Unang Pagkikita

2K 21 0
                                    

Hi! I'm Gianna Chiu Lopez, Medical Technologist Intern sa kapita-pitagang institusyon ng Baguio Training and Medical Center.

Frustrated sa pagkanta, pagpaint, pagsayaw at higit sa lahat sa pagiging writer. Hopeless romantic din.

Journalism dapat ang kukunin kong course, kaso hindi nagustuhan ni Mama at ni Ate ang magiging kakahinatnan ko once na Journalism ang kunin ko. Wala daw masyadong Press Companies and TV and Radio stations sa Pilipinas, siguradong pahirapan daw sa pagkuha ng trabaho ang magiging problema ko in the future, kaya heto, napunta sa Medical field kahit hindi ko naman talaga hilig, pero syempre, wala akong choice. Kailangan kong kunin ang kursong 'to dahil sa sinabi ni Mama at ni Ate.

Hindi ko ginusto sa una ang pagaaral sa MedTech. PURO CHEMISTRYYYY!!! Dakilang kalaban ko pa man din ang Chemistry noong highschool ako.

Anywaaaaaaays, I'll see you later. Night duty is real!!!

____

"Gia... pull-out ka mamaya sa ER Laboratory ng 8PM-4AM." bungad sakin kaagad ni Jen nang makapasok ako sa intern's quarters.

"Uy, 8 hours diretso ahh..." at sinilip ko ang pull out schedule ko for the night. 8 hours pull out 😭😭😭

"Most wanted ka kasi dun eh. Si Mam Ley ang staff."

---

"Gianna!!!!" sigaw agad ni Mam Ley pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ng ER Lab.

"Mam?!"

Ano bang meron at nasigaw ka Mam?

"De joke lang. Extraction sa ER. Neurology." tapos tumawa lang sya kase as usual nagulat nanaman nya ako. Ang aga aga mission accomplished sya sa goal na gulatin nya ako.

"Ayyy... sige mam. I'm going na." at kinuha ko na ang extraction box ko at lumabas na sa ER.

---

"Good evening po. Ano po'ng buong pangalan nyo po?"

Finally! After kong magsisigaw at maghanap sa pasyente natagpuan ko din sya...

"Edralin De Jesus."

"Mam, may request po ang doktor nyo para sa CBC, APTT/PT at Electrolytes test nyo po. Kukunan ko po kayo ng dugo ha?"

Pumayag naman ang pasyente, kasi syempre kung ayaw nyang magpakuha ng dugo, I will respect that at hindi ko pipilitin ang pasyemte.

Itininali ko na yung tourniquet ko sa kaliwa nyang braso para maghanap na ng ugat.

Yes! Easy peasy ang first extraction ko ah. Malaki laki ang ugat. Aylabeeeet!!!

"Good evening mam."

Inangat ko ang aking ulo para harapin ang bumati sakin. Isang boses lalaki, at kilala ko ang boses na yun kasi crush ko yung may-ari nun eh ❤️

"Yes po?"

Pa Yes po ka pa dyan! Halata namang pabebe ka Gianna!

Dahan dahan ko pang nabigkas ang 2 syllable na tanong ko. Shet! I'm not prepared!! Yung crush ko na Doktor! Si Doctor Paulo Co! Shet! Bakit ngayong gabi pa?! Hindi ako ready!

Kalma self, hayerp. Kalma! Act normal! Wag kilos at salitang tanga. Act NORMAL! I repeat, WAG TANGA.

Doctor Mahal Co ♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon