Chapter 5

57 13 2
                                    

A/N: Pagpasensyahan ang wrong grammars at spelling.


Trixie's POV

"Bellatrix, sino ba hinihintay natin dito? " Pagtatakang tanong ni Jaena.

"Don't call me on my real name! " Bulyaw ko sa kanya.

Inismiran ko sya at tumingin sa mga ibang estudyanteng naglalakad sa dating school ni Mexie. Nakatayo kami sa gate na naghihintay sa paglabas nila.

"Ano ba ginagawa natin dito? " Tanong naman ni Mirah.

"Someone's owe me. " Bumaling ako sa kanilang lahat at ngumiti ng malaki.

He'll gonna pay for what his done.

"Who? " Sabay sabay nilang tanong.

Well,  sino pa nga ba? Ang nanakit sa kapatid ko. 

"Vincent. " Tipid kong sagot sa kanila. Ibinalik ko ang paningin ko sa mga estudyante. Isa isa na silang nagsisilabasan.

"What does he looks like? " tanong naman ni Erish. Isa sa mga kasamahan namin.

Oo nga.  Ano nga bang itsura nun?  Pangalan lang kasi ang naitanong ko kay Mexie. Paano pala namin iyon malalaman kung siya si Vincent? Muli kong inalala ang lahat ng sinabi ni Mexie.

"I don't know.  Basta yung may cast ang kanang braso.  Yun yung Vincent. " Sagot ko sa kanila.

"Pambihira ka naman Bellatrix----"

"I said don't call me on my real name!! " bahagya kong sigaw sa kanila.  Mga hudlong na ito hindi makaintindi.

Hindi nagtagal padami na ng padami ang mga estudyanteng lumalabas ng school. Pero hanggang ngayon hindi pa din namin siya makita.

"Kanina pa tayong nag-aabang dito pero parang walang ganyang tao sa sinasabi mo. " Wika ni Jaena.  Naiinip na ito kahit high temper siya.

"Jowa mo ba? " Sunod na tanong ni Lyca

"Ano bang ginawa sayo ng taong yun at kinailangan mo pa ang pagresbak namin? " Singit ni Arianne.

"Kung ayaw niyo akong tulungan pwede na kayong umalis. " Inis na wika ko sa kanila.

Kaya ko naman mag-isa eh.  Kayang kaya ko!

Nagsisimula na dumilim at wala ng estudyanteng lumalabas.  Baka nga hindi yun pumasok ngayon.  Mas mabuti siguro kung bukas ko na lang ulit siya pupuntahan dito.

"Let's go home. " dismaya na pag-aya ko sa kanila. 

"Yown!  Makakalamon na din sa wakas. Tara dun sa may kabilang kanto.  May bagong bukas na restaurant don. " Masiglang pagyaya ni Erish. Kahit kailan talaga puro pagkain ang nasa utak nito. Kaya hindi makasagot ng ayos sa oral kasi babad na sa langis ang utak,  lumulutang pa.

Nagsimula kaming maglakad.  Parang ang bigat ng bawat hakbang ko. Hindi ko man lang naipagtanggol ang kapatid ko noong kailangan niya ako.

Hays!

"What happened? " Napatingin ako sa nagsalita. Ngayon ko lang narinig ang boses niya na paos. Anong nangyari sa kanya?

"What happen to your voice!?" ibinalik ko ang tanong sa kanya.  Wala akong balak sagutin ang mga tanong niya.  Naiinis pa din ako sa kanya.

May parte sa pagkatao ko na sabihin at ikwento pero may parte din na tumututol.

Sa akin na lang muna iyon.

THE MALDITA QUEENWhere stories live. Discover now