Back in the habit

291 9 0
                                    

For today, naka-schedule ako magduty sa ER Laboratory namin. It is my first day back in the hospital. Kinamusta ako ng Training Officer ko before ako pumunta sa post ko.

As usual, nothing has changed. Ganun pa rin naman ang ER ever since na mapunta ako dito. Na-miss ko din ang lahat sa ER. Namiss ko mga staff ko, mga kaintern ko, ang ingay ng ER, at syempre memorable sakin ang ER, dahil dito nagumpisa ang lahat sa amin ni Paulo.

8AM nang mag-time in ako, pero wala na namang tigil ang pagdating ng mga pasyente. Kaliwa't kanan ang mga trabaho, but I missed this. Na-miss ko tong katoxican na ito. I was having fun the whole time. Game face on pero gustong gusto ko pa din kahit andaming nangyayari.

I got lost track of time nang pinaalalahanan na lang ako ng staff ko na mag-lunch break na.

Lumabas na ako ng laboratory and as I was making my way out of the ER, I checked my phone and surprisingly found a total of 20 missed calls and 3 messages from Paulo, lahat 4 hours ago.

Good morning mahal ko! Goodluck and enjoy your first day back in the hospital.

Don't forget to drink your water, take a rest if you get a chance, and enjoy!

Sabay tayong maglunch pala :) 12 noon. I will introduce you to someone. I love you.

I still can't believe na boyfriend ko na si Paulo. Hindi pa rin nasisink in sakin. Grabe!

I was cut off by a call, si Paulo.

Mahal, kita tayo sa parking lot. We will eat outside with Oliver.

Ah, sige papunta na palabas na ako ng ER.

I walked towards the parking lot. Mukhang for the remaining days of my internship here, dito ang magiging tagpuan namin. Nakakathrill lang, kasi we need to sneak out just to see each other dito sa hospital.

I climbed his car and closed the door. Hindi pa ako nakakapagsalita pero isang akap na mahigpit ang sumalubong sakin.

"Namiss kita Mahaaaaaaaal kooooo..."

"Ayieeeeee... ang clingy nya oh." pangaasar ko sakanya at umakap na din ako.

"Hoy Paulito, baka nakakalimutan mong andito lang ang sa likod nyo." napabitaw ako kay Paulo sa biglang pagsasalita ng isang lalaki sa backseat.

"Oliver naman eh!" inis na saway ni Paulo sakanya.

Wait parang nakikilala ko sya. Doktor din sya dito eh. Ikaw pala si Oliver?

"Pakilala mo naman ako." reklamo pa ni Oliver.

"Mamaya na, may formal meet up din kayo." then umalis na kami.

Medyo malapit lang yung pinuntahan naming restaurant. Medyo tago at walang gaanong tao kahit lunchtime.

"Care to introduce Paulito." pangungulit ni Oliver nanag makaorder na kami.

"Atat ka Oli? Gianna, this is Oliver Dimaraan. Best buddy ko yan kahit ganyan itsura nyan. Oliver, si Gianna Lopez, ang aking minamahal na girlfriend."

"Ang corny mo alam mo yun?" tapos nag make-face sya kay Paulo. Halatang kumportable sila sa isat isa at simple lang silang magkaibigan.

"I'm Oliver, nice to meet you Gianna."

"Nice to meet you din po, uhm, taga BGHTMC din po ba kayo?"

"Wag mo na akong i-po. Oo magkasama kami nitong singkit mong jowa. If maaalala mo, Ako yung nangbbwisit kay Paulo noong naka oxygen ka sa ER, tsaka kasama din ako ni Paulo nung dinala mo sa ER yung bata." and he was all-smile while reminiscing.

Doctor Mahal Co ♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon