Before anything else... (SPG!)

576 9 0
                                    

Pagkatapos namin ni Paulo ay sabay na kaming naligo tapos bumaba na. Around 9:20AM na din. May natagpuan kaming isang bote ng cow's milk at puting keso at pandesal sa ibabaw ng dining table. Idinaan daw ng tita ni Paulo na kapitbahay lang namin.

Kumain na muna kami saglit tapos namalengke na kami.

Pagdating bamin sa palengke ay medyo marami ang namimili. Hindi din kabisado ni Paulo ang mga pasikot sikot since 16 pa lang sya ay nasa Baguio na sya at nagaaral na ng college. Nagbago na daw ang itsura ng palengke kaya lumibot na lang kami para makita kung ano ang mga kailangan namin.

Since naginvite si Paulo ng lunch sa bahay sa mga kapitbahay na mga kamaganak nilanay double ang mga pinamili namin para sa lunch ngayon. Idinamay na din namin sa pamimili ang mga kailangan namin for the next 4 days na magsstay kami dito.

Hindi naman kami nahirapan sa paghahanap ng mga bibilhin since nagtatanong na din kami sa mga nagtitinda kung nasaan ang mga bilihin. Pero nakakaenjoy din na paikot ikot lang kami dito sa palengke. A taste of Philippines that I missed noong nasa Switzerland ako.

Umuwi na din kami sa bahay nang makumpleto namin ang mga kailangan namin. Pagdating namin ng 10AM ay gising na sila Pauline at currently nagaalmusal.

Since 12NN ang lunch ay nagumpisa na kami ni Paulo na magluto. Tinulungan naman kami nila Pauline na maghiwa ng mga kailangan namin. For today's menu, Kare Kare, Lechon Kawali at Bistek ang lunch namin.

Nakakatuwa lang din kasi sa likod bahay kami nagluto. Probinsya way ang pagluluto namin since madami kaming lulutuin. Nagluto kami sa malaking kawali tapos ang gamit naming apoy is yung mga sinibak na kahoy. Tuwang tuwa talaga ako nung si Paulo ang nagpaapoy. Grabe... magaling sya sa mga ganitong bagay.

Pinapanood ko lang sya habang inaayos ang mga lulutuan ko. Tatlo ang kailangan nyang paapuyin dahil 3 ulam ang lulutuin ko. He's wesring sando and khaki shorts tapos naka slipper lang sya ng Rambo na kulay red. Ang gwapo ng mapapangasawa ko!!!

"Bakit mo ko tinititigan?" nakangising tanong sakin ni Paulo habang inaayos nya yung mga kahoy.

"Ang cute mo dyan sa Rambo slippers mo."

"Awanen dayta... in love na in love na sakin."

"Ang hot mo sa sando mahal." tumawa naman sya sa sinabi ko.

"Ano ba Gianna... marinig ka ng mga kapitbahay."

"Ang sexy po ni Paulo Licdao Co!!!!" at isinigaw ko pa lalo.

"Hoy mahal kong sutil, okay na yung dalawa. Pwede ka nang magsalang. Ako na bahala sa lechon kawali."

"Noted sexy!" at tumayo na ako at kinuha ang mga iluluto ko.

Naging mabilis ang pagluluto namin since dalawa kaming kumikilos. Assist lang samin si Pauline at dalawang pinsan ni Paulo na tumulong na din samin.

Natapos din kami right before 12NN. Ipinahanda na namin kila Pio at Pierre ang long table sa ilalim ng puni ng acacia sa harap, tulong tulong naman ang mga relatives ni Paulo na maglagay ng mga upuan, plato at kung ano ano pa at naghain na din kami.

Ang saya lang kasi masaya sila sa pagkain. Tawananbat kwentuhan lang ulit kaming lahat. Almost 30 din kami ditong sabay sabay na kumain, at sobrang busog na busog kami dahil naglabas ang mga tito at tita nya ng mga leche flan at kakanin for dessert.

After ng kainan ay tulong tulong din kaming nagligpit. Nagprisinta naman ang mga ibang pinsan ni Paulo na maghugas ng plato.

Nang matapos kami ay umakyat na kami sa veranda sa second floor at nagsiesta na muna.

Doctor Mahal Co ♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon