Pasensya na sa mahabang paghihintay. (Kung may naghihintay nga pero mukhang wala naman ata?) Sobrang busy lang po talaga ng inyong lingkod. Char! So, kamusta kayo? Namiss ko mag-update.
Warning: Wrong grammar/s and typo graphical errors.
Alexis's POV
Tiningnan ko ang babaeng nasa harap ng salamin. Hindi naman malayong magkahawig kami ng babaeng ginagaya ko. Napangiti pa ako sa mga iniisip ko.
"Masaya sigurong maging tulad ni Trixie." Wika ko sa kaharap ko. Mariin ko siyang tinitigan. I touch her face and smiled evily. "I'm still good in acting." Limang segundo akong tumahimik at pinagmasdan lang ang reflection ko sa salamin.
Itinuloy ko ang paghilamos ko at muling nagretouch ng make-up ko. I brush my hair at pinuyod ang buhok kong ito. Ngunit, ilang segundo lang ang nakalipas ay kinalas kong muli.
Inayos ang kwelyo ng damit ko.
Baka ito pa ang maging dahilan para mahuli nila ako na nagpapanggap lamang. At makita ang itinatago kong clues.
*Clap.clap.clap*
Natigilan ako sa pagmumuni. Tila parang nabaun ako sa yelo ng makita kong lumabas sa pinakadulong cubicle ang babaeng sisira sa mga plano ko.
"Yes. You are a good actress pero hindi mo ako maloloko." Wika niya habang pumapalakpak pa - si Jaena.
Aish! Palpak, Alexis. Palpak na.
"I knew it in the first place. I knew that you're just a bitch impostor." Dagdag pa niya. Hindi ako makapagsalita dahil sa pagkabigla. Akala ko, ako lang ang taong nandito. Mayroon pa lang isang higad na nakasagap na naman ng chismiss. "Bakit mo ba ginagawa yan? Friend din ako ni Trixie, pero hindi ako gumawa or gumagawa ng tulad sayo." Lumapit siya sakin na binabrush ang buhok ko gamit ang kamay niya. Medyo kinakabahan na din ako at malamig ang bawat patak ng pawis ko dahil nahuli niya ako.
What if isumbong niya ako kay Trixie? Lagot na ang maliligayang mga araw ko. Bilang na din ang pagtira ko sa mundo.
"But don't worry, di ako magsusumbong sa mga kaibigan namin o kahit pa kay Trixie." Napatingin ako sa kanya at nabawasan ang pag-aalala ko dahil sa mahikang salitang sinabi niya.
Ang hindi magsusumbong.
"In one condition." Napakunot ang noo ko sa kanya.
Sige lang. Magbigay ka lang pero hindi mo ako maiisahan.
I arch a brow and faced her.
"I'll discuss it to you after class."
"Bakit di mo pa sabihin ngayon?" Wika ko sa kanya. Pinapatagal niya lamang ang kaba sa dibdib ko.
She take pause for a second. Pero wala din akong nakuhang sagot. She just smiled and went out.
"Argh!" Naisampal ko ang mga palad ko sa lababo.
What should I do now? Hindi pwedeng mabuko nila ako. Pag nalaman na naman ni Trixie ang kalokohan ko, siguradong ipapatapon na naman niya ako sa States. Like what she did two years ago.
YOU ARE READING
THE MALDITA QUEEN
Teen FictionShe's not beautiful like other girls but her heart is. She's friendly. She's warmhearted. She trust everyone around her. She only love ONE man. PERO KABALIKTARAN LANG ANG LAHAT NG 'YON. Kung makikita at makakaharap mo siya? Lumayo ka na lang. Umiwa...