CHAPTER 28✔

27.5K 623 5
                                    

CHAPTER 28

Today is the day, birthday na ngayon ni Prince. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

"Hey are you okay?" Pukaw atensyon na tanong sa akin ni Luci.

"Yeah, I'm okay, just don't mind me." Simpleng sagot ko.

Nandito kami sa kwarto ko, i mean namin pala ni Luci. Magkasama kasi kami sa iisamg kwarto sinabi ko na sa guestroom ako matutulog pero ayaw niyang pumayag.

"But, you don't look fine." Sabi niya ng may pag-aalala habang sinusuri ako na nakapagpa-ilang sa akin.

"Ano ka ba Luci, don't stare at me. I'm now conscious." Direct to the point na sambit ko.

"Don't be conscious, because you're beautiful inside and out." Sabi niya sabay halik sa noo ko.

*tok*tok*tok*

Rinig kong katok sa pinto.

"Ma'am, sir kami po yung pinadala ninyong make up artist." Magalang na sambit ng isang lalaki or should i say beks?

Lima silang lahat kaya nagulat ako dahil ang dami nila.

"Yes, make her more beautiful alright? Don't put so many make ups just light only got it? And her hair, i don't want you to bun it okay? Just curl it." Paalala ni Luci.

Grabe lalaki ba ito? Paano niya nalaman lahat ng iyun?

"Okay po sir." Sabay-sabay na sambit ng lima.

Dalawang babae at tatlong bakla ang kasama ko ngayon.

"Ateyy ang gandara mo namern." Sabi ng isa habang pinapaupo ako.

"Hindi siya katulad mo na chakaness." Sabat ng isa.

"By the way I'm Rain po maam." Sabi nung isang babae.

"Cliff po, pero sa gabi Cley" sabi nung isa na naglalagay sa akin ng foundation.

"Mark pero Mara nalang po."

"Shane"

"Kiko but i prefer you to call me kika."

At ayun nga nagdaldalan lang kami ng nagdaldalan hanggang sa natapos na nila akong ayusan.

"Ayan ma'am ang ganda mo naa." Kumikinang na bola sa akin ni kika.

"Ano ka ba, 'wag mo na nga akong bolahin." Nahihiyang sambit ko dahil lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Ano ka ba atey ang ganda mo." Sabi naman ni Cley

"So ano bakla, lalaki ka na ngayon?" Singit naman ni mara.

"Gaga hindi no,marunong lang akong mag-appriciate ng beauty." Depensa ni Cley sabay irap.

"Hay nako, kayong mga bakla puro kayo kalokohan." Sambit ni Shane.

"Tara na po ma'am isuot mo na po muna ang damit nyo bago kayo ayusan ni Shane ng buhok." Sabi ni Rain.

Hindi pa nga pala alam ni Luci na pinalitan ko yung damit na pinili nya. Paano ba naman pang-madre ata yun ih.

"Wow."

"Sexy."

"Tama ka bakla, natotomboy na akoo T_T"

"Ganda."

"Goddess"

Lahat sila ay napatingin kay kika ng hindi ito nagsalita.

"Aba ano pang sasabihin ko e nasabi na ninyong lahat?" Mataray na tanong niya kaya napaiwas kami ng tingin at napailing iling

"Maam ang ganda mo." Kumikinang ang matang sabi ni shane.

"Naku puro bola na narinig ko sa inyo." Natatawang sambit ko.

"Hindi po maam totoo po yung sinabi namin, ang sexy mo po sa damit mo." Sabi ni mara.

Nagtataka siguro kayo kung anong suot ko ngayon right? Isa lang naman itong backless dress na color black kaya kitang kita ang kaputian ko. Idagdag pa na wala itong manggas at may slit sa gitna kaya kada lumalakad ako ay lumalabas ang hita ko.

"Sure ba kayong okay lang suot ko?" Nag-aalalang tanong ko.

"Oo naman po ma'am bagay na bagay sa inyo." dahil sa sinabi nila ay nagkaroon ako ng self confidence.

"Tara na po maam ayusin ko na po buhok ninyo." Sabi ni Shane kaya agad akong umupo.

Hindi nagtagal ay natapos na din. Nakita ko na pina-wavy lang niya ang buhok ko at nilagyan ng spray net.

Maya-maya ay nagpaalam na ang lima kaya naiwan akong mag-isa.

Ang suot kong pangbaba ay isang flat doll shoes lang na may style na babagay sa damit ko.

Ayun talaga ang pinili ko dahil baka madulas ako at kung ano pang mangyari sa baby namin ni luci.

Speaking of Luci, nasa baba siya ngayon ng hagdan at nakatalikod sa akin kaya hindi pa niya ako napapansin.

At ng mapansin na niya ang presensya ko ay dali-dali siyang humarap.

Doon ko nakita ang isang lalaki na mala-greek god ang dating, naka black tuxedo siya na bagay na bagay sa kanya. Hindi ko napansin na nasa likod niya si Prince at nakita ko din ang suot niya na katulad na katulad ng kay Luci.

Para itong mini version ng kanyang ama.

Nakita ko ang pagkatulala at pag-awang ng kanilang labi pagkakita sa akin kaya nagtaka ako.

Nang makababa na ako ay agad na inabot ng dalawa ang kanilang kamay kaya nakangiti ko itong kinuha.

Kailangan ko pang yumuko dahil hindi ako abot ni Prince.

"You look so gorgeous as ever." Luck said.

"Sus bolero ka talaga kahit kelan." Sabi ko sabay hampas sa kanya.

"I'm not bolero, I'm just saying the truth." Pagtatama niya kaya natawa nalang ako.

"Mama witch you're not a witch anymore, your now a queen." Biglang sambit ni prince kaya natawa ako.

"Really? I'm not a witch anymore?" Tanong ko at nakita ko naman siyang tumango tango.

"Then if im now a queen, who's my king?" Tanong ko.

"Me/me po." Sabay na sambit ng mag-ama kaya natawa ako.

Nakasakay na kami sa sasakyan at ito ang dalawa nag-aaway kung sino ang king ko.

"I'm her king." Sabi ni luci.

"Nooo, im her king." Hindi papatalong sabi ni prince sabay hampas sa ama.

"You're PRINCE that's your name right?" Tanong ni luci laya tumango naman ang bata.

"And I'm KING so im also her king." Sabi ni Luci sabay ngiti ng nakakaloko.

Napailing nalang ako dahil sa pagiging-isip bata ni Luci.

Ito namang si Prince ay umiiyak na.

"Heyy baby don't cry." Pag-aalo ko sa kanya.

"B-but *sobs* im n-not your *sobs* k-king." Umiiyak na sabi niya sa akin.

"You're my king." Maikling sambit ko.

"But I'm Prince." Umiiyak pa din na sabi ni prince.

"For me, your my king. Don't mind your daddy okay? Hindi natin siya bati." Sabi ko. Kita ko naman ang pagsimangot ni Luci dahil sa narinig.

Tumahan naman agad si Prince at mukhang nasiyahan sa reaksyon ng daddy nya.

"Heyy, pinagtutulungan ninyo ako." Simangot na akusa samin ni Luci.

"Because you're a loser dad." Natatawang sabi ni Prince na nakapagpasimangot pa lalo sa kanya.

Masayang napailing-iling nalang ako sa eksenang aking nasaksihan.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now