CHAPTER 3

43.9K 1K 16
                                    

Astrid's P.O.V

"Hey witch, don't come with us," masungit na sabi ng chanak.

Hindi ko alam kung bakit tila ang laki ng galit nito sa akin, inaano ko ba siya?

May nagawa ba ako sa kan'ya na hindi ko alam? Sa pagkakatanda ko ay wala naman. Kung hindi lang ito cute ay baka naisako ko na ito at itinapon sa ilog pasig.

Kung hindi dahil sa trabaho ay hindi ako sasama sa kanila, akala naman nitong chanak na 'to gusto kong maki-join sa shopping nila? Dapat ay nasa office ako at payapang nagt-trabaho. Kasama ba sa rules na need sumama sa boss sa family matters nito?

Katulad kanina, gusto kong magreklamo dahil sa ginawa akong taga-luto pero hindi ko ginawa. Mabait pa ako sa lagay ko na ito dahil nagpapa-goodshot pa ako kay boss sungit baka sakaling tumaas ang sweldo ko.

At ngayon, mukhang alalay naman ang bagsak ko, paniguradong ako ang taga-bitbit ng mga bibilhin nila mamaya.

"Ms. Ramirez can you move a little bit faster? Ang bagal mong pumasok sa sasakyan e."

Isa pa itong boss kong masungit, halatang-halata na mag-ama sila ah? Pareho ng ugali at parehong may sama ng loob sa akin.

Binilisan ko nalang ang pagpasok sa kotse at umupo sa passenger seat, mas gusto ko pa na dito maupo kaysa makipag-siksikan sa mag-ama doon sa likuran. Speaking of mag-ama, nasa'n kaya yung mommy ni chanak?

"Anong ginagawa mo r'yan? Dito ka maupo sa likod." Turo nito sa gitna nilang dalawa.

Gulat at nagtatakang napatingin ako kay boss. Bakit kailangan doon pa ako maupo, space nilang pamilya 'yon ay secretary lang ako. Ang kapal naman ng mukha ko kung doon ako uupo hindi ba?

"Pero boss, dito nalang po ako para hindi na tayo magsiksikan diyan," paliwanag ko. Ayoko pati na makipagsiksikan sa kanila duh!

"Kapag sinabi ko na uupo ka dito, umupo ka dito or else i'll----

Hindi ko na hinintay na tapusin ni boss sungit ang kan'yang sasabihin at mabilis na akong lumipat sa pagitan nila. Ayoko ng magreklamo dahil sayang ang trabaho kung tatanggalin ako, malaki ang sweldo dito kumpara sa ibang kumpanya.

"Why are you here? It's so masikip, go back in front!" Reklamo naman ng chanak, ano ba talaga? Saan ako lulugar? Gusto ni boss na sa tabi nila ako pero itong chanak niyang anak ayaw ako sa tabi niya.

Ano ba talaga? Nabubugnot na ako sa mag-ama na ito, hindi na nakakatuwa.

Dahil sa inis ay binigyan ko ng masamang tingin ang chanak na nasa tabi ko at hindi naman ito nagpatalo. Ah gano'n? Pinandilatam ko ito ng mata para matakot ito at nagtagumpay naman ako dahil mukhang natakot ang chanak.

Pero shemz wrong move ang ginawa ko.

Bigla nalang itong umatungol ng iyak ng napakalakas kaya naman bigla akong nataranta. Tinignan ko si Boss Sungit na sobrang sama na ng tingin sa akin. Napakamot nalang ako sa aking ulo dahil sa hindi alam na gagawin.

"What the hell did you do Ms. Ramirez? Bakit mo pinaiyak ang anak ko? You want me to fired you?" nakakatakot na tanong nito habang binibigyan pa rin ako ng nakakatakot na tingin.

At mas lalo akong nataranta dahil sa patuloy na pag-iyak ng Chanak, ano ba ang gagawin ko? Hinawakan ko ang balikat nito at ihinarap sa akin.

Iyak pa din ito ng iyak kaya agad kong nilabas ang candy na nasa bulsa ko, buti nalang at may natira pa ako kanina sa binili ko. Tumigil ito at napatingin sa candy na hawak ko, lollipop to be exact. Sinusuri niya ito at dahan-dahang inabot ng maliit nitong kamay ang hawak ko kaya napangiti ako.

Ang cute kasi ng chanak na ito, namumula at tila nahihiya pa siyang tanggapin ang ibinigay ko.

"T-thank you." Iwas tingin nitong pasalamat sabay balik sa upuan niya at nanahimik. Napangiti ako dahil doon, at least nalaman ko na may tinatagong bait din ang chanak na ito.

Pasalamat talaga 'tong chanak na 'to at cute s'ya kung hindi baka kanina ko pa ito sinipa palabas ngsasakyan.

Tahimik na ang sasakyan at hindi na din ako nagbalak na magsalita dahil mas maganda na ang tahimik kesa sa katulad ng kanina.

***
FOLLOW AND VOTE!

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now