A/N: Ilalapag ko na ngayon yung picture ng ibang character. Kung hindi po pasok sa inyong imahinasyon, malaya naman po kayong maghanap o iimagine ang itsura nila. 😊 Hindi po sila artista. Yun lang po.
Pasensya na ulit sa mga wrong grammars and typos. 😅
Lyca's POV
Umaga pa lang pero gusto ko na agad mag-uwian. Tinatamad na akong pumasok. Tinatamad na ako sa buhay ko. Lalo na ngayon, hindi kami okay ni Trixie.
Trixie and I were bestfriends since elementary. Tapos dumating lang si Jaena. Bigla na lang lumaylo siya sakin. Hindi na niya ako sinasama sa pamamasyal niya. Sa twing may camping ako di na niya ako sinasamahan o kaya binibisita. Pero hindi ako nagtanim ng kahit anong galit sa kanya. Tinanggap ko si Jaena bilang kaibigan din. Simula noon naging mas close kaming tatlo hanggang sa isang araw bigla na lang nagbago ang lahat. Sa iisang pagkakamali nagkalamat ang pagkakaibigan namin.
Ang hirap pa naman niyang suyuin.
Isa akong makulit niyang kaibigan noon. Ako lagi ang nagpapasaya sa kanilang dalawa. Ako ang baliw type na kaibigan. Kasabay ng pagbabago ng lahat ang siyang pagbabago din ng ugali ko. Nagbago din ang pakikitungo ko kay Jaena.
Naging matamlay na ako. Naging mahinhin sa di inaasahan kasi siguro nag-iingat lang ako.
Pero babalik ako. Babalik ako sa dati kapag bumalik na din siya.
"Ms. Jones will be our representative in Division Youth Leader." wika ni Ms. Valdez, our first teacher at the same time, adviser.
Napailing na lang ako sa sinabi niyang iyon. Alam ko na naman kasi ang mangyayari. Nangyari na din ito nung nakaraang Election para sa magiging Student Leader in our campus.
Isa pa iyon sa kinagalit niya sa akin.
Nagising ang naglalakbay kong diwa ng marinig ko ang malakas na sigaw.
"AYAW KO." Sigaw ni Trixie.
Sabi na nga ba't aatungal ito eh.
Napatingin naman ako sa tumabi sakin. It was Chaud Reign.
"Bakit sumisigaw yan?" bulong nito sakin.
Kararating niya lang?
Bakit sakin tumabi ito?
"New hairstyle?" Napansin ko ang kanyang buhok. Undercut ata ang tawag sa ganitong gupit. Has short sides and long top. Nagsalubong ang kilay niyang tingnan ako.
Para namang may pumitik sa noo ko para maalala ang nangyari noong isang araw. Hindi man umamin si Trixie pero alam kong sya talaga ang gumawa nun.
Siya pa ba? E, pilya yun.
Natuon ang atensyon namin kay Ms. Valdez at Trixie.
"YOU ARE THE CAMPUS PRESIDENT, BELLATRIX." Sigaw din ni Ms. Valdez.
Nakakarindi mga boses nila. Bakit ba pinagtagpo itong dalawa? Parehas mainitin ang ulo.
"THE HELL I CARE." sumulyap ako kay Trixie at nakatingin din pala siya sakin. Napalunok na lang ako ng laway ko. "HINDI KO ITO GINUSTO. SINO BA ANG NAGFILE DOON AT GINAMIT PA ANG PANGALAN KO." salubong na din ang kilay niya. Medyo namumula na din ang mukha niya dahil sa galit.
Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Kasalanan ko kung bakit naging President siya. Hindi ko kasi ipinaalam sa kanya. Nagulat na lang siya noong March, 3 weeks before our vacation ay napasama siya sa oathtaking. 1 week siyang absent noon kaya halatang halata ang pagkagulat niya.
YOU ARE READING
THE MALDITA QUEEN
Teen FictionShe's not beautiful like other girls but her heart is. She's friendly. She's warmhearted. She trust everyone around her. She only love ONE man. PERO KABALIKTARAN LANG ANG LAHAT NG 'YON. Kung makikita at makakaharap mo siya? Lumayo ka na lang. Umiwa...