Today is the last day of my internship duty. Tapos na ang first 6 months ng 1st internship ko. We had a simple dinner sa intern's quarters with every interns and our staffs. Nakakalungkot pero it was a new beginning for the rest of us paglabas namin ng hospital. After the dinner, konting kwentuhan, picture picture tapos ayun na, umuwi na din ako after.
I got 10 days bago ako bumalik sa school for the second half of my internship kaya pinapauwi na muna ako ni Mama sa Manila. She wants me to take a rest bago ako makulong ulit ng another 6 months.
Since wala si Paulo at nigh duty sya ngayon at kaninang 7:00PM sya pumasok, at 7:30PM naman ako nakalabas, tumawag na lang ako sakanya para magpaala. Hindi na din nya ako pinadaan dahil may meeting din daw sya with his Consultant.
Since he can't take me home kahit gusto nya sana, as usual, nag-Bus na lang ako pauwi. It was around 8PM nang makarating na ako sa bus station dahil nagpalit lang ako ng saglit, tapos umalis na din ako sa apartment.
Punuan ang mga bus ngayon dahil Friday, uwian ng majority ng mga tao dito sa Baguio. Nagsisibabaan din ang mga ibang estudyante. Nakapila na lang ako sa Chance Passenger lane dahil mas makakasakay ako doon kesa sa magpaticket pa ako.
I took the Deluxe trip para 4 hours lang ang byahe, tsaka para wala ding bus stop, at ako na lang ang nakasakay na chance passenger dahil 1 na lang ang available na upuan.
Nang ituro sakin ng kundoktor ang upuan ko...
"Mam, here's your seat po."
"Gianna..." mukhang nagulat sya at ako ang makakatabi nya.
Tumingin ako sa kundoktor at nag thank you tapos naupo na.
"Gianna..." he continues to call me.
Bumalik naman ang kindoktor para singilin ako sa pamasahe ko kaya tumigil sya. Nang makaalis ang kundoktor, inayos ko ang upuan ko, ang bag ko, at maayos na naupo.
Seriously, wala na kaming dapat pagusapan pa.
"Gianna, pansinin mo naman ako."
Hindi ako nagpatinag at hindi ko pa rin sya pinansin.
"Gianna, pansinin mo naman ako. Parang wala tayong pinagsamahan ah."
Aba! Ang hangin mo ah. Sino ba sating dalawa ang bumalewala sa pinagsamahan natin? Ako? Baka ikaw. But regardless, it doesn't even matter now.
"Yes?" mahinahon kong tanong sakanya.
"Uhhmmm... I... I heard about what happened. Yung na-isolate ka." parang sya utal na nagkkwento at putol putol. "So, how are you?"
"Obviously I can travel now. So I guess that tells that I'm perfectly fine now."
"Patapos na din pala ang 1st internship mo--"
"Mark, I'm tired. I really want to sleep."
"Gusto sana kitang makausap. I've been trying to contact you but... you blocked me."
"Mark, you don't have to talk to me anymore. It's okay. I don't need to hear it."
Nginitian ko sya at sinalpak ko na lang ang earphones ko at nakinig na lang sa music tapos pumikit na lang ako dahil nakaalis na sa terminal ang bus at inaantok na din ako.
Honestly, wala na akong nararamdaman sakanya. Pagmamahal, galit, inis- name it, wala na. Kung dati halos magpakamatay ako dahil sakanya, ngayong alam ko na yung worth ko at yung deserve kong pagmamahal, I don't have to worry about Mark anymore. Now that Pauli show3d me how should a real man treat a woman like me, hindi ko na kailangan ang mga reasons na hinihingi ko sakanya dati. I don't need to know his reasons anymore. Yung mga katanungan ko sakanya dati, wala na ngayon. I've let go. I'm perfectly happy and fine now with Paulo, and that's what matters right now.
BINABASA MO ANG
Doctor Mahal Co ♥️
RomanceI was an intern. He was a resident doctor. I have a crush on him, and he doesn't know me.