A/N: Naniniwala pa din ako na kahit may isang magbasa nito, itutuloy ko pa din. :D Pero parang nawawalan ako ng pag-asa. Sa mga silent reader dyan, please? Magreact na kayo.
HAHAHAHA chos lang.
Bahala kayo kung ayaw niyo basahin, di wag! Basta itutuloy ko lang ito.
Hello, Maldita's... labas na kasi kayo. 😂
Trixie's POV
Agang-aga ay umiinit na naman ang ulo ko. Kung hindi sa bahay ang isyu, sa school naman, ngayon? Kay Mexie.
Kasalukuyang nasa guidance office ako ng school nila. Oo, magkaiba kami ng school ng bruha kong kapatid, si Mexie. Simula elementary ako na ang tumatayong guardian sa kanya. Ano pa nga ba ang aasahan? Laging wala ang magulang namin kaya ako ang kinakausap lagi ng teacher niya o kaya'y guidance counselor nila. Dahil lang yun na ipapagpaalam sakin na idadayo sya for contest. Ganun! Basta para sa grades. At hanggang ngayong Grade 9 na siya, di ko akalain na ipaiatawag ako para sa ibang dahilan.
Jusko!
"Ms. Jones, alam mo na naman siguro ang ginawa ng kapatid mo, diba?" Tumango lang ako sa kaharap ko. Their guidance counselor. "At alam mo na din ba na isang paglabag na lang sa mga rules and regulation sa school na ito ay maeexpell na siya." Wala akong ganang tumango sa kanya. Ang aga-aga kong pumunta dito para makausap ang guidance niya dahil maeexpell na siya.
Teka? Expell?
WHAT?
"What? Expell?" Tango lang ang binigay niyang sagot sakin. "Bakit? Ano bang ginawa niya?"
Wala naman siyang gagawin kung hindi siya inaapi ng mga kung sinu-sino dito.
My 14 year old baby sister is not like other girls na uunahan makipagsapakan.
"Ms. Jones, pumunta ka dito pero hindi mo alam ang dahilan?" Nagpanting ang tenga ko sa bahagyang pagsigaw niya.
"Mrs. Lolita..." Bigkas ko sa pangalan niya na nakita ko sa kanyang marmol na name plate. "I'm not wasting my time here if I know what's the reason why you accused my little sister na parang siya lang ang may kasalanan dito?" Tumayo ako at nilibot ang paningin sa silid na ito.
"Well, Ms. Jones, sinaksak niya lang naman sa kanang braso ang kaklase niyang lalaki." Parang galit na siya.
Sinaksak? What's with my sister? Nagiging demonyo na ata? Dinaig pa ko. Psh!
Yari talaga siya sakin pag nakalabas ako ng silid na ito.
"And why did she stab that man?" Bumalik ako sa upuan at hinarap ulit si Mrs. Lolita. Hindi agad sya nakasagot. "Baka naman minamanyak niya ang kapatid ko? Inimbestigahan niyo na ba ng ayos?"
"Ms. Jones, ano man ang dahilan niya hindi pa rin tama na saksakin si Vincent." Wika niya sakin habang nakikipagtitigan.
Ah, Vincent pala ang pangalan nun? Hmp!
"Isa lang ang nais kong itanong ngayon. Inalam niyo ba kung bakit niya sinaksak si Vincent? What is his last name again?"
Teka, dalawang tanong yun ah?
Whatever.
Hindi pa rin tama na may kinikilingan sila.
"She is a threat in our students here."
"Ah, maybe they're finding a way to get rid of my sister in this school. Hindi niyo naappreciate ang mga ginawa niya para maging top performing school kayo? If my sister is not here..." Klinaro ko ang boses ko. "This school is nothing..." I look at her seriously. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
My sister is a goal-oriented. Magaling siya sa academics. Siya ang laging top 1 sa school na ito. Kung ako matalino din, mas matalino naman siya. Walang wala ako sa kalingkingan ng galing niya sa academics.
"I'm sorry big girl Jones. But the director signed her papers. Wala na akong magagawa pa." napailing na lang siya. "For as you to know,she's not the top 1 student by now."
Bakit hindi ko ito alam?
Sa bahay, lagi ko siyang naabutan na kaharap lagi ang libro at notebook niya. Paano nangyari 'yon?
"What? How is it happen?" Pagtataka kong tanong.
May ginagawa na bang kababalaghan ang kapatid ko na hindi ko alam?
"I'm sorry Bellatrix. But she needs to transfer into another school."
"No. You can't do that."
"Yes, we can. She has a referral to Helbard Belvedere High School." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang school na lilipatan niya.
Hindi maaari. The Helbard Belvedere High School is not an ordinary school.
F*ck!
Halos lahat na yata ng mga barumbadong estudyante ay nandoon.
Mapapariwara lang siya.
Ayokong mangyari yun dahil baka patayin ako ng magulang ko. Tss!
"Give me that fucking papers." Napatayo ako't naihampas ang mga palad ko sa mesa niya. Pupunitin ko ang mga papel na yun. Hindi ako papayag na doon nila itatapon ang kapatid ko.
She's a girl. Bawat babae ay may kahinaan din. Hindi naman niya ako katulad na kayang lumaban mag-isa.
She's weak and easily broken.
"Wala na sa akin. Naipasa na kanina." Lalong nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
"WHAT?!"
Gumagawa sila ng desisyon without my consent.
"I'm very sorry. Pwede ka na umalis at ihatid ang iyong kapatid." at ngumiti siya.
Bwiset!
I'll make them pay.
"You ruin her future." Bago ako tuluyang lumabas ay hinawakan ko muna ang name plate niyang marmol. "Mahal siguro ito." Iniangat ko ang marmol at tiningnan ang bawat ukit. Maganda talaga ito pero...
"Ops!"
"YOU?! THIS IS PRICELESS."
"I'm sorry Mrs. Lolita. I didn't mean to break your beautiful name plate. Dumulas sa kamay ko."
"Sinadya mo!!!" sigaw niya habang pinupulot ang mga piraso ng marmol.
Sinipa ko pa ang isang malaking tipak ng marmol at tumama sa pader kaya nadurog na ito ng tuluyan.
Sorry not so sorry, dear.
Lumabas ako ng silid at naririnig ko pa si Mrs. Lolita na sumisigaw at galit na galit akong pinapabalik sa loob.
Nakita kong malungkot ang mukha ng kapatid ko. Lumapit agad ako sa kanya.
"Trixie, I'm sorry."
I am 3 years older than her pero hindi niya ako tinatawag na ate.
Gusto ko siyang sumbatan pero naaawa ako sa kanya. Naalala ko na naman yung bagong school na lilipatan niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko sa kanya.
Hahawakan niya sana ang kamay ko pero lumakad na agad ako at nilampasan siya.
"Let's go home."
-------------------------------+++++++++++++++
Baka may gustong maging tropa ako dyan? 😂
Mabait ako, prames! 😁
Nanlilibre din ako, MINSAN! HAHAHA
YOU ARE READING
THE MALDITA QUEEN
Teen FictionShe's not beautiful like other girls but her heart is. She's friendly. She's warmhearted. She trust everyone around her. She only love ONE man. PERO KABALIKTARAN LANG ANG LAHAT NG 'YON. Kung makikita at makakaharap mo siya? Lumayo ka na lang. Umiwa...