A/N: Nauubusan na ako ng isusulat ko.😂 Kaya kung bawat chapter ng story na ito ay di niyo magustuhan, sorry ah? 😥 Biglang nawala yung mga mangyayari sa utak ko. Nakaset na tapos na erase. Parang siya, biglang nawala. Char! 😂
Anyway, naghahanap na ako ng ngayon ng mga pictures ng fictional cast ng istoryang ito. Hindi sila artista. Para mas kunwari reyalidad. Ahihi😁 Basta, gusto ko lang ilagay yung mga ordinaryong tao. Tulad ko, ordinaryo lang din ako. 😄 basta ganun! Makikita niyo din yun. Pero kung ayaw niyo sa mapipili ko, malaya naman po kayong mag-isip kung sino ang gusto niyo. Walang problema sakin don. 😇
Palalabasin ko na din yung ibang characters.
Trixie's POV
It's friday!
Nakaisang linggo na din si Mexie sa Helbard Belvedere High School. Madami agad siyang naging kaibigan at hindi naman siya pinapahirapan ng mga ito.
Subukan lang nila. Alam nila kalalagyan nila.
Hindi ko naman sila tinakot o binantaan. Masyado lang talagang mabait ang kapatid ko. Pinatawag nga ako ulit ng Principal nila doon nung isang araw. The time when I cut transferee guy's hair. Bigla na namang nagwelga ang mga dugo ko. Akala ko sinaktan siya. Napili lang pala siya as representative ng school nila sa gagawing Division Youth Leader.
Hindi na ko nagtaka don. Magaling siya sa pamumuno. At ano pa nga ba ang aasahan ko sa school na iyon? Maaaring may mga responsableng estudyante pero mas madami pa ding mga loko-lokong estudyante doon.
Huwag lang talaga sila magkakamali.
Dire-diretso akong pumasok sa loob ng classroom. Wala pa si Inday kaya parang nakawala sa hawla ang mga kaklase ko.
Tinungo ko agad ang bangko ko na malapit sa bintana. Napahinto ako ng makitang isa na lang ang silya sa pwesto ko. Wala na yung upuan ni transferee guy.
"Nagtataka ka ba kung bakit wala ka ng katabi?" Napaiktad ako ng may biglang mahinhing bumulong sa likuran ko.
"What the heck, Lyca!? Para ka namang kabute na sumusulpot sulpot!" Singhal ko sa kanya. Papatayin yata ako nito sa pagkagulat. Inis ko siyang tingnan. Ang isang 'to, todo naman ang pagngisi.
"Problema mo?" Tanong ko sa kanya at inilapag ang bag ko. Medyo mabigat dahil sa mga pagkain kong dala. Hindi naman kasi ako nagdadala ng mga libro. Isang notebook, isang ballpen at intermidiate pad lang dinadala ko. Ayoko ng madaming bitbit. Iniiwan ko lang sa bahay.
Bahala yung mga daga na mag-aral nun para matuto naman sila.
"Wala ako, pero ikaw? Meron siguro." Minsan hindi ko rin maintindihan ang babaeng to. She's the rank 3 student. I may be their rank 1 pero I don't seem her as my competitor. Si Mike lang talaga. Lagi kaming nagdedebate ng ugok na yun eh.
"Wala kang sense kausap. Umalis ka sa harap ko. Upuan yan ni Jaena!" Pagtataboy ko sa kanya.
"So, close na ulit kayo? Wala ka ng hate sa kanya? Did you forgive her? " Napatigil ako sa mga sinabi niya.
Napatawad?
Saan niya nakuha yun? Mahirap makalimot. Lalo na kung ang gumawa ng kasalanan ay yung pinakamalapit sayo.
Umiling lang ako sa kanya.
Sa totoo lang, sila talaga ang mga kaibigan ko. Kapag ginagawan nila ako ng mga kalokohan na maaaring mawala ang tiwala ko, nag-iiba ang pakikitungo ko.
"How about me? Did you forgive me?" Wala sa sarili niyang tanong. Pagtingin ko sa kanya'y titig na titig siya sa akin. Kita ko doon ang sinsiridad niya. Hindi ko inalis ang mga tingin ko.
YOU ARE READING
THE MALDITA QUEEN
Fiksi RemajaShe's not beautiful like other girls but her heart is. She's friendly. She's warmhearted. She trust everyone around her. She only love ONE man. PERO KABALIKTARAN LANG ANG LAHAT NG 'YON. Kung makikita at makakaharap mo siya? Lumayo ka na lang. Umiwa...