CHAPTER 14✔

34.4K 802 48
                                    

CHAPTER 14

Sus ano ako? Nagseselos? Ha! Asa naman si boss sungit.

Kung hindi ko lang ito boss e, baka kanina ko pa ito binatukan sa sobrang lakas mag-assume.

Bakit naman ako magseselos? Don't meh

"Can you walk a little bit faster?" Hindi ko alam pero kanina sa elevator parang ibang tao siya kasi tumatawa at nagti-trip pero nung makalabas kami aba balik nanaman sa pagiging suplado.

Gigil mo si ako boss.

Tumakbo nalang ako hanggang sa makarating kami sa kwarto namin, ayy teka lang..

"Boss saan ako matutulog? Bakit isang kwarto lang?" Agad na tanong ko.

"Dito ka matutulog." Turo ni boss sa room na binubuksan niya.

"Okay pero saan po kayo?" Takang tanong ko ulit.

"Dito din."

"WHAT?!?" gulat na tanong ko sabay takip sa magkabila kong dibdib.

"H'wag po maawa po kayo, bata pa ako." Sabi ko dito na may nagmamakaawang boses.

"Don't be so O.A, akala mo naman hindi ko pa nakikita 'yan?" Halos mamula na ako sa sinabi niyang iyon.

Boss T_T

Bakit pinaalala mo pa?

Ang mga pagkakamali na nagawa ko?

Ang landi ko palaaaa...

Hindi nalang ako nagsalita at iniwas ang aking tingin.

"Ilagay mo nalang ang mga gamit natin sa closet." tipid na utos nito sabay pasok sa c.r

Hindi ko ba nabanggit sa inyo na ako ang pinagbuhat niya ng mga gamit namin?

Yes! Grabe talaga si boss sungit hindi ko akalaing ganon pala siya. So ungentleman

Padabog kong ipinapasok ang mga gamit namin sa closet.

Grr!!

At pagkatapos ay padabog din akong nahiga sa kama.

Ang lambot..

Dahil na din siguro sa pagod ay tinamaan 'agad ako ng antok.

-__-Zzzz!!-__-Zzzz!-__-Zzzz!!-__-Zzzz!!

***

Naalimpungatan ako at pagkatingin ko sa orasan na nakasabit sa taas ng pinto ay 3:30 na ng hapon.

Dali-dali akong bumangon at 'agad na hinanap si boss, doon ko siya nakita na nakahiga sa sofa at natutulog.

Hindi ko nalang siya ginising dahil halata sa mukha niya na sobrang pagod siya ngayon.

Nag-iwan nalang ako ng sulat na maglalakad lakad muna ako at agad na akong lumabas..

Pagkadating ko sa labas ng building ay 'agad na tumambad sa akin ang napakagandang tanawin.

Wiiieehhh! Ang lamig dahil hapon na, dahil sa tuwa ko ay dali-dali akong tumakbo papuntang dalampasigan at hindi ko nakitang may makakabangga na pala ako.

At ang ending?

Hayun! Napaupo ako sa buhanginan.

"Araaaayyyy!!" Daing ko sabay hawak sa balakang ko.

Grabee! Ang sakit ng pagkakabagsak ko diretso sa pwet e.

"HOY MR.WHO-EVER-YOU-ARE HINDI KA BA TUMITINGIN SA DINADAANAN MO?" galit na bulyaw ko dito habang pinapagpagan ang pantalon ko kaya hindi ko makita ang mukha ng lalaking nakabangga ko.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now