CHAPTER 32✓

28.5K 600 21
                                    

CHAPTER 32

HER P.O.V

"CYLAAAAAANNNNN!" Sigaw ko sa sobrang inis.

Hindi ko mahanap si acylan kahit saang sulok ng bahay.

It's been 2 months since umalis ako sa poder ni Luci.

At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay si cylan ang kasama ko. Hindi naman ako nagsisi na sumama ako sa kanya dahil nalaman ko na mabuting tao talaga ito at dapat pagkatiwalaan, nandito kami ngayon sa isang liblib na lugar sa angono Rizal.

At sa dalawang buwan na nagdaan ay nagkaroon ako ng paglilihi kagaya ng normal na buntis na babae, at si cylan din ang naghirap sa paglilihi ko.

Lagi ko itong inuutusan na kumuha ng mga gusto kong kainin. Kahit madaling araw ay ginigising ko siya pero kahit na ginagawa ko iyon ay maski isa ay hindi ako nakarimig ng angal o reklamo mula sa kanya.

Apat na buwan na ang aking tiyan at excited na akong lumabas si baby kahit na wala ang kanyang ama, alam ko na mahirap magpalaki ng anak na hindi katuwang ang ama nito pero gagawin ko ang lahat para hindi kami maghirap.

Si Luci ang pinaglilihian ko at gustong gisto ko siyang nakikkta kaya ang ginawa ko ay nagpabili ako ng mga magazine kay cylan na puro si Luci ang laman at pabango na kaamoy ni Luci.

Nakailang ulit itong bumili ng pabango dahil hindi namin alam kung anong tatak ng pabango ni luci pero laking pasalamat namin at nahanap ni cylan iyon.

"Yes beautiful?" Ayon agad ang bungad sa akin ni cylan, mukhang galing ito sa labas at may bitbit na mangga.

Halos magning-ning ang mga mata ko sa nakita. Maliban kay luci ay ang mangga din ang isa sa mga pinaglilihian ko.

"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap." Naiinis na sambit ko kahit na ang totoo ay sobrang takam na takam na ako sa dala-dala niya.

"Sorry, bumili ako ng mangga alam ko kasi na gusto mo nito. Isa pa paubos na ang stock natin ng mangga kaya naisipan ko g bumili ng madami." Paliwanag niya kaya napatango tango ako. Naiintindihan ko naman.

"Sayang naman." Nanghihinayang na sabi ko.

"Bakit sayang?" Nagtatakang tanong niya sabay lapag ng mangga sa lamesa.

"Magpapabili sana ako sayo ng apasionado na pabango paubos na kasi." Sambit ko.

At oo, apasionado ang pabango ni Luci nagulat nga ako na malaman ko na iyon ang pabango niya. I mean alam kong sobrang bango ng pabango na iyon pero kung si Luci ang gagamit? Si Luci na billionaire ay hindi ko naisip iyon. Ang akala ko isang luxury perfume ang gamit niya.

"Don't worry, I'll buy you tomorrow." Paga-assure niya sa akin kaya natuwa naman ako.

Ang laki ng naitulong sa akin ni cylan at hanggang sa pagtanda ay tatanawin ko pa din ang utang na loob ko sa kanya.

Sobrang pasasalamat ko na nakilala ko siya dahil kung sakaling hindi kami nagkakilala? Malamang hindi ko alam kung nasaan ako ngayon.

"Heyy your over thinking again." Puna sa akin ni cylan.

"I'm sorry, naisip ko lang na paano kung hindi kita nakilala? Saan kami pupulutin ngayon ng anak ko?" Sambit ko at niyakap siya.

Wala iyong malisya sakin dahil parang kapatid na ang turing ko dito.

"Don't think to much okay? Don't stress yourself. Makakasama iyon kay baby." Sabi sa akin ni cylan at hinaplos ang aking tiyan.

Hindi ako nailang dahil lagi lagi namab niya iyong ginagawa. Ang pagkausap sa anak ko, pagkanta niya dito at pagkukwento.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now