2 days have passed and I have to go back to Baguio, good thing, my cousin, Derek, will be going to Baguio for leisure kaya isinabay na nya ako pabalik.
Umaga kami bumyahe para din hindi delikado sa dadaanan at makaiwas na din sa traffic.
Saktong lunch time kami nakarating ng Baguio. I helped him checked in a hotel first then we had a lunch together before I went to my apartment.
Dahil sa maaga akong nakauwi at hindi naman ako pagod ay nag-general cleaning na lang ako. As in! Tinaob na ko ang buong unit para maitapon ko na din ang mga bagay bagay.
After cleaning the whole place, changing curtains, linens, and all, nagchill na lang ako sa sofa habang nanonood ng movie.
---
Text Message
Gianna, please. I want to talk to you.
---
I guess it's time for me to block him now. Ayaw nya akong tantanan. I want to heal.
Mark, I don't want you in my life anymore. Kakatapos ko lang buuin ang sarili ko dahil sinira mo ako, then now you want to come back? I'm sorry pero I will never allow that to happen anymore.
BLOCKED
---
Kinabukasan, I had my regular duty, and I haven't had any news from Paulo since he left me in Manila.
"Gianna, extraction. Neurology." napatingin pa ako sa staff ko sa binanggit nya.
"Neurology. Go na Gianna. STAT daw eh."
Agad kong kinuha ang extraction box ko at tumakbo na sa Neurology Ward.
Hala, bakit nagkakaguko ang mga tao?
Then I saw every nurse nakapalibot sa isang bed.
May code.
Lumapit ako sa nurse station at kinausap ang naiwang nurse doon.
"Extraction po?"
"Ay wait lang girl ha, nag-Code kasi."
"Sige po."
At sinilip ko yung busy na bed. Nirerevive na nila yung pasyente. May nagpeperform ng CPR, may nagpprepare for intubation at ng gamot, kanya kanya silang tusok ng gamot sa swero nung pasyente. Busy ang lahat.
Should I go back to the Main Lab? Kasi usually, sila na ang kumukuha ng dugo in case of revival. Kaso sabi ni Mam, intayin ko daw. Soooo...
"Positive." rinig kong sinabi nung isang nurse.
"Intubation." at narinig ko na ang boses nya, yes si Paulo yung nagsalita.
Si Paulo na sobrang namiss ko.
Natatakpan sya ng isang nurse kaya hindi ko sya kaagad napansin.
Mabilis ang kilos ng lahat, smooth din ang paglagay nila ng tube sa loob ng lalamunan ng pasyente, maya maya lang ay na-set up nila ang pump at under life support na ang pasyente.
Pinapanood ko lang si Paulo. Kahot na maraming nakapalibot sakanya at madaming distractions sa paningin ko, sakanya lang ako nakatutok. Halatang pagod, puyat, pero lumalaban pa din. After nyang mag vitals ay kinausap nya ang mga bantay nung pasyente.
BINABASA MO ANG
Doctor Mahal Co ♥️
RomanceI was an intern. He was a resident doctor. I have a crush on him, and he doesn't know me.