CHAPTER 45

28.5K 828 221
                                    

CHAPTER 45

LUCI'S P.O.V

Kakauwi ko lang galing hospital dahil sa nangyari kay fiona.

Tinanong ko sa doctor kung okay lang ba ito at sinabi niya na walang dapat ikabahala dahil minor bruises lang ang natamo nito mula sa pagkakabagsak sa sahig.

Sadyang OA lamang si fiona at napaka-arte.

Uuwi na ako ng bigla kong maalala ang sinabi ko kay astrid bago ako umalis, sinabi ko na umalis na siya at sumama kay cylan.

But fuck! Hindi ko kayang makita siyang kasama si cylan. Nasabi ko lamang iyon dahil sa galit sa nalaman na nagsinungaling sa akin si astrid tungkol kay duke.

At dahil na din sa selos na nararandaman ko.

Nagseselos ako sa uhuging cylan na yun dahil nakasama niya ang mag-ina ko sa mahigit limang taon.

Pinilit kong hanapin si astrid nung nakaraang limang taon pero kahit anong gawin ko hindi ko ito mahanap, sa palagay ko ay may humaharang sa lahat ng koneksyon ko para mahanap si astrid.

Pero ang ipinagtataka ko ay kumg SINO ang taong iyon.

Umiling iling nalang ako at kinalimutan na ang nakaraan, habang umaakyat ako ay naisip ko ang mga nasabi kong masasakit na salita kay astrid at sa tingin ko sumobra na ako.

Paano kaya ako makakabawi sa kanya? Siguro ay tulog na ito sa kanyang kwarto, lagi ko kasi itong nasisigawan sa tuwing naaubatan ko ito sa labas at kung ano ano ang ginagawa.

Ang kulit nito at parang bagong pisang palaka sa sobrang kagaslawan. May pagka-isip bata din ito. Naalala ko nung nakaraang linggo  naglaro sila ng putik tapos pumasok sila dito sa bahay kaya sobrang putik ang nangyari sa bahay.

Nasigawan ko siya noon at umiyak siya, sobrang pag-sisisi ang nadama ko pero pinilit ko iyong isawalang bahala dahil natatabunan na ako ng labis na galit.

Tanga na kung tanga, pero once na magalit ako wala na akong pake kung may masaktan man ako. Nagiging sarado ang isip ko at wala akong naririnig.

Kaagad akong dumiretso sa aking kwarto at nagbihis, pagkatapis ay kaagad akong lumabas at tinignan ang aking dalawang anak.

Lagi ko itong ginagawa tuwing gabi, siguro ay nadala na ako nung biglang nawala si astrid.

Nang silipin ko si prince ay nakita ko itong natutulog ng mahimbing kaya dahan dahan ko na ulit isinara ang pinto.

Pagkatapos ay dali-dali akong pumunta sa kwarto nila duke, ito ang gusto kong ginagawa tuwing gabi, titignan ko siya at pagkatapos ay hahalikan ang kanyang noo.

Hindi man niya alam pero mahal na mahal ko siya at hindi ko kakayaning mawala ulit sila sa piling ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad na napakunot ang aking noo sa nakita.

Mag-isa lang si duke sa higaan at wala doon si astrid. Pumasok na ako ng tuluyan at dumiretso sa C.R nagbabakasakaling nandoon siya pero wala.

Unti-unti ng lumalakas ang tibok ng aking puso ngunit pilit ko itong ikinakalma.

Parang biglang nag-flashback ang nakaraan at bumalik kami sa panahon na iniwan ako nito.

Nang makita kong wala nga doon ang kanyang mga gamit ay nataranta na ako, hindi na ako nakapag-isip at kaagad na ginising si duke.

"Duke, where's your nanay?" Nag-aalalang tanong ko habang ginigising siya.

"Po? Katabi ko po siya kanina mag-sleep." Pupungas pungas nitong paliwanag.

"Hindi mo ba alam kung nasaan siya?" Tanong ko nanaman at parang nakuha naman ni duke ang sitwasyon.

"N-nasaan p-po si nanay k-ko?" Nauutal nitong tanong kasabay ng pag-bagsak ng kanyang mga luha.

"Shh, sleep again kiddo. Tatay will find your nanay." Paliwamag ko pero umiyak na ito ng umiyak.

Binuhat ko ito at pilit na pinapatahan.

"Kiddo stop crying, I'll find your nanay okay? Don't worry." Sabi ko sabay hagot sa likod niya.

"N-no *sobs* s-sabi ni nanay *sobs* p-pagkagising ko d-daw *sobs* si mommy f-fiona na ang n-nanay ko! S-sabi ko k-kasi *sobs* ayaw ko sa kanya kasi b-bad siya. S-sabi ko sana si m-mommy fiona *sobs* nalang a-ang nanay ko." Umiiyak na paliwanag niya.

Parang ako ang nasaktan para kay astrid, kung ako ang sasabihan non ni duke ay sobrang masasaktan ako.

I can't bare hiring does word coming from my own son.

"Dito ka lang duke, I'll promise ibabalik natin si nanay dito sa atin." sabi ko kaya tumango siya at bumaba.

"Find nanay okay? I want to say sorry to her, i love nanay so much tatay." Nakayukong sambit nito kaya napatango ako.

"I-i'm a *sobs* b-bad son." At umiyak nanaman ito.

"No you're not, forget what happen okay? I'll be back." At lumabas na ako.

Hahanapin ko si astrid at ngayon, gagawin ko ang aking makakaya para maging maayos ang lahat.

I'm such an asshole and idiot to hurt the girl that i love.

Wait for me my love..

ASTRID P.O.V

Nnandito ako ngayon sa apartment namin ni duke, hindi ako umalis dahil ayokong maulit ang nangyari dati.

Ayoko ng maulit ang nangyari 5 years ago dahil alam kong mag-sisisi lang ako sa huli.

Isa akong tanga nung takbuhan ko ang problema ko limang taon ang nakalipas.

Ngayon pilit kong papatatagin ang sarili ko at lalabanan ko ang fiona na iyon.

Hindi naman siguro masama kung pag-tripan ko ang MAG-AAMA KO. Kahit ngayon lang? Para naman atleast kahit papaano ay makabawi ako sa kanila.

Pagbawi na hindi pisikal.

Hindi ko naman sila sasaktan, siguro ipapakita ko lang sa kanila ang sinayang nila?

At kapag nakita kong naturuan ko na ng leksyon ang mag-aama ko saka ako babalik sa kanila.

Kailangan kong umisip ng plano upang tigilan na kami ni fiona, nanay nga siya ni prince pero hindi niya deserved dahil puro si luci lang ang iniisip nito at wala itong paki kay prince.

Isa siyang plastic hmmp!

Again back to our topic, naghahanda na ako para sa aking plano. Tiyak na iiyak ang mag-aama ko sa aking gagawin.

Duke,prince and luci...

Taste your own medicine...

BWUAHAHAHAHHA---- *cough*

Bwisit na ubo toh T__T

***
A/N: THIS CHAPTER IS DEDICATE TO tsokolatestokolate

Na-Touch ako sa message niya sa akin kaya here's the ud for you mwuaahh

100 VOTES AND 50 COMMENTS AGAIN FOR THE NEXT UD HAHA.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now