Weird

454 12 1
                                    

Last night was fun. Tawanan lang kami habang nagdidinner. I bid my goodbyes around 9PM dahil may pasok na ako kinabukasan.

Right now I'm on my way to the hospital. 9-hour duty awaits.

----

"Kamusta ka Gia? Nabalitaan namin nangyari sayo nung isang araw." Walang pasyente sa Main Reception kaya kwentuhan lang kami ng mga kaintern ko at mga staff ko.

"Ay, okay naman po ako Sir. Sadyang coffee is not for me lang talaga."

Marupok po kasi ako.

"Eh bakit ka pa kasi uminom?" tanong ni Mam Des, isa sa mga kaclose ko din na staff.

"Di ko matanggihan yung nagbigay kasi."

"Hay nako! Gianna... maharot!!!" sagot naman ni Mam.

"Kilala ko yan!!!" sabay sabat ni Sir Patrick.

"Sir naman eh..."

"Sino yun sir?" curious na tanong ni Mam Des.

"Taga Neurology!!!"

"Nurse ba yan?"

"Secret!!!" sagot naman ni Sir Patrick.

At nag thumbs up sakin si Sir. Sir Patrick knows na mayroon akong ka MU sa Neurology, pero hindi nya alam specifically kung sino at kung ano sya. He acts as if he knows him fully. Sir Patrick  doesn't really have any idea kung doktor, nurse, or pasyente ba. Minsan lang talaga ginagamit lang nyang pambully yun sakin.

"Hanggang dun lang ang maibabahagi ko sayo Desiree. Nasa panig ako ni Gianna eh." at tumawa ng malakas si Sir Patrick.

Tinawanan lang namin sila Sir at Mam sa kakulitan nila. Sir Patrick became a close friend of mine dahil dito sa internship ko na to. Ang saya lang kasi karamihan talaga sa mga staff namin, nagiging friends din namin.

Naputol ang pagkkwentuhan namin nang mag-ring ang phone sa reception.

"Okay po. 5 minutes po."

Pagkababa ni Sir Patrick sa phone...

"Extraction Neurology Ward. 3 patients."

"Gianna na yan." Sagot naman ni Mam Des na may halong pangaasar sa tingin nya sakin.

"Ano pa ba. Go on sister! Get the extraction and live happily ever after with... hmmm." tapos tawanan nanaman sila ng malakas.

Pagkakuha ko sa extraction box ay umalis na ako at naglakbay na sa Neurology Ward. May 5 minutes din bago ako nakarating sa ward.

Agad akong lumapit sa nurse's station.

"Extraction po." at nginitian ko ng malapad ang nurse na naabutan ko.

"Ay sige, ito mga request forms nila ha. Sige, maghahanda na ako ng mga gamot nila." at tumango na ako at hinanap ang mga pasyente.

Mahigit 15 minutes din bago ko natapos ang mga extraction ko. Sakto lang para sa 3 pasyente.

Nagdidiscard ako sa nurse's station nang...

"Sabi na nga ba ikaw ang dadating eh."

"Hello Doc."

And yes, it's Paulo.

"Hello Intern Gia." at natatawa sya sa pormal nyang pagtawag sakin.

Sinenyasan ko sya na wag masyadong lakasan ang boses nya dahil nasa kabilang side lang yung nurse. Itinuloy ko ang pagaayos ng mga nagamit ko na mga syringes, needles, and cottons.

Doctor Mahal Co ♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon