BEKS, I love you

25.5K 375 2
                                    

Publish na po siya sa wattpad just visit my profile or click this link: https://my.w.tt/kb9HImtjz5

PROLOGUE

"ANO HA! LALABAN KA PA?!" Sigaw ko sa lalaking nakahandusay na ngayon sa aking harapan.

"Wala ka pala e! weak ka! WEAK! pweeh!" Wika ko kasabay ng aking pag-dura.

"SINO PANG LALABAN HA? LUMABAS NA KAYO!!" Hamon ko at nagbabakasakaling may lalabas pa.

"Hoyy! Chaka mo ghorl! Naghahanap ka pa? Ang liit ng katawan mo pero kung manghamon ng away parang lalaki! *roll eyes*" suway sa akin ng lalaking nasa aking tabi.

Iniligtas ko ito ng pangtangkaang holdap-in nga tatlong kalalakihan.

Inismiran ko ito at ineksamin ang kabuoan.

Isa itong maputing lalaki na may kapayatan.

"Bro ano ba'ng ginagawa mo dito ng ganitong oras? Hindi mo ba alam na delikado ang lugar na ito?" Tanong ko sa kanya.

Nakita ko naman itong umirap ulit.

"Bakit ka ba irap ng irap? BAKLA ka ba?" Maangas na tanong ko.

"Kung alam ko lang na hindi ligtas ditong lumabas ng ganitong oras edi sana hindi na ako lumabas duh! OMG! Ang peslak koo!! T__T" maarte nitong sambit sabay kapa sa mukha niya na nasuntok kanina.

"Tsk! Bakla!" Naiiritang sigaw ko sa kanya.

"I'm not gay! I'm a girl!" Sigaw nito sa akin pabalik.

"Napakaarte mo! Makaalis na nga." Sabi ko at akmang aalis ng habulin ako nito.

"Huyy ghorl! Sama ako sayo huhuhu! Nashoshokot ako dito sa lugar na itey!" Sabay kapit nito sa braso ko.

"Ano ba! Ano ba? Don't call me 'ghorl' cause I'm not okay? At isa pa hoy bakla! Tigil tigilan mo ako sa gay language mo! Hindi ako natutuwa baka gusto mong sapakin kita?" Inis na sabi ko sa kanya.

Ngumuso lang ito at tumingin sa akin na parang nagpapa-cute.

"Sige na tombits, sasama na ako sayo huhuhu! Nalelerkey ako ditey sa inyong place." Pakiusap nito kaya wala na akong nagawa.

"Sumama ka kung gusto mo! Pesteng buhay ito!" Sigaw ko at nauna ng mag-lakad.

"Wait mee tombits!" Sigaw nito at hinabol ako.

"Don't call me 'tombits' you BEKS!"

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now