Around 3PM when Paulo went out of the guest room and nasa family area lang ako just right outside his room, nakikipaglaro sa dalawang pusa ko.
"Well rested?" tanong ko sakanya habang hinahaplos ko ang tummy nung isa kong Persian cat.
"The best." then he took a sit beside me. "Ang cute naman nila."
"Syempre... ako may-ari eh."
"Syempre maganda ka eh. Ang tataba!" at binuhat nya si Babi, ang babaeng pusa ko. "Ang cute mo naman."
"She's a beauty. Ito naman si Boggart. Ang jowa ni Babi." sabay kurot ko ng light sa pisngi ni Boggart.
"Sana all may jowa." natawa na lang ako sa sinabi nya at kinurot din ng light sa tagiliran nya.
"Nagmamadali..."
"Oo naman, I can always wait. Basta ikaw."
"Ang sweet mo nanaman."
"Kinikilig?" pangaasar pa nya sakin.
"Ikaw lang ba ang pwedeng kiligin. Babi, kalmutin mo nga."
Nasa family area lang kami at nanood ng movie sa Netflix nang pumahik si mama at nakita kami.
"Andito pala kayo, bakit hindi kayo mamasyal? Ilibot mo si Paulo sa tindahan, sa park."
"Eh Ma, babalik din kasi ng Baguio si Paulo maya maya."
"Ha? Naku, hindi pupwede. Magagabi na. Delikado. Magovernight ka na dito Paulo."
"Ma..."
"It's okay Gia... Day off ko din lang naman bukas. So I' can definitely stay tonight. I'll go back tomorrow after lunch." and he gave me his sweetest smile, a reassuring one.
"Sure ka?" HAHAHAHA loko may trust issues ka Gianna?
At inilabas ni Paulo ang phone nya at ipinakita sakin ang schedule nya. Oo nga, Day off nya bukas.
"Ano? Mamasyal na kayo... sige na."
"Ma, walamg damit si Paulo."
"Ay, walang problema. May stock ako sa baba. Pumili ka na lang dun Paulo."
Bumaba na kami ni Paulo at sinamahan ko sya sa stock room sa likod ng bahay.
"May tindahan kayo ng mga damit?"
"Uhmmm... more like, a department store slash supermarket."
"Malaki pala ng business nyo."
Nilapitan ko ang pile ng mga damit ng panlalaki sa isang rack.
"Gusto mo ba ng ganitong design?" I was busy pulling the polo out, nang pagikot ko.
HUY 2 INCHES NA LANG ANG LAYO NG MUKHA KO SA MUKHA NYA!!! Nakayuko sya ng bahagya dahil pinapanood nya ako sa ginagawa ko pero pag ikot ko nakapantayan ko na sya ng mukha.
Hmmmm... ang bango nya. Ang... pula... ng... labi... mo...
Napalunok ako sa nakikita ko.
Anong feeling kaya ng mahalikan ang labi nya?
"Paulo..."
Ohmaygahd!!! Papalapit na ng papalapit ang labi nya.
Napapikit na lang ako sa kaba.
BINABASA MO ANG
Doctor Mahal Co ♥️
RomanceI was an intern. He was a resident doctor. I have a crush on him, and he doesn't know me.