CHAPTER 20✔

31.2K 618 21
                                    

CHAPTER 20

Isang buwan at isang linggo na ang nakakalipas mula ng itanong sa akin ni luci kung buntis ba ako.

At simula ng itanong nya iyun ay lagi nalang akong binabagabag ng tanong niya. Kaya naman naisipan ko na magpa-check up. Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa din na tatagan ang aking loob.

Agad akong pumasok sa clinic dahil nakapagpa-schedule na naman ako.

"Hello Mrs. Ramirez---

"Hehehe, MS palang po ako doc." Nahihiyang sabi ko.

"Ohh sorry so Ms. Ramirez shall we start?" Tanong nito kaya agad akong tumango.

Binigyan niya ako ng tatlong pregnancy test kit para daw sigurado. Sinunod ko ang mga nakasabi sa instruction at naghintay ng ilang minuto.

Pagkatapos ay dahan-dahan kong tinignan ang result.

Dear lord, kahit ano pong mangyari aalagaan ko po ang baby kung sakaling hindi tanggap ni luci.

Pikit mata kong tinignan ang result.

*dugdug

*dugdug

*dugdug

*dugdug

*dugdug

*dugdug

Two red lines...

Positive...

I'm pregnant.

I'm pregnant with Luci's child.

Hindi ko maiwasang hindi maluha sa saya at sa lungkot na aking nadarama, masaya dahil mayroon ng anghel sa aking sinapupunan habang malungkot naman dahil hindi ko sigurado kung tanggap ba ni luci ang baby namin o kung maniniwala ba siya.

Pero kahit anong mangyari mamahalin ko pa din ng buong buo ang batang ito.

***

SA Tatlong pregnancy test kit na ginamit ko lahat iyon puro positive kaya naman sobrang saya ko, chineck up na din ako ni doc para mas masigurado namin.

"Congratulations Ms. Ramirez, you're two months pregnant." Nakangiting bati sa akin ni doc. Kahit na sure na ako na buntis ako hindi ko pa din maiwasang hindi maluha, siguro part of pregnancy.

"Salamat po doc." Pagpapasalamat ko.

"At Ms. Ramirez, please iwasan po natin ang pagkain ng mga hindi masusustansyang pagkain gaya ng softdrinks. At mas lalo na ang junk foods, matulog din po tayo ng maaga at 'wag pong magpa-stress. Reresetahan din kita ng vitamins mo and your monthly check-up schedule." Nakangiting paliwanag sa akin ni doc kaya naman nginitian ko din siya.

Pagkatapos ng mga advice na sinabi niya sa akin ay agad na akong nagpaalam para umuwi.

Pagkalabas ko ng clinic at agad akong nag-intay ng taxi ng biglang may tumigil na napakagarbong kotse sa harapan ko at lumabas mula doon si.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Si ash yeah si ash..

"Hoyy bruhilda anong ginagawa ni diyern?" Pabaklang tanong nito kaya natawa ako.

"Wala papasakayin mo ba ako bakla? Pajoiness naman sa ride mo." Natatawang sabi ko.

"Sure get in." Nakangiting sabi nito at hindi na nag-abalang pagbuksan ako kaya napasimangot akong pumasok sa kotse niya.

"Wala ka talagang kagentle-gentle sa katawan" nakasimangot na sabi ko.

"Hahaha i know." Natatawang sabi niya at pinaandar na ang kotse.
Hindi nagtagal ay nalaman ko na hindi ito ang daan pa uwi sa apartment ko.

"Uyy bakla saan tayo pupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa apartment ko." Kalabit ko sa kanya.

"Sino bang nagsabi na uuwi na tayo? Let's relax for a while, i know you're stress physically and mentally." Sambit ni ash na 'agad ko namang naintindihan.

Yes, i think i'm physically and mentally stress. I need to unwind sometimes kaya hindi nalang ako umangal.

Maya-maya pa ay tumigil kami sa isang bundok. Yes bundok siya pero may daanan ng kotse kaya hindi mo na kailangang lakadin.

Pagkababa namin ay kitang kita ko ang ganda ng maynila, papalubog na din kasi ang araw at kitang kita namin ang sunset.

"This place is beautiful right?" Biglang sambit ni ash kaya napatingin ako sa kanya pero agad din na binalik ang tingin sa unahan.

"Yeah, very beautiful." Naisagot ko nalang.

"Someday i want to bring here my love ones and we'll have a happy bonding momment then rest while watching sunset." Sambit ko habang nagi-imagine. Sana nga matupad ko ang mga nasa isip ko.

Magsasalita na sana si ash ng biglang may narinig kaming nag-uusap. 'Agad na nagawi ang tingin namin ni ash sa isang parte ng bundok na ito. Hindi kami napapansin dito dahil medyo tago dito at may mga punong nakaharang.

"Carla, can i court you?" Rinig kong tanong ng lalaki kay carla...

Siya yung tomboy na nakabangayan ni ash sa beach. At ganoon nalang ang gulat ko ng mapagtantong si kyle pala ang lalaking nagpropose sa kanya.

Nakaluhod ito habang may kapit na bulaklak, agad na nagawi ang tingin ko kay ash ng marinig ko itong umismid.

Pagtingin ko sa kanya kitang kita ko ang pagkakunot ng noo nito habang nakatingin sa dalawa.

"Sorry, pero hindi pa ako handa." Rinig kong sagot ni carla.

"I'm willing to wait just for you." Malambing na sagot ni kyle kay carla.

Pagkatapos non ay wala na akong narinig pa, mukhang umalis na ang dalawa. Binalik ko ulit ang aking tingin kay ash na hanggang ngayon ay madilim pa din ang anyo.

"Huyy anong problema mo?" Tanong ko sa kanya ng hindi na ako nakatiis.

"Tss that tomboy, inaagaw niya sa akin si kyle." Halos humagalpak ako ng tawa dahil sa narinig ko.

Seriously? Kala ko nagseselos siya kay Kyle but it's the other way around. Kay Carla siya nagseselos.

"Bakit naman? Wala namang kayo ni Kyle ah?" Pang-aasar ko pa dito.

"Wala PANG kami pero magiging kami na SOON." Madiin na sagot nito.

"How sure you are?" Nakangisi pa din na tanong ko.

"Sure as hell, at hindi ko hahayaan ang Carla na iyon na sirain kami ni Kyle." Uoh mukhang seryoso na si bakla.

"Anong binabalak mo ash?" Seryoso ko na din na tanong.

"Just watch, sisiguraduhin ko na mawawala sa landas namin ni Kyle ya'ng Carla na yan." Sabi ni ash.

"Ash, sige gawin mo iyang naiisip mo pero think before you click, baka mamaya pagsisihan mo ang pinaplano mo ngayon. Not now but soon, nasa huli ang pagsisisi kaya habang maaga pa tigilan mo na yang kademonyohang niisip mo." Payo ko sa kanya pero tinawanan lang ako nito.

Pagkalipas ng isang oras ay nag-aya na akong umuwi dahil gumagabi na din.

Balak kong sabihin bukas kay luci ang tungkol sa kalagayan ko, at bahala na bukas kung anong mangyayari sa amin ni baby...

Sana lang tanggapin niya ang anak namin....

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now