After the wedding and the honeymoon in the Philippines, natapos din ang aming bakasyon at sabay na kami ni Paulo na bumalik ng France.
Paulo resumed with his job at the W.H.O, ako naman kakapasok ko lang sa bago kong trabaho as a Chief Medical Technologist ng isang laboratory sa isa sa mga malaking hospital dito. I made a lot of friends on my first day.
What could I ask for? I'm married to the love of my life, I have a job that I love so much, and we're already planning to have our cute mini Paulos and Giannas.
Pasalamat na lang talaga sa tadhana kasi kahit na andaming nangyari sa akin, kay Paulo, at sa amig dalawa, pinagtagpo pa rin kami. Our love for each other stayed the same and even grew stronger after each challenges that we face together.
Our journey has a lot of ups and downs.
Madaming naging hadlang.
Maraming malungkot na nangyari.
Maraming aral ang natutunan.
Love is not about kilig and saya everyday.
Love is about going through each day together. Kapag may problema magkasamang inaayos. Hindi pinapalagpas ang bawat pagkakataon para ayusin ang mga pinoproblema namin pareho.
Love is about embracing and facing every flaws that both of you have. Laging magkasama, laging nagsusuportahan, laging lumabalaban ng magkasama. Walang iwanan.
Love is about embracing each other's mess and creating rather a big beautiful mess together.
Hindi naman nagtatapos sa pagpapakasal namin ang buhay namin. Actually, umpisa pa lang ito ng journey namin towards our own happily ever after.
Maaaring ending na ng kwento once ikasal na ang mga bida, pero para sa amin... dito kami mas lalong magkakakilala.
Once na magkasama na kami sa iisang bubungan, lalabas ang aming totoong mga kulay... maaring magkabwisitan soon, maaaring mag-away sa mga maliliit na mga bagay, maaaring may madiscover kaming mga ugali namin na hindi pa namin nakikita sa isa't isa. Basta... andami pang pwedeng mangyari, andami pa naming kailangang makita at malaman sa isa't isa.
Hindi naman ako natatakot na baka isang araw may malaman akong ugali ni Paulo na makakapag-turn off sakin. That's how each and every person does. Nagi-iba din ang mood over the time, pero ang mas mahalaga is how I accept him and love him kahit na ano pa ang mangyari. Kahit na magmukhang monster pa sya at magkaroon ng kaliskis at hasang. It's about loving our ugliness more than our beauty. It's about accepting every dirt that we try so hard to hide more than the charm that we show to each other.
Maraming changes ang mangyayari sa buhay naming dalawa, pero ang dapat naming pagtuunan ng pansin ay ang pagmamahal namin sa isat isa.
Time will come that we will look old-puputi ang mga buhol, kukulunot ang balat, mawawala ang korte ng katawan, babagal na ang paglalakad at lalabo na ang tenga at hihina ang pandinig, maaring magkasawaan, magkabwisitan, magtalo, pero hindi dapat bumigay sa hantungan ng hiwalayan. Just keep on fighting as a family. Walang tatalo sa pagmamahal at pagbubuklod ng pamilya.
To every couple who will come across this fiction story of us, kahit nankathang isip lang ang lahat ng nabasa nyo, in reality, wag kayong basta bastang magpapakasal or magjojowa lalo na kung hindi nyo sila nakikitaan ng commitment ang partner nyo. Kailangan nyong mapapatunayan sa isa't isa na kayo na talaga, wala nang iba. Kandado na kayo sa isa't isa, tapos tapon susi pa. Through thick and thin magdadamayan kayo. Commitment is forever. Bawal ang 3rd wheel. Pag mahal mo, sya lang. Pag mahal mo, ipaglaban mo. Pag mahal mo, wag mo nang hahayaang makawala pa sayo. At kapag nasayo na, wag kang gagawa o magbibigay ng rason para kumawala sya sayo. Ipakita at iparamdam nyo sakanila na hindi kayo mawawala sakanila.
At girls, hindi dahil sa tayo ang nililigawan eh tayo na lang ang palaging tumatanggap, dapat narereciprocate nyo din yung mga pangangailangan ng isa't isa. Hindi porket babae, tayo yung kabig na lang ng kabig palagi. Boys are also emotional. They need emotional, physical, and spiritual care. Dahil once you holistically take care our man, a happy husband... a happy life din.
Sa buhay namin ni Paulo na ito, once lang ito we are sure of that. Hindi namin alam if magkikita kami sa susunod namin na buhay ni Paulo, and we hope that we will find each other kahit sa mga susunod pa na mga lifetime namin. Kaya nga sinusulit na namin.
Our love was really unexpected.
Our relationship was not perfect.
But one thing is for sure, we will make it together til the end.
----
2 Months Later
"Mahal, bumangon ka na dyan." kakalabas ko lang ng banyo...
"Mahal, antok pa ko. Day off ko naman."
"Hindi. Kailangan mong bumangon. Now na. Hahawakan ko junjun mo para magising ka ng tuluyan, sige ka."
Narinig ko ang mahina nyang pagtawa. Kahit nakapikit pa ay bumangon sya mula sa pagkakahiga at hinarap ako.
"Ano ba yun mahal ko?"
"Gising ka na ba?"
"Oo. Nakapikit lang."
"Nanalo ka ng jackpot prize. Imulat mo yang mga mata mo mahal. Dali..."
at unti unti nyang iminulat ang kanyang mga mata at tumambad sa harap nya ang tatlong PT Kit na may nakasulat na "Pregnant".
"Ano yan?" hindi pa nagsisink in sakanya na PT Kits ang nasa harap nya. Kinuha nya iyo at tinitigan nya, nanlaki ang mga mata nya at halos hindi na nakapagsalita nang marealize nya kung ano ang hawak nya at kung ano ang nakalagay doon.
"Huy Paulo! Buntis ako... buntis ako!" sa sobrang saya ay niyugyog ko sya, pero sya itong wala sa hulog.
At tinignan nya ako sa mata... at bigla na lang syang humiyaw.
"SHEEEEEEEET!!! MAGIGING TATAY NA AKOOOOO!!!" Atsaka sya tumayo at nagtatatalon sa floor at inilabas nya lahat ng energy sa katawan nya.
"Thank you mahal! Thank you! Thank you! Thank you!" at siniil nya ako ng halik hanggang sa matumba kami at malaglag sa kama!
----
Hello readers!!! Thank you very much for the support on Doctor Mahal (Co). In just a month, pumalo agad ng 1K reads and story na ito at as of July 2021, nasa 8K+ reads na!!! Nakakatuwa na marami rami ang nagbabasa ng mga stories ko kahit na para sakin ay libangan ko lang talaga ang pagsulat.
Thank you for the love and support! Stay safe everyone!
COMMENT NA LANG IF YOU WANT PART 2/BOOK 2 OF THIS STORY. PAGIISIPAN KO 😁 PERO WHY NOT ❤️
Tell me also your thoughts about the story! Chikahan tayo ganern! Hahaha
-----
A/n:
Hello mga beshiiiesss 💛 Wattpad is like my parallel universe ❤️ Kaya wag nang aangal pa kung ang landi landi ng characters HAHAHA kasi hindi ko kaya gumanyan in real life HAHAHA I tried to make landi of the real "Dr.Paulo" pero hindi landi ang dating sakanya kasi hindi ako marunong talaga HAHAHA Anyways, thank you guys for reading!
Nasa multimedia yung SC ng PRC nung nakapasa si Doc ng Physician Licensure Exam 🤣 Binura ko lang talaga yung mga importante kasi makokotongan ako ni Doc! Hahaha Happy Residency Doc kung nakita mo man ito 😘
Leave a comment at the comment section if nagustuhan nyo yung story and/or may mga request kayo, or any thoughts on Doctor Mahal Co. Yun lang, keep safe everyone 😘
BINABASA MO ANG
Doctor Mahal Co ♥️
RomanceI was an intern. He was a resident doctor. I have a crush on him, and he doesn't know me.