After our conversation with Mark, nag iba na din kami ng topic dahil ayoko namang masira ang araw ni Paulo dahil sa pagtetext ni Mark.
"Anong favorite color mo?' tanong nya sakin.
"Uuuuhhh... yellow and red. Ikaw?"
"Navy blue. How about favorite na ulam? Alam mo na sakin, bistek tagalog mo."
"Wow! Favorite mo na agad luto ko?"
"Oo nga, ikaw, anong ulam?"
"Kare-kare talaga. Walang tatalo."
"Yung may masarap na alamang no? Oo masarao nga."
"Favorite artists, sige kahit Top 3."
"Ahhh... Johnny Depp, Will Smith, Vin Diesel."
"Uuuuuyyy... mga crush ko yan... pero ako, Anne Hathaway, Noah Centineo, tsaka si Zanjoe Marudoooooo."
"Bakit si Zanjoe?"
"Huuuuy... have you seen the abs? Yummy... Hahahahah ang tangkad nya, moreno, lakas ng appeal. Laglag panty!" at kinikilig nanaman ako basta usapang Zanjoe Marudo.
Ewan ko baaaa... lakas ng appeal eh!!!
"Ahhh... matangkad..." tapos bigla syang tumayo tapos tumingkayad tingkayad pa. Kunyari inabot abot ang kisame.
"Moreno? Ay sorry, dito ako sa Baguio halos lumaki kaya medyo maputi na ako."
"Abs? Sorry, medyo stress eating ako the past few weeks. Tsaka ano? Ma-appeal? Uhmmm... share ko lang ha... madami namang nagkakacrush sakin na mga pasyente."
Tawa na ako ng tawa sa ginawa nya. Hay nako, pasaway ka Paulo!!!
Natapos ang gabi na masaya kaming dalawa. I went back to my place and slept tight.
---
The next was a toxic duty, ewan ba namin kung anong merong magnet ngayon at napakadaming pasyente. Mahaba na din ang pila ng OPD sa labas ng building.
Ako ang naka-assign sa OPD extraction kaya sa OPD building ako naka-duty. Gigil naman ang mga staff ko sa work nila. Lahat lumalaban ngayon.
"Gianna, extraction sa OPD-ER. Cover muna kita dito. Sige na." utos sakin ni Mam Lorie. Kumuha na ako ng gamit ko at karipaa na bumaba sa OPD-ER.
My patient is a 8 year old kid. May rashes sya all over her body and she's feverish.
Medyo nahirapan ako sa extraction dahil sa nagwala ang bata. Umaalingawngaw ang boses nya sa buong floor dahil sa lakas ng iyak nya. Halos hindi sya kayanin ng watcher nya kaya tinulungan na kami ng isang nirse na hawakan ang bata kaya naman nakuhaan ko din sya ng samples nya.
Bumalik na ako sa OPD at sakto nandoon ang runner namin na magdadala ng mga samples papunta sa laboratory.
Balik sa extraction ako ulit.
After 6 hours na duty ko sa OPD na nonstop din ang dating ng pasyente ay nakababa din ako sa main laboratory. Late na akong nakapag lunch, bongga na!!! Diretso na ako dito sa quarters namin, at walang katao tao dahil na din sa tapos na ang lunch time ng lahat. Wala man lang akong nakasalubong papunta dito. Ang lungkot! Alone akong kumakain dito.
"Gianna..." at nang lumingon ako, si Mam Gerlyn.
"Po?" naka-complete Personal Protective Equipment sya. Mula sa mask, gloves at goggles. Ibinaba ko sa table ang kinakain ko at uminom ng tubig.
Hala... anong meron? Bakit geared up si mam?
"Gianna, remember your patient at the OPD-ER awhile ago?"
BINABASA MO ANG
Doctor Mahal Co ♥️
RomanceI was an intern. He was a resident doctor. I have a crush on him, and he doesn't know me.