A/N: Nakakatuwa lang kasi from Rank 892 ay nasa rank 838 na po ang The Maldita Queen. Marami pong salamat. 😘 Patuloy niyo pa rin po sana akong samahan at suportahan ito. Newbie pa lang po ako pero heto't ganito ang natamo ko. HAHAHA wala lang. Happy lang ako, mababaw kaligayahan ko eh. 😂
Picture below.
Punishment
Mirah's POV
Lunes.
Maaga akong pumasok sa school ngayon. Dahil nga din sa utos ni Trixie. Quarter to 5 pa lang ng madaling araw ay binulabog na agad ako ng tawag niya para paalalahanan ako sa mga gagawin ko.
Talaga naman oh? Kasarapan pa sa pagtulog yun eh.
Wala pang ibang tao sa room ng dumating ako. Ilang segundo lang ay napagdesisyunan kong pumunta sa locker area namin. Katabi lang ng gym namin at medyo malayo sa room namin. Lunes ngayon at ang first subject namin ay P.E. Tuwing Lunes ang P.E. namin. Ewan ko kung bakit Lunes. Dapat Friday eh!
Inilagay ko ang mga gamit ko sa nakatalagang locker para sa akin. Pumunta ako sa kalapit na c.r. at nagpalit agad ako ng P.E. uniform ko.
Hindi pa ko nakakalabas ng cubicle nang may narinig akong mga yabang. Nanatili akong tahimik sa loob. Nakikiramdam sa pumasok.
"HAHAHA maybe they wouldn't have been able to catch me. Hihihi" medyo pahalakhak na tawa niya pero hindi ko naintindihan ang mga salitang sinabi niya. Dahil na din siguro sa bilis niyang magsalita idagdag pa yung hagikhik niya.
Makalipas ang ilang minuto wala na akong narinig na kung ano sa labas. Dahan dahan akong lumabas. Inayos ko ang sarili ko habang tinitignan ang repleksyon ko sa salamin. Bumalik ako sa locker area para sana magpabango at ilagay na din ang uniform ko. Bigla kong naalala ang usap-usapan na may lumalabas na multo dito. Tapos ngayon? Mag-isa lang ako. Baka magpakita sakin. Huhuhu!
Psst.
Dinig kong may sumisitsit. Nilingon ko ang paligid pero wala akong nakitang tao. Bigla namang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. Ito na nga ba sinasabi ko.
Psst. Psst.
Minumulto na ako dito.
MAMAAAA, HELPPP!
Pinatatag ko ang loob ko't mas binilisan ko pa ang kilos ko para makaalis na ako sa lugar na ito.
"Oh, my God!" Bulalas ko noong may naramdaman akong parang isang malamig na kamay ang dumampi sa braso ko. "What the f*ck!"
"HAHAHAHA"
"ERISSSSSSSH! " sigaw kong makabasag eardrums. Sinamaan ko siya ng tingin. "You scared me. Damn it!" Hinampas ko siya sa braso. Akala ko multo na.
"I'm sorry."wika niya habang nakapeace sign. Akala mo naman cute siya sa ginawa niya? Mukha siyang natatae.
"Ano ba problema mo?" inis na tanong ko dito.
"Wala. Halika, panoodin mo yung ginawa ko. Ahihihi." Ngumiwi na lang ako sa kanya.
"Let me guess? Pambata na naman yang ginawa mo, ano?" tumango siyang bakas ang ngiti na parang mapupunit na ang pisngi niya sa pagbanat ng mga labi sa pagkangiti niya.
Napailing na lang ako sa kanya habang isinasarado ang locker ko. Pagkatapos ay hinablot niya agad ang braso ko't hila-hila niya akong patakbo sa field.
Nadidinig ko ang malakas na tunog sa speaker kahit malayo pa kami. Pagkarating doo'y madami ng estudyante doon na nanunuod at nakikiusyoso. May nagvivideo at tinatawanan ito.
YOU ARE READING
THE MALDITA QUEEN
Teen FictionShe's not beautiful like other girls but her heart is. She's friendly. She's warmhearted. She trust everyone around her. She only love ONE man. PERO KABALIKTARAN LANG ANG LAHAT NG 'YON. Kung makikita at makakaharap mo siya? Lumayo ka na lang. Umiwa...