Messed-up Brain

329 11 0
                                    

The past few weeks has been really mess. Kakaiba halos ang nangyari. Wala na din akong masabi. Kumbaga sa boxing, hindi lang ang laban ni Manny Pacquaio ang main fight, LAHAT! Lahat ng nangyari major game, lahat main event, wala man lang pahinga. Hindi man lang ako makahinga.

Naubusan ako ng lakas pagkatapos ng quarantine ko. The past few days after makaalis nila mama last week, halos wala na akong gana sa mga bagay. I don't really have no idea why. Basta... ayoko na.

Sapilitan na din ako sa pagpasok sa mga duty ko. Nawalan na ako ng gana. Pakiramdam ko, pagod na pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko, ubos na ubos na ako. Wala na akong maibibigay na lakas.

Halos 1 linggo na akong ganito kung hindi ako nagkakamali, at wala na din akong pakealam kung kelan to nagumpisa. Halos ospital at bahay na lang ako, hindi na din humahalubilo sa mga kaintern ko, wala na akong lakas para maglalalabas kung hindi naman kailangan, kapag may chance na dito lang sa bahay, dito lang ako sa bahay.

Ayoko na din sa mataong lugar, ayoko nang makihalubilo. Para akong napagod sa pakikipagsalamuha sa mga tao. I got sick of them.

Hindi na din ako makapaglinis ng bahay. Kung dati kaya ko halos araw araw ang pagGeneral Cleaning, ngayon, 1 linggo na ding walang linis ang kwarto ko.

Labada? Wala, sa laundry shop ko na ipinapadala mga damit ko. Wala na din akong lakas para maglaundry.

Mabilis na din akong mairita ngayon kaya dumidistansya ako sa mga tao kung kinakailangan at hindi naman importante ang gagawin ko.

Hindi pa din kami nagkikita ni Paulo for the past week, he's been calling me and texting me here and there, kaso wala talaga ako sa mood. Sinagot ko naman mga tawag at text messages nya, pero hindi na kadalas katulad dati.

---

It's Monday today and it's the start of my 3 days-off since halos 1 week ako sa hospital ng sunod sunod, andyang day duties tapos susundan ng night duty, then balik day duty tapos dalawang araw na sunod na night duty.

It was an exhausting week. Mamamatay na ata ako.

Bumangon ako to check on my fridge and cabinets...

Wala na pala akong stock.

I went back to my messy room, combed my hair, grabbed my wallet and then went out to buy my stocks without even changing my clothes. To be honest, if hindi ko kailangan ng pagkain, I won't go out. I would stay here inside my room and just sleep off my tiredness.

I grabbed the most convenient meals that I can have. Instant noodles, canned goods, boxed juices, and tons of snacks. I grabbed groceries that will last for 2 weeks.

As I was about to check out, napansin ko si Paulo, 2 cashiers away from me. Agad akong yumuko at nagtago sa gilid na part ng cashier na may mga nakasabit pang kung ano anong products.

Almost 5 minutes din prinocess ang transaction ko sa cashier nang matapos ako.

Sinilip ko ulit kung nandoon pa ba si Paulo sa cashier pero wala na sya, ibang customer na ang nasa counter.

I paid my groceries then binitbit ko na ang mga pinamili ko, at bumalik na. Pagkasakay ko sa elevator, as I hit the close button, biglang mukha ni Paulo ang nakita ko nang bumukas ulit ang elevator.

I just stood there, frozen.

Iniiwasan  nga kita di ba...

"Gia." he was surprised. As in happily surprised. He was smiling from ear to ear then went inside.

"Hi." that's all I can say right now. Yun lang ang kaya kong ilabas na salita sakanya. Hindi ko alam bakit. Basta wala ako sa mood. I heard him hit the elevator button then the door closed.

Doctor Mahal Co ♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon