CHAPTER 41
Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng bumalik kami dito sa maynila. At sa nakalipas na mga linggo ay mas lalong napapalapit ang loob ni duke sa kanyang ama.
Pati na rin ako, unti unti nanamang gumigiba ang harang sa aking puso.
Sa mga linggo na nagtagal ay laging sinasabi ni luci na tanggap na niya si duke kahit hindi niya ito anak pero nananahimik lang ako.
Hindi ko alam pero parang gusto ko ng sabihin kay luci ang totoo, ang katotohanan na siya ang totoong ama ni duke.
Pero pinapangunahan ako ng takot, takot na baka magalit sa akin si luci, takot na baka bumalik siya sa dati na walang pakiaalam sa akin, takot na maging cold nanaman siya.
Pero alam ko sa sarili ko na kahit anong gawin ko ay magagalit at magagalit din sa akin si luci kaya naisip ko na sasabihin ko na kay luci ang totoo.
Yeah, sasabihin ko na at wala ng antrasan. Kung mamagalit sa akin si luci tatanggapin ko ng bukal sa kalooban ko. Kung maging cold siya at iwasan ako tatanggapin ko pero hindi ako papayag ng kuhanin niya sa akin si duke.
"Baby gusto mong pumunta sa park?" Aya ko sa aking anak.
Busy ito sa paglalaro ng sabihin ko iyon, balak ko na kasing sabihin kay duke ang balak ko para hindi na siya maguluhan kung sakaling mangyari ang dapat na mangyari.
"Talaga po nanay? Sige po!" Natutuwang sabi niya sabay palakpak pa.
"Tara na? Papaliguan na kita baby duke." Sabay buhat sa kanya.
Kaagad naman itong nagpumiglas mula sa pagkakahawak ko kaya natawa ako.
"Oh? Bakit babay?" Tanong ko sa nakasimangot kong anak.
"Nanay naman ih! Bigboy na po ako kaya ko na pong maligo mag-isa!" Sabay kamot nito sa ulo pero inilingan ko lamang siya.
"Kung bigboy ka na bakit sabi mo kay kuya prince mo na ikaw lang ang baby ko at wala ng iba?" Kaagad itong namula sa sinabi ko.
Simula kasi nung nagpunta kami sa amusement park ay para ng aso't pusa ang dalawang chanak.
Pinag-aagawan ako at lagi nalang naglalambing sa akin na kinakatuwa ko naman dahil masarap iyon sa pakiramdam.
"Okay, diba bigboy ka na? Sige maligo ka na mag-isa bigboy." Sabi ko ng matamlay na boses.
Siguro hindi ko na dapat baby-hin si duke. Matured na ang utak nito at ayaw na sa mga bagay na pangbata.
"Nanay ko?" Tawag pansin sa akin ni duke sabay kalabit sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit duke?" Tanong ko.
Nakatitig lang naman ito sa akin at parang may hinihintay na sasabihin ko.
Nasanay na siguro ito na pinipilit ko syang paliguan ko dahil iyon ang nakasanayan niya. Pero ayoko naman na magalit sa akin ang anak ko, baka ito na ang huling pagkakataon na magkasama kami kaya susundin ko na ang lahat ng ikakasaya ng anak ko.
"Sige maligo ka na hihintayin kita." Malambing na sambit ko.
"Hindi mo na po ako papaliguan?" Nagtatakang tanong nito na inilingan ko na agad.
"No, sige na. Magbibihis muna ako okay?" Sabi ko sabay punta sa isang cr.
*FASTFORWARD*
Nandito kami ngayon sa pinakamalapit na park. Nakaupo kami sa isang bench habang pinupunasan ko si duke dahil pawis na pawis ito sa paglalaro.
"Duke h'wag ka ng magpapapawis okay?" Paalala ko sa kanya. Nakatitig ito ngayon sa mukha ko na tila para akong isang alien.
YOU ARE READING
The Billionaire's Secretary (COMPLETED)
Lãng mạnAstrid Ramirez, a girl who works as a secretary for a man who has no sense of humour. Being a secretary is okay, but is being a babysitter of its child also okay? "Secretary na nga, babysitter pa!" WARNING: This story is still not edited. You may s...