CHAPTER 27✔

28.6K 608 9
                                    

CHAPTER 27

Nandito ako ngayon sa bahay ni Luci, wala sila ngayon ni Prince dahil nagkaroon ng problema sa mga pagkain para sa birthday ni Prince.

Btw, today is friday at bukas na ang birthday party ni Prince.

Busy ako sa kakakain ng mangga na sa tingin ko ay pinaglilihian ko. Hindi ako sumama dahil sa tinatamad ako at feeling ko ay sobrang init kapag lumabas ako. Hormones siguro ng mga buntis.

Biglang may nag-door bell at dahil busy ang mga katulong sa paggawa ng lunch ay ako na ang lumabas.

Hindi pa man ako nakakarating sa labas ay humarang na agad sa akin si fiona.

Yes! Si Fiona ang kumatok. Nakita ko ang gulat sa mata niya pero agad itong napalitan ng galit.

"Ang kapal din ng mukha mo ano?" Sabi nito.

"At talagang dito ka pa tumira ha, may konti ka pa bang hiya sa katawan?" At mapang-insulto itong tumawa.

Hindi ko mapigilan na hindi magalit sa sinabi niya.

"Una sa lahat wala ka ng pake kung dito ako nakatira at isa pa sa ating dalawa ikaw ang makapal ang mukha." Naiinis na sambit ko.

Nakita ko ang agad na pagkunot ng noo nito dahil sa sinabi ko.

"At ngayon binabaligtad mo ako? Paano naging ako ang makapal ang mukha?" Pang-aasar ni Fiona sa akin.

"Dahil kung may hiya ka pa sa katawan, hindi ka na maglalakas loob na pumunta sa bahay ng taong INIWAN mo at sa ANAK na PINABAYAAN mo." At talagang idiniin ko pa ang ibang mga salita para namab sumampal sa kanya ang katotohanan.

Kita ko ang nag-aapoy niyang mata sa narinig.

"Umalis la na dito." Madiin na utos niya pero mapakla lang akong tumawa.

"At bakit ko naman gagawin iyon Fiona? Sa ating dalawa ikaw dapat ang umalis dahil PAST ka na at ako ang PRESENT." Sinigurado ko talaga na sa bawat salita na binibigkas ko ay tatama lahat sa kanya.

"Ako nga ang past pero tandaan mo, malakas ang hawak ko dahil may anak kami." Doon ako natigilan. Gusto ko sana sabihin na may anak din kami pero natatakot ako sa hindi malamang dahilan.

"Oh? Natigilan ka ata? Narealize mo ba na sa akin pa din si Luci sa huli? Kaya kung ako sayo ngayon palang umalis ka na." Sabay tulak sa akin muntik na akong madulas buti nalang ay nakapit 'agad ako sa upuan sa gilid ko.

Ang baby ko!

Agad kong chineck ang t'yan ko kung may nagyari ba at ganoon nalang ang relief ko dahil mukhang wala naman nangyari sa anak namin ni Luci.

"Can't you see? Ikaw nalang ang nagiging hadlang sa amin ni luci, kung hindi dahil sayo siguro ay matagal ng buo ang pamilya namin." Parang isang kutsilyo na tumama sa akin ang mga sinasabi niya.

Totoo ba? Na ako ang nagiging hadlang sa pamilya nila?

"And oh! by the way, kabit ka nga pala. Dahil as far as i remember KASAL pa din kami ni Luci." Sambit niya at diniin pa talaga ang kasal.

Agad akong napaantras sa narinig ko.

"N-no, t-that's not t-true." Nanginginig ang boses na sabi ko.

"Oww my bad! Hindi mo ba alam?" At nang-aasar itong tumawa.

Napakapit ako sa upuan upang doon kumuha ng suporta.

"At hindi mo ba naisip ang buhay ni prince na walang ina ng dahil sayo?" Fiona said.

"Pero yeah wala naman akong pake kay Prince ang gusto ko lang ay si Luci." Doon sumiklab nanaman ang galit ko.

Anong klaseng ina ang walang pake sa kanyang anak! Hindi ko maisip na may ganito palang ina.

"Ano? Aalis ka ba o gusto mong ako mismo ang magpalayas sayo?" Hindi ko nalang ito pinansin.

"Fiona, hindi ko gustong makipag-away pero ito lang ang masasabi ko, isa kang dimonyo para hindi alagaan ang anak mo. Wala kang kwentang ina at kailan pa man hindi ka magiging ina, you don't deserve Prince and Luci." With that umakyat na ako.

Kahit na naririnig ko ang mga sigaw ni Fiona ay hindi ko na ito pinansin dahil una wala akong pake sa mga sasabihin niya, pangalawa hindi niya deserve ang oras ko o nino man, pangatlo wala siyang kwenta.

Pagkadating ko sa kwarto ay pagod na pagod ako pero ang pagod ko ay napawi ng marinig kong nagring ang phone ko. Nang tignan ko kung sino ang tumatawag ay halos mapatalon ako sa saya.

Si Luci!! Dali-dali ko itong sinagot.

[on the phone]
*Hello baby, how are you?*- Luci

Iyun agad ang bungad sa akin ni Luci ng sagutin ko ang tawag.

*I'm okay, kamusta lakad ninyo?*-me

Hindi ko na sinabi na nandito si Fiona dahil tiyak na magmamabilis itong umuwi at baka mapahamak pa sila.

*Okay na naayos na namin ang problema, on the way na kami pauwi*-luci

*sige ingat kayo pauwi ha? Pwede bang kausapin si prince?*- me

*yeah here.*-luci.

*hello po mama witch ko?* rinig kong sabi ni Prince.

*hello baby ko, uwi ka agad ha? Miss ka na ni mama, i love you* -me

Ayun lang naman ang saaabihin ko dahil namiss ko na siya.

*sige po mama, i love you too.*- Prince.

*heyy baby, sige baba ko na ha? Nagda-drave kasi ako*-luci.

*sige bye ingat ulit.*-me

*yes, bye i love you.*- Luci

Pero bago ko pa masagot ang i love you niya ay agad na nitog pinatay ang tawag. Hayss! Kung hindi mo binaba agad ang tawag siguro nasabi ko na ang magic words.

Nalilito ako kung aalis pa ba ako o hindi.. Pero sana tama ang mga magiging desisyon ko.

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now