Chapter 1

189 24 2
                                    

At school

Isa na namang panibagong araw at hamon ng buhay para sa isang estudyante.

New books to open everyday. New chapter in life everyday. New hopes to continue.

"Good morning." Sigaw ng isang lalaki nang makapasok siya sa loob ng paaralan. Napakamot na lang siya sa kanyang batok ng malamang pinagtitinginan siya ng ilang estudyante. May nagbubulungan at halatang siya ang pinag-uusapan. Ipinagpatuloy niya ang kanyang paglalakad.

Sa hindi kalayuan, napansin niyang may nagkukumpulan na mga estudyante. Hindi na sana niya ito pagtutuunan ng pansin ng marinig niya ang isang pamilyar na boses.

"Don't touch me..."

Agad napatakbo at nakipagsiksikan sa mga estudyante. Nakikipagtulakan pa siya para lang mapunta sa unahan. Nakita niya ang isang babaeng estudyante na putikan habang nakaluhod at nakahawak sa binti ng babaeng nasa harapan niya.

"Remove your dirty hands from me." Sigaw nitong muli at sinipa ang babaeng nakaluhod dahilan para mapahiga siya. Dumudugo ang ilong niya dahil sa pagtama ng sapatos nito sa kanyang ilong.

Biglang nakaramdam ng awa ang lalaki. Agad niyang pinuntahan ang babaeng nakahiga at pilit niya itong itinatayo.

Ngunit, isang malakas na sampal ang binigay sa kanya nung akayin na niya ito papuntang clinic. Napabitaw siya sa babae...

"Who the fuck are you?"

Hindi niya ito pinansin at inakay muli ang babae. Bago pa sila tuluyang makahakbang...sinipa siya sa likod kung kaya't nadaganan naman niya ang tinutulungan niyang babae kanina. Hindi siya nakapagtimpi kaya hinarap niya ito.

"I don't fucking know you but I'm here to protect this girl from you." Inis na wika ng lalaki at dinuro pa niya ito.

"Oh, you think you're the knight and shining armor here? Or a prince charming? Wow." The girl sarcastically said and clap her hands slowly.

"Think whatever you want to think. I have no time for you today. Maybe, next time I'll spend my whole time with you Miss." Nagsalubong ang kilay ng babae sa mha huling katagang binitawan ng lalaki. Hindi na niya ito pinatulan at mabilis na dinala ang babae sa clinic.

"T-thank you." Pasasalamat nito sa kanya. "I'm Patricia. You are----?"

Ngiti lang ang sinagot nito at umalis na.

Trixie's POV

Aaaaaaaahhhhhh!

Bwiset. Bwiset ang pakialamero na yun.

Hindi ako mapakali sa upuan ko kaya nagpalakad lakad ako sa unahan habang pinupukpok ang libro sa palad ko.

"Ano ba Bellatrix? Tumigil ka nga dyan sa kakalakad mo. Nahihilo na kami sa ginagawa mo." Tiningnan ko ng masama ang nanunuway sakin, si Jaena.

Isa sa mga pinagkatiwalaan ko NOON pero sinira lang niya. Kaibigan na itinuring kong kapatid. Kaibigan na halos ibuhos ko sa kanya ang lahat ng mayroon ako, magkaroon lang din siya. Ngunit, sinira niya lahat yun. Nawalan na ako ng gana sa kanya. Kaibigan ko pa rin sya pero hindi ibig sabihin nun na may tiwala pa ako sa kanya.

Nilapitan ko siya't hinampas ang mga librong hawak ko sa mesa niya. Kitang kita ko sa kanya ang takot at pagkabigla.

"E, ano namang pakialam mo?" Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Naalarma agad ako sa titig niya. Salubong ang manipis niyang kilay. "Subukan mong irapan ako, dudukutin ko yang mga mata mo."

Agad akong lumayo sa kanya. Naiinis ako. Naiinis ako sa kanilang lahat.

Mga fake.

"Mirah, find that boy and bring him to the field. I'll wait you there." Maawtoridad kong utos sa kanya. Tumango siya't mabilis na naglakad kasama ang iba.

"Anong gagawin mo sa kanya?" Tiningnan ko lang ulit sya at lumabas ng classroom.

Alam ko namang pipigilan na naman niya ako sa gagawin ko tulad sa babaeng yun kanina.

Tss!

Hindi siya masasaktan kung sinunod niya lang ang mga utos ko.

Mabilis akong nakarating sa field at umupo sa isang bench sa ilalim ng puno. Ipinikit ko ang aking mga mata.

Somehow, nakakarelax din mag-isa. Walang inaalalang problema. Walang sisita. Walang mangingialam.

Ang presko ng hangin at ang sarap sa pakiramdam. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang mag-isa kahit ang totoo ay araw-araw akong mag-isa.

Ha? Ang gulo.

Yung mag-isa na parang ako lang ang tao sa mundo. Mag-isa na laging ipinaparamdam nila sa'yo na isa kang malaking kahihiyan. Mag-isa na walang gagabay at aalalay sa mga problema mo. Yun ang nararamdaman ko araw-araw.

Kahit sandali, gusto ko ding maranasang may mag-alala sakin. Kahit sandali, gusto ko ding may magmahal sakin ng totoo. Kahit sandali, maiparamdam nila na hindi ako nag-iisa sa mga kinahaharap ko sa mundo. Kahit sandali...

Kahit sandali lang...

"B-Bellatrix..."

Idinilat ko ang isa kong mata para tingnan ang taong nang-aabala sa pagmumuni-muni ko. Agad kong inayos ang pagkakaupo ko ng makita ko kung sino.

Si Hellix.

Walang pinagbago. Matipuno pa rin siya at gwapo.

"Pwede ba akong maupo sa tabi mo?"

Tumango lang ako sa kanya. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko sa kanya.

Ilang minuto din na balutin kami ng katahimikan.

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo. Ano pa bang gusto mo?" Inis na sagot ko sa kanya. Alam ko na kung saan pa ito tutungo.

"Look. I'm being nice here-----"

"Well, I'm not." Naramdaman ko agad ang pagkainis niya sakin. Napahinga siyang malalim at hindi na nasundan pa ng mga kataga.

1 minute...

2 minutes...

3 minutes...

5 minutes...

8 minutes...

Okay! I'm out. Kahit gusto ko pa siyang makatabi ngayon. Mukhang wala na rin namang pag-uusapan.

E, binara mo kasi.

Nagbell na rin naman. Hudyat iyon na magsisimula na ang unang klase.

"Bellatrix." Tiningnan ko lang siya at hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

Please tell me that you missed me. No.

Galit ako sa kanya. Galit na galit.

"Uhm. Bellatrix..."

"Kung uulit-ulitin mo lang ang pangalan ko Hellix, aalis na ako." Gaano ba kaganda ang pangalan ko at inuulit pa? Pinagpagan ko ang palda ko at aakmang aalis na ng pigilan niya ako. Huminto akong hindi siya tinitingnan. Pero nakalipas na naman ang ilang oras ay hindi pa rin siya nagsasalita.

"Hellix." Hinarap ko siya. "Sinasayang mo ang oras ko." Inalis ko ang kamay niya sa pulsuhan ko at tuluyan ko na siyang iniwan.

Wala na akong panahon para makipag-usap sa mga walang kwentang tao kagaya niya.

I, Bellatrix Jones, promised to never have trust to all people around me. And will never make friends with them. Mostly, will never ever fall inlove.

THE MALDITA QUEENWhere stories live. Discover now