CHAPTER 1

75.7K 1.5K 111
                                    

Warning: Be sensitive when it comes to commenting. This story has not yet been revised, so please bear with me. I wrote this two years ago when I was fifteen, so there's probably a lot of kabobohan here HAHAHA

Astrid's Point of View

Kinakabahan ako habang papasok ngayon sa kompanya ng bago kong trabaho. kailan lang ay natanggap ako rito bilang sekretarya ng CEO.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na sa sobrang daming nag-apply ay ako ang nakuha!

Nang tawagan ako ng agency at sabihin na ako ang napili nila ay sobrang natuwa ako.

Papasok na sana ako ng bigla akong harangan ng guard, mukhang hindi pa nito alam na ako ang bagong secretary.

"Hello po ma'am, may I'D ho ba kayo?" tanong nito at tila sinusuri ang pagkatao ko. Ano ang tingin nito sa akin? Hindi ba katiwa-tiwala ang itsura ko?

"Ah, wala pa po akong I.D bago pa lang po kasi ako rito. Ako po yung bagong sekretarya ng boss." Paliwanag ko na may kasama pang-kamot sa ulo.

Tinignan muna ako nito pataas hanggang baba bago tunango, "Sige po ma'am, nandoon po ang front desk." Sabay turo nito sa babae na nakaupo sa front desk.

Nagpasalamat muna ako bago tuluyang lumapit sa front desk.

"Hello, miss? Itatanong ko lang kung saan ang office ng CEO? Ang sabi kasi sa akin ay dumiretso raw ako sa kan'ya. Ako 'yong bagong secretary," pag-aagaw pansin ko sa kan'ya. Nakita ko naman ang pagngiti nito bago sumagot.

"So, you're Miss Ramirez? buti naman at nandito ka na, kanina ka pa hinihintay ni sir. Umakyat ka nalang at nasa top floor ang office niya, and Miss Ramirez? Gusto ko lang sabihin na ayaw ni boss na laging late kaya sana hindi na maulit ito," sambit nito.

At dahil sa sinabi nito ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Sa tono palang ng boses nito ay tila sobrang strikto na ng CEO.

"S-sige, salamat una na ako ha?" paalam ko bago tuluyang naglakad papasok sa elevator.

Kabado at namamawis ang kamay ko habang nasa loob ako ng elevator. Late na ako, ano kaya ang sasabihin ni Mr. Buenavista? Baka wala pang-isang araw ay masisante na 'agad ako!

Pagkatunog ng elevator na hudyat na nakarating na ako sa aking destinasyon ay mabilis na akong lumabas. Patuloy pa rin sa pagpintig ang aking puso sa sobrang kaba, huhu! Lord help me!

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa harapan ng pinto kung saan may nakalagay na "chief executive officer" sa itaas. Para akong tanga rito na nakatitig lang sa pinto at hindi alam kung papasok ba o hindi.

Huminga muna ako ng malalim bago naglakas loob na kumatok.

"Come in," sabi ng isang baritong boses mula sa loob.

Nako! Mukhang totoo nga ang sinabi ng babae sa front desk kanina, mukhang strikto nga ito at ayaw sa mga late!

Ano ba, Astrid! Kaya mo 'yan, first day mo 'to kaya dapat magpakitang gilas ka sa boss mo.

Sa totoo lang ay hindi ko pa nakikita ang magiging boss ko. Iba ang nag-interview sa akin at hindi ito, pero sa palagay ko kaya hindi  s'ya'yong nag-interview sa'min dahil isa na itong matandang gurang!

Tama, matanda na ito kaya sobrang sungit na!

Dahil sa aking isip ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Magaling ako mang-uto ng matatanda kaya uutuin ko nalang siguro ito.

"You're 1 minute and 39 seconds late, Miss Ramirez." Isang mababang boses kaagad ang narinig ko pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob. Hindi ko pa rin ito tinitignan dahil sa kaba.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now