CHAPTER 33
*5 MONTHS LATER*
Limang buwan na ang lumipas at kahit anong oras ay pwede na akong manganak.
Mahirapa ng pinagdaanan ko sa mga nakaraang buwan pero masaya naman ako.
Hindi ko alam kung ano ang gender ng aking anak gaya nga ng plano ko.
Habang si cylan naman ay lagi lang nasa tabi ko sa dumaan na mga buwa. Para ko siyang alipin at sunod-sunoran siya sa akin.
Kinausap ako ng doctor ko at sinabi niya na kailangan ko daw maglakad lakad para kung sakaling manganak na ako ay hindi na ako mahirapan.
Sinunod ko naman ang kanyang payo at ngayon nandito kami ni cylan sa isang park at kanina pa kami naglalakad.
"Heyy hindi ka ba napapagod? Kanina pa tayo naglalakad." Reklamo sa akin ni cylan.
"Sabi ko naman sayo h'wag ka ng sumama sa akin dahil kaya ko naman mag-isa." Sambit ko.
"Okay lang naman sakin na hindi ka samahan pero ang inaalala ko ay buntis ka at pwede kang manganak anytime." Pagpapaliwanag niya na naintindihan ko naman.
Tama si cylan at alam ko naman na nag-aalala lang siya sa kalagayan ng namin ng anak ko.
"Halika na at umuwi, kailangan mo ng magpahinga at baka mapagod ka pa ng todo makasama pa sa baby mo." Sambiy niya kaya tumango nalang ako.
Tama ulit si cylan ayokong isugal ang buhay ng anak ko sa kung anong bagay lang.
"Cylan salamat talaga ha? Tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mong pagtulong sa amin." Sabi ko.
"Hayy! Ano ka ba beautiful? Lagi lagi mo nalang akong pinapasalamatan at gaya ng sinasabi ko lagi. Okay lang masaya ako na nakatulong ako sa inyo, isa pa magaan ang loob ko sa inyo ng anak mo at hindi ako papatawadin ng konsensya ko kung hindi ko kayo tinulungan." Mahabang paliwanag niya at hindi ko nanaman maiwasang hindi maging emosyonal.
"Napakaiyakin mo talagang buntis ka." Natatawang asar niya sa akin.
Sasagot na sana ako ng makaramdam ako ng kung anong bagay.
Hindi ko na dapat ito papansinin kaso ay mas lalo itong sumasakit hanggang sa maramdaman ko na parang may basa sa mga hita ko. At ng tignan ko iyon ay ganoon nalang ang panlalaki ng mga mata ko sa gulat.
"C-cylan." Kinakabahang tawag ko sa kanya kaya napatingin ito sa akin.
"What?" Natatawang tanong niya kaya tumingin ako sa mga hita ko at napatingin din siya doon.
"What the hell? Naihi ka sa short mo? HAHAHAHA." Sambit nito at humagalpak ng tawa.
Agad ko naman siyang binatukan dahil sa kalokohan niya at sa sakit na nararamdaman ko.
"Ouch! Bakit mo ako binatukan?" Naiinis habang kumakamot sa batok na tanong niya.
"HAYOP KA CYLAN PURO KA KALOKOHAN MANGANGANAK NA AKOOOO!" Sigaw ko sa kanya.
"Ahh manganga--- WHAT? SHIT! ANONG GAGAWIN KO?" Natatarantang tanong niya sa akin.
Kahit na masakit ay hindi ko maiwasang hindi matawa sa reaksyon niya.
"DALIN MO AKO SA HOSPITAL!!" Sigaw ko kaya dali-dali naman itong tumakbo.
"HOY SAAN KA PUPUNTA?" Nagtatakang sigaw ko dahil maslalong sumakit ang aking tiyan.
Parang anytime ay babagsak si baby kaya napakaoit ako sa puson ko.
"P-pupunta ako sa hospital" natatarantang sambit ni cylan.
"Anong gagawin mo sa hospital?" Nagtatakang tanong ko.
"Diba manganganak ka na?" Nagtatakang tanong niya at tumingin sa akin na parang nababaliw-ka-na-ba-look.
"OO PERO BAKIT MO AKO IIWAN E AKO YUNG MANGANGANAK?" Naiinis na sabi ko.
"Hala oo nga pala." Gulat na sambit niya na parang ngayon lang narealize ang katangahan na ginawa.
Dali-dali niya akong binuhat at isinakay sa sasakyan. Buti na lang at malapit lang ang pinag-park-an ng sasakyan niya kaya hindi na kami nahirapan.
"Hooh! 'Wag kang mataranta okay? Kaya mo yan just breath in and breath out katulad ng itinuro sa inyo sa seminar. Sabi ko sayong 'wag kang mataranta e." Sambit niya sa akin kaya kahit na masakit ay natawa ulit ako.
Natatawa ako sa reaksyon niya, para kasing siya yung nanganganak dahil mas kalmado pa ako sa kanya. Habang siya ay kanina pa natataranta sa gilid.
"Ikaw ang magrelax parang ikaw ang manganganak ha? Ikaw ang mag inhale at exhale." Natatawang sambit ko pero agad na napalitan ng daing ng humilab nanaman ang aking tiyan.
"Cylan bilisan mo naaaa!" Sabi ko kaya pinaandar na niya ito agad.
Hindi nagtagal ay dumating na kami sa pinakamalapit na hospital at dali-dali niya akong ibinaba sa sasakyan.
"Heyy nurse manganganak na po ang kaibigan ko." Natatarantang tawag ni cylan sa mga nurse kaya kumuha ng stretcher ang mga nurse pero ganoon nalang ang gulat ko ng si cylan ang humiga doon.
"Hoy anong ginagawa mo diyan? Ako ang hihiga diyan!!" Naiinis na bulyaw ko sa kanya.
"Ayy ikaw ba? Shit! I'm sorry sobrang natataranta na talaga ako." Sabi ni cylan at dali-daling bumaba at ako naman ang isinakay niya.
Agad naman akong itinakbo ng mga nurse papasok sa hospital ng makita nilang sumabog na ang panubigan ko.
"Ma'am just relax okay? Inhale, exhale." Sambit ng doktora na magpapaanak sa akin kaya tumango ako at ginawa ang sinabi niya.
"D-doc pwede p-po bang pumasok arrgh! D-dito yung kaibigan ko?" Nahihirapang tanong ko sa doctor.
"Yes pwede. Nurse papasukin mo ang kasama ni misis." Utos niya sa pinakamalapit na nurse at agad naman itong tumango at lumabas.
Maya-maya ay pumasok si cylan na namumutla at pawis na pawis.
"B-bakit mo naman ako pinapasok dito? B-baka ako pa ang unang himatayin kesa sayo." Kanda utal utal niyang dambit sa akin.
Nang makalapit na ito ay agad akong kumapit sa kamay niya.
"You can do it okay? Be strong for your baby." Pagpapalakas ng loob sa akin ni cylan kaya tumango ako.
"Okay misis nakikita ko na ang ulo ni baby in a count of three umire ka." Paliwanang ni doktora kaya tumango ako.
"1,2,3 push!!" Doktora.
"ARRRRGGGHHH!" Ire ko.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko at parang pinupunit ang aking kalamnan pero tiniis ko iyon para sa anak ko.
"Isa pa misis malapit ng lumabas ni baby push!!!" Doctora said.
"ARRRGGGHHHHH!!!" Isa pang malakas na ire bago ko narinig ang iyak ng isang munting anghel.
"Congratulations. It's a healthy baby boy." Masayang sambit ng doctor at nilagay ito sa dibdib ko.
Tinignan ko ang anak ko na mahimbing na natutulog sa aking dibdib.
Isang munting anghel..
Hindi ko maiwasang hindi maiyak sa sobrang tuwa na nararamdaman ko sa aking kaloob-looban.
Luci ito na ang anak natin, gusto ko sana ikaw ang nasa tabi ko habang nanganganak ako pero alam ko naman na hindi iyon mangyayari.
Pinaghalong galak,saya at sakit na nararamdaman ko nang bigla ay unti unti akong kinakain ng dilim...
*And everything went black....
YOU ARE READING
The Billionaire's Secretary (COMPLETED)
RomanceAstrid Ramirez, a girl who works as a secretary for a man who has no sense of humour. Being a secretary is okay, but is being a babysitter of its child also okay? "Secretary na nga, babysitter pa!" WARNING: This story is still not edited. You may s...