CHAPTER 43
ASTRID P.O.V
Naging maayos at successful ang operasyon kay duke at dalawang linggo na ang nakalipas unti-unti ng bumabalik ang kanyang lakas.
Labis ang kabang naradaman ko ng mga panahon na iyon kaya nung sinabi ko kay luci ang nangyari kahit natatakot ako ay ginawa ko para lamang mailigtas ang anak namin.
At sa mga linggong nagdaan ay naging cold nanaman sa akin si Luci.
Simula ito nung nalaman niya na nagsinungaling at itinago ko sa kaniya si duke.
Dito niya kami pinatira sa bahay niya parang bumalik kami sa nakaraan katulad ng doon ako nakatira at masaya kami.
Pero iba na ngayon, hindi katulad ng muli kaming nagkita na maloko si luci.. Ngayon naging sobrang cold nito sa akin na yung tipong kakausapin lang ako kung may kailangan o may itatanong siya sa akin.
Sobrang protective at caring nito kay duke na sobrang ikinatuwa ko.
Kahit na cold siya sa akin okay lang, kahit na hindi niya ako pansinin okay lang, kahit na wala siya pake sa akin okay lang.
Okay lang yun sa akin huwag lang kay duke. Masaya ako na tanggap niya si duke
Naalala ko pa ang huli niyang sinabi sa akin bago kami lumipat dito.
Don't you ever assume that i care for you.. Because I'm not! I'm just doing this because of my son! Nothing more and nothing less.. Kung hindi lang ikaw ang ina ng anak ko siguro matagal na kitang inilayo sa kanya.. Mas malala ka pa kay fiona...
Masakit! Sobrang sakit dahil na-realize ko na tama siya, na umasa ako sa kanya na magkakaroon pa ng KAMI! Na kaya lang ako nandito dahil sa may anak kami.. Pero mas masakit na masabihan na mas malala pa ako kay fiona..
Pero pipilitin kong tanggapin ang lahat ng sinabi niya.
Pipilitin kong kapalan ang mukha ko para lang makasama ang anak ko at pipilitin kong lunukin ang pride ko makasama ko lang sila.. Siya...
"Nanay, dito na po ba tayo titira?" Inosenteng tanong ni duke habang nakatingala sa akin.
"Yes baby dito ka na titira." Sambit ko sabay gulo ng buhok niya.
Siya lang ang dito titira dahil alam ko anytime ay papaalisin na ako ni luci.
Kaya nga hindi ko na nilagay ang mga gamit ko sa closet dahil ayoko ng mag-assume.
Ayoko ng umasa lalo na kung yung inaasahan ko wala ng pake sa akin.
"Gusto mo bang kumain baby?" Tanong ko.
"Opoooo!" Masayang tugon nito.
Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto namin. Nasa iisa lang kaming kwarto dahil ayokong mapalayo sa kanya.
"Let's you. Nanay will cook for youuu!" Sabay kiss ko sa kanyang matambok na pisngi.
"Pero tawagin mo muna ang kuya prince mo." Utos ko sa kanya na kaagad namang nakapagpasimangot dito.
"Nanay naman! Hindi ko siya kuya!" Simangot na apila nito pero tinawanan ko na lamang.
Parang aso't pusa talaga ang magkapatid pero alam ko na mahal nila ang isa't isa. Ramdam ko iyon.
Naalala ko nung nakaraang araw, may nabasag na baso at nabubog si prince. Iyak ito ng iyak noon tapos nagulat nalang kami ng biglang tumakbo si duke papunta sa kuya niya at niyakap ito pagkatapos ay umiyak din.
YOU ARE READING
The Billionaire's Secretary (COMPLETED)
RomanceAstrid Ramirez, a girl who works as a secretary for a man who has no sense of humour. Being a secretary is okay, but is being a babysitter of its child also okay? "Secretary na nga, babysitter pa!" WARNING: This story is still not edited. You may s...