Do or Die

381 7 0
                                    

Hindi ko na nacontrol ang sarili ko lalo na nang makita ko ang pangalan ni Paulo.

Tinanong ko ang kalagayan kaagad ni Paulo at sabi nung nurse na kausap ko, for intubation na daw si Paulo anytime.

Wala akong magawa. Andito ako sa loob ng Quarantine area and hindi kami pwedeng makalabas hanggat di namin nabubuo ang 14 days.

Iyak halos ang nagawa ko. I called my mom and ibinalita ko ang nangyari. She was also shocked and crying at the same time habang nasa video call kami. Pinaalam kondin kay Pauline ang nangyari sa kuya nya and she is also devastated.

The whole day I was crying and wala akong gana kahit na anong ibigay nilang pagkain sakin. Nakakapanood ako ng TV pero wala na din ang atensyon konat focus ko.

Andami nang tumatakbo sa isip ko.

Bakit si Paulo pa? Pwede namang ako! Nasa iisang kwarto lang kami sa laboratory pero bakit si Paulo at Dr. Darren pa?!

Hanggang sa mag-gabi ay yun lang ang nasa isip kom Paano na si Paulo.

Kailangan mong kumilos... finish the cvaccine.

May kung anong boses ang pumasok sa isip ko.

Agad kog kinuha ang laptop ko.

Paulo and I have been working on a lot of things, madami kaming nakita at nalaman na makakatulong sa pagtapos ng vaccine, pero meron kaming isang theory na susubukan dapat after this quarantine period. Agad kong hinalungkat ang email ko at hinanap ang mga materials na ibinigay sa amin ni Dr Alvarez na makakatulong sa research namin.

I gathered all informations and made studied everything.

The next 48hrs halos hindi na ako natutulog. Puro basa at research na din ako atsaka consultations with the other researchers with us na nasa barracks na.

Days have passed and 14 days quarantine is over. Imbes na mag day off ng 7 days, bumalik ako sa laboratory and worked 24/7 until one day... success ang clinical trial namin. We created and Antibody against the virus that will definitely kill it within 72hrs upon introduction to patient.

Nang matapos namin ang clinical trial, ipinasa namin kaagad sa taas ang findings. We are already subjected to ethical review ng WHO.

Clock is ticking, naka tubo na si Paulo and he had a lot of other infection aside from the virus infection. Unti-unting sinira ng virus ang immune system ni Paulo.

Mabilis ang pangyayari, after approval, ako na mismo ang pumunta sa infectious unit kung nasaan si Paulo at ako na ang nagturok ng vaccine sakanya.

First time ko syang makita ulit after 1 month. Balita ko lumalala si Paulo habang si Dr.Darren at Giorgio ay kahit papaano ay umayos ang kalagayan.

Namayat ng todo si Paulo. Andaming nakakabit na makina sa katawan nya.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Umiyak na lang ako ng umiyak sa ilalim ng Hazmat suit ko sa nakikita ko.

Hindi na muna ako umalis sa tabi ni Paulo... humingi na din ako ng permission para magstay. Bahala na kung pati ako mahawa, pero hindi ko iiwan si Paulo.

Kung mawawala ka Paulo, isama mo na lang ako.

---

Dahil sa ginawa kong pagstay sa loob ng kwarto mismo ni Paulo ay dinala ako kaagad sa Quarantine facility namin at ikinulong sa Level 3 Biosafety class facility ng isolation.

I have a high risk.

According to them, what I did was a suicide mission. I chose the most dangerous way to love a person. Everyone was happy, but definitely worried with what I did.

Doctor Mahal Co ♥️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon