A/N: Pasensya na ulit sa wrong grammar.
Trixie's POV
"Good morning Trixie. " Bungad sakin ng mga estudyante. Ewan ko ba pero ang babait nila ngayon.
"Hi Trixie. " wika ng nakasalubong kong grupo ng babae. Hindi ko na lang sila pinansin. Nakakatamad makipagplastikan sa kanila.
"Bellatrix... "
"STOP CALLING ME ON MY REAL NAME!!! " Sigaw ko sa tumawag sa pangalan ko. Hindi ko siya kilala pero mukhang dito din siya nag-aaral.
"I'm sorry. " Napayuko ang lalaki pero ang tingin niya'y nasa akin pa din.
"Who on earth are you? " Mahinahong kong tanong pero bakas doon ang pagiging maawtoridad.
Ayoko lang na tinatawag ako sa tunay kong pangalan. Parang pang-anghel ang pangalan. Kabaliktaran naman ng ugali ko.
Aminado ako dun!
Isa pa, we're not even close. Kumukulo ang dugo ko kapag real name ko na ang tinatawag sakin. Hindi ko alam kung bakit, basta ayaw ko.
AYAW KO!
"Pre, tara na. "
"Huwag ka na gumawa ng eksena, dude! " Pag-aaya ng mga kasama niya sa kanya. Pero mas pinili niyang magpakilala.
"I'm Deilan Marco Han. Same year with you but in Class B. "
Madami ng nanonood sa amin. Tila isang teleseryeng inaabangan ang isasagot ko.
He looks awesome. Gwapo siya. Mukhang chinese dahil sa singkit niyang mga mata. May taling sa baba ng kaliwa niyang mata na lalong nakadagdag ng coolness niya. Kung ididescribe ko pa siya baka abutin na ng taon. Habulin ng babae but not me!
"The hell I care. Go to your respective rooms. Tapos na ang palabas. "
Wala akong balak makipagkilala sa kahit na sino. Makakasira lang sila ng buhay ko.
Agang-aga mang-iinis na naman sila. Tss!
Pagkapasok ko sa room namin agad na sinalubong ako ni Arianne. Parang nakajackpot sa lotto ang mukha.
Sayang saya?
"Good news Trixie. " Tinaasan ko lang siya ng kaliwa kong kilay. Patuloy akong naglakad patungo sa upuan ko. Mabuti naman at wala pa dito ang transferee guy.
Inalis ko ang isang bangko at lamesa sa tabi ko. Inilipat ko iyon sa may pinto.
Dyan siya umupo.
Ayaw ko ng maligalig na katabi. Baka mapatay ko lang.
Inayos ko ang bag ko at umupo ng prenteng prente.
"Trixie, that guy you're hunting was hospitalized. "
I already know that.
"And? " bored kong tanong sa kanya.
"Di ko alam kung sino ang gumawa nun. May alam ka ba dun? " Umupo siya sa upuan ni Jaena na nasa unahan ko lamang. Naghalumbaba siya't sinusuri ako.
Wala siyang malalaman.
Umiling lang ako. Sinalpak ang earphone ko at finull volume ko pa ito. Maaga pa naman para magklase sila.
Umiling lang siyang lumipat sa upuan niya. Nasa bandang gitna ng 2nd row.
Napangisi na lang ako. Ang bilis naman kumalat ng balita.
------------Flashback-----------
Kanina lang na hinatid ko si Mexie sa bagong school niya ---- The Helbard Belvedere High School. Dumiretso ako agad sa dati niyang school. Inaabangan kong muli ang lalaking nagtaka ng rape kay Mexie.
At sa pagkasinuswerte ka nga naman. Kabababa lang nung Vincent sa sasakyan niya.
"Siya ba? " Turo ni Jay sa naglalakad na lalaki. Isa sa mga tuta ko. Tumango lang ako sa kanya.
"Turuan lang ng leksyon. I'll go ahead. "
---------------End of flashback-------------
Hindi ko alam kung anong ginawa nila pero mukhang malubha iyon at nahospital pa.
Tsk! Tsk!
Yan ang napapala ng mga kumakalaban sakin.
"Pambihira... Bakit nandito ka na naman? " sigaw ko sa lalaking tumabi sakin. Hindi ata ito nakakahalata na ayaw ko siyang katabi?
Inalis ko ang earphone na nakasalpak sa tenga ko at inilagay muli iyon sa bag.
"Hindi ako pwede dun. Labas na yun eh. " He said and pout.
Akala mo naman gwapo siya dun? Mukha siyang aso! Sisigawan ko pa sana siya ng biglang dumating si Inday at nagsimula na mag-attendance.
"Ang, Arianne Marie. "
"Present. "
"Abrenica, Marc Jayson"
"Present Miss. "
Nagtuloy-tuloy ang pagtatawag. Patuloy din sa pangungulit ang isang 'to. Nakakainis na talaga ito. Feeling close eh, halos wala pang isang linggo kaming magkaklase.
"Namiss kita. " Bulong niya sakin na parang kinikilig. Pinagtitripan na naman ako ng walanghiya.
Hindi ko siya pinansin. Sino ba siya? Isa lang siyang walang kwentang katabi ko.
"Hoy, pansinin mo naman ako. " Tiningnan ko siya ng masama. Kabasay nun ang pagkiliti niya sa tagiliran ko.
"Jones, Bella----"
"Ay? Putang*na!" Sigaw ko't napatayo pa ako.
"Minumura mo ba ako? " Mahinahong tanong niya pero may diin.
"Hindi po Miss. " sagot ko. Umiiling iling pa ako. Tiningnan ko ang katabi kong nagpipigil ng tawa.
Walang hiya!
Napupuno na ako sa kanya. Kinuha ko ang bag ko at isinakbit iyon sa balikat ko.
"Where are you going? " Ms. Valdez asked.
"Hell. Wanna come with me? "
"BELLATRIX JONES!!! " umalingawngaw sa apat na sulok ang sigaw niya sa pangalan ko.
"Close tayo? " I arch a brow at lumabas ng classroom.
"COMEBACK HERE BELLATRIX!!! " hindi ko na siya pinakinggan pa. Wala ako sa mood pumasok ngayon. Nabibwiset lang ako sa pagmumukha ng transferee guy na yun.
Ano nga bang pangalan niya ulit?
Whatever. He's not too important. He's just a stone without sparkle.
Saan ba ako pupunta ngayon?
Habang sinisipa ang maliliit na bato bigla na lang may kumiliti sa utak ko.
MWAHAHAHAHAHAHA!
Mabilis kong tinungo ang tindahan ng mga school supplies. Binili ko agad ang mga kailangan ko.
"NGAYON NIYA MATITIKMAN ANG GANTI NI TRIXIE." wika ko sa sarili ko.
------------------------------+++++++++++++++++++++
Ano kayang gagawin ni Trixie?
Alam niyo ba? Kasi ako, wala na akong alam pa. 😂
Kindly, vote and comment.
Thank you! 😘
YOU ARE READING
THE MALDITA QUEEN
Teen FictionShe's not beautiful like other girls but her heart is. She's friendly. She's warmhearted. She trust everyone around her. She only love ONE man. PERO KABALIKTARAN LANG ANG LAHAT NG 'YON. Kung makikita at makakaharap mo siya? Lumayo ka na lang. Umiwa...