CHAPTER 19✔

30.1K 650 19
                                    

CHAPTER 19

*One Month later*

Its been 1 month since nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko, hindi ko alam pero this past few days nagiging antukin na ako. Then gustong-gusto kong kurutin lagi ang pisngi ni luci. Nakakagigil siya grr!

Nagiging matakaw na din ako at parang tumataba na ako.

T__T

Kasama ko ngayon si Luci at 1 month na din simula ng maging sobrang sweet niya sa akin. Lagi niya akong binubusog, tapos parang hindi na nga niya akong secretary, ayaw na ayaw niya akong napapagod.

Yiieehh kenekeleg eke.

"Heyy baby are you okay? You're spacing out." Ayan! Isa pa 'yang baby na 'yan. Napakafa-fall ni boss may baby baby pa'ng nalalaman ano 'yun? Landian lang walang label?

"Sorry, may iniisip lang ako." Ayun nalang ang naisagot ko.

Hindi ko na din siya tinatawag na boss sungit dahil ayaw niya, nung huling beses ko nga siyang tinawag na boss sungit sinigawan ako at sinabihan na oras na tawagin ko daw ulit siya na boss sungit babawasan niya ng 50% ang sahod ko.

"Mas gwapo ba 'yan sakin? Mas matangkad? Mas maputi? Mas mayaman? Gusto mo?" Nagulat ako sa sunod-sunod na tanong ni luci.

"Huh?" Natatangang tanong ko pabalik.

"Lalaki siguro 'yang iniisip mo tss," halos humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi niya.

Is he jealous? Gusto ko sanang itanong 'yun sa kan'ya kaso for sure magagalit nananaman itong masungit na ito.

"Ano ka ba! Parang tanga." Natatawang sagot ko dito.

"Tignan mo? Hindi mo nga sinasabi kung ano ang iniisip mo." Sabi ni luci na halatang nagtatampo

"*chuckle* of course not, mas gusto kita." Biglang banat ko at kitang kita ko naman ang biglang pagpula ng kan'yang mukha hanggang tenga at leeg.

"Ayiiieehhh kinikilig siya." Tudyo ko dito with matching sundot sundot sa tagiliran niya.

"Stop it, astrid." naiinis niyang sabi sa akin kaya hindi ko maiwasang mainis.

Isa pa ito sa mga nangyari sa 'kin sa nakalipas na buwan. Nagiging moody ako at bigla nalang naiinis kay Luci.

Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin.

"Heyy baby, are you angry?" Malambing na tanong nito sa akin pero inismiran ko nalang ulit siya.

"Baby look, i'm sorry." nagpapacute niyang suyo sa akin.

Shett! Konti nalang susuko na ako.

Ang landi mooo!

"I'll do everything just to erase that damn anger." Agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Minumura mo ba ako?" Galit na tanong ko dito.

"Baby no, sorry na pleasee*puppy eye*" yes! Nagiging isip bata nanaman po si Luci.

"Pakagat nalang." Biglang sabi ko, bigla kasi akong nanggigil kay Luci e.

Nakita ko siyang napalunok pero 'agad ding inabot ang kamay niya sa akin.

Kaya 'agad kong tinaas ang long sleeve niya at 'agad na kinagat ang kan'yang braso.

Kitang kita ko ang pagngiwi niya pero hindi ko iyon pinansin. Bahala siya d'yan ginalit niya ako e hmp!

Ng matapos ay 'agad na niyang pinagpatuloy ang pagda-drive, papunta kami ngayon sa bahay ni Luci, namiss ko na kasi si baby chanak kaya tinanong ko kay Luci kung pwedeng dumalaw, pumayag naman siya 'agad. Ilang linggo ko na din na hindi nadadalaw si baby chanak kaya namiss ko talaga siya.

Pagkarating namin sa bahay nila ay hindi ko na hinitay pa si Luci na pagbuksan ako at dali-dali na akong bumaba at tumakbo papuntang gate, 'agad naman akong pinagbuksan ni kuya dahil kilala na niya ako.

Pagkapasok ko sa bahay ay 'agad na hinanap ng mata ko si babychanak pero ganoon nalang ang lungkot ko ng makita kong kasama niya si Fiona at kitang-kita ko na sobrang saya nila.

Hindi man lang sinabi sa akin ni Luci na dito na pala nakatira si Fiona, pero bakit naman niya sasabihin sa akin? Ano ba kami? Secretary lang niya ako kaya wala akong karapatan na panghimasukan ang private life ni Luci.

Kitang kita ko na sobrang saya ni baby chanak habang naglalaro sila ng mama niya. Hindi ko pa siya nakita na ganoon kasaya dati, siguro yun yung tinatawag nilang mother's love.

Pinagmamasdan ko lang sila hanggang sa naramdaman kong may humawak sa dalawang balikat ko mula sa likod.

"Heyy ano pa'ng ginaga----

Hindi na nito natapos ang sasabihin niya ng matigilan ito ng nagawi ang tingin niya kila chanak.

Hindi na nakapagsalita si Luci at nakatulala pa rin sa mag-ina niya. Kita ko ang gulat sa mga mata niya habang ang sa akin naman ay sakit.

Bakit kaya nagkahiwalay si Luci at Fiona? Kung makikipagbalikan ba si Fiona papayag ba si Luci? Of course yes! Sino ba ang ayaw ulit mabuo ang pamilya niya right?

Masakit! Sobrang sakit dahil unti unti na akong nawawalan ng pag-asa.

Biglang nagawi ang tingin ni chanak sa amin at 'agad di'ng nanglaki ang mga mata nito.

" wiiittcchhhh!" Sigaw nito at 'agad na tumakbo sa akin. 'Agad naman akong lumuhod at sinalubong siya ng yakap.

"I missed you chanak." Nakangiting sabi ko sa kan'ya.

"I missed you too witch." Nakangiting sabi nito sa akin at lumambitin nanaman.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil natutuwa ako kay chanak, ang cute niya talaga at kahit nandito na ang mama niya hindi parin niya ako nakalimutang batiin.

"Baba ka na chanak, laro ulit kayo ng mommy mo." Nakangiting sabi ko.

Akala ko ay tatanggi siya katulad ng ginagawa niya noon pero ganoon nalang ang pagkadismaya ko ng bigla itong bumaba at tumakbo palapit sa mama niya.

"Hello po ma'am." Pilit ang ngiting bati ko dito pero inirapan lang niya ako.

Napangiwi nalang ako at tumingin kay Luci na papalapit ngayon sa mag-ina niya.

At mukhang tuluyan na akong nakalimutan ng mag-ama dahil isa't kalahating oras na akong nandito pero hindi pa din nila ako niyayayang umupo kaya isa't kalahating oras na din akong nakatayo dito.

Kitang-kita ko sa mata ng mag-ama ang saya at galak. Halatang namiss nila si Fiona.

Napangiti nalang ako ng mapait at dahan dahang umantras para lumabas na.

At hindi pa din nila ako napapansin hanggang sa makalabas na ako.

"Good afternoon po ma'am Astrid." Nakangiting bati ulit sa akin ni manong.

"Uuwi na po ba kayo?" Tanong naman nito kaya tumango nalang ako.

"Alam po ba ni sir Luci?" Tanong ulit ni manong kaya tumango nalang ulit ako kahit hindi naman talaga.

"Manong magbigay ka ng number." Biglang sabi ko dito at kita ko naman ang pagtataka sa mukha niya pero sumagot pa din.

"Five po ma'am, bakit po?" Nagtatakang tanong nito pero inilingan ko nalang siya at lumabas, sakto namang may dumaang taxi kaya 'agad akong sumakay.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Five... Limang beses kong titiisin ang sakit pero pagkatapos ng limang beses na iyon at may susunod pa tama na... Masakit na e... Pagod na ako.... Kailangan ko din magpahinga...

=====
A/N: Sorry natagalan sa pag-UD

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now