo lamang ang naganap, iyon ay dahil na rin sa kagustuhan ko. Hindi na kailangan ang engrande pa, kahit pa pinilit ako ni Daddy na magpapahanda siya sa bahay. Tinanggihan ko iyon at sinabing ayos na sa akin ang simpleng pagkain namin sa labas. Magkasama-sama lang kami sa isang espesyal na pangyayari sa buhay ko ay ayos na.
Those memories happened last year. In a blink of an eye, I am already eighteen years old.
Humahampas sa akin ang malamig na simoy ng hangin habang nakaupo ako sa tabi ng dagat. Naglatag lamang ako ng sarong sa buhanginan at ito na ang nagsilbing upuan ko. Alas siyete pa lamang pero madilim na agad ang kapaligiran. Tanging ang mga ilaw sa bawat cottage ang nagbibigay liwanag sa paligid. Ang ilang cottage ay may mga tao. Ang ilan ay nag iinuman, ang iba naman ay nagkakasiyahan.
Napatingin ako sa isang cottage at nakita ang isang grupo ng mga babae at lalaki na siguro ay nasa halos bente katao. Sa gitna ng kanilang kasiyahan ay napirmi ang tingin ko sa isang lalaki na naroon sa grupo. Kahit na nagkakasiyahan ang mga kasama ay nakatitig ito sa akin. Kinindatan ako nito at mabilis na iniwas ang tingin nang makitang nahuli ko siya sa kaniyang ginagawang paninitig. Nakihalo na ito sa kasiyahan ng grupo kaya ipinagkibit balikat ko nalang iyon.
Halos katatapos lang ng selebrasyon ng eighteenth birthday ko. The Hawaiian theme that I chose for my party fits the place perfectly. Iyon ang pinili ko dahil matagal na akong mayroong pagmamahal sa karagatan.
Abala pa ang mga bisita ko sa after party sa loob ng hotel. Nagpaalam muna ako saglit sa mga bisita upang magpahangin dito sa tabi ng dagat.
Dito ko napiling mag celebrate dahil talagang nagustuhan ko agad itong lugar na ito unang punta ko pa lamang dito. At talagang ipinangako ko sa sarili ko na babalik ako rito, hindi ko binigo ang aking sarili kaya ngayon ay nandito ako.
BINABASA MO ANG
Flaming Ocean
FantasyZale is the exact definition of the word 'perfect'. She has everything. Loving and caring brothers, countless money, looks to die for, intelligence...everything! But what if one day she wakes up and a ghost from the past suddenly appears? A memor...