Chapter 8

45 8 0
                                    

A/N: Wala pa talaga sana akong balak lagyan ng POV si Chaud Reign eh. Pero sabi sakin, gawan ko na daw. 😅

Kung ano man ang kalabasan nitong chapter na ito. Pagpasensyahan kasi wala na akong maisip na plot.

Sorry for the wrong grammars.

Trixie's POV

Sa di inaasahang pagkakataon sobrang haba ng pila pagdating ko sa cafeteria. Ayaw ko munang gumawa ng eksena ngayon. Hindi naman talaga ako nagugutom. Tumakbo lang ako dahil baka mahuli ako ni transferee guy.

Lumingon sakin ang nasa unahan ko. Naramdaman niya siguro ang presensya ko. Kinalabit niya sa balikat ang nasa unahan niya. Parang domino itong nagpapasa ng kalabit. Bigla na lamang humawi ang pila at naiwan akong nakatayo dito.

"Ito talaga ang nagagawa ng malakas eh." Wika ni Mirah ng makalapit sa pwesto ko. Kasama niya sina Arianne, Lyca at Erish. Wala si Jaena? Napailing na lang ako dito. Mabilis kong tinungo ang counter.

"Good morning Trixie." Bati sakin ng isang babaeng nasa edad 50's, si Manang Lydia. Paborito kong tindera dito sa cafeteria. "Anong gusto mo hija?" Masayang tanong niya sa akin. Ang gaan kasi ng loob ko sa kanya. Minsan pinupuntahan ko pa siya sa bahay nila para kamustahin siya.

"Tuna sandwich at delights lang muna sa ngayon Manang. Wala din naman po kasi akong balak kumain sana. Busog pa kasi ako. " sagot ko sa kanya. Ngumiti lang siya sakin at ibinigay na agad ang mga order ko. Ibinigay ko naman sa kanya ang bayad ko at hindi ko na kinuha ang sukli. Alam na niya yun. Sa kanya na lagi ang sukli ko. Ayaw niya sana tanggapin pa, sinasabihan ko lang na magagalit ako sa kanya.

Luminga-linga ako sa loob pero mukhang walang bakanteng upuan.

"Chair for Trixie! " Sigaw ni Arianne. Agad na nakuha niya ang atensyon ng mga estudyante.

Tss!

I know they used my name para lang din mabigyan sila ng upuan. I just rolled my eyes.

Tumayo ang mga estudyanteng nasa kaliwang table malapit sakin.

"STOP! "pagpipigil ko sa kanila. "STAY. I'M GOING OUT. "

"Bakit naman ganon? " Takang tanong ni Arianne sakin.

"Stop using my name kung para lang mabigyan kayo ng upuan dito. Dun kayo sa bench sa labas." Inirapan ko siya't lumakad palabas ng cafeteria. Pagagalitan ako ni Manang Lydia kapag nang-away ako sa loob ng cafeteria.

"Mas gusto ko yun! " Lyca said. I don't know pero siya lang ang kasamahan naming mahinhin. Hindi makabasag pinggan. Nagbago dahil siguro sa nakaraan.

"Ingay niyo naman. Kain na lang tayo. " Si Erish, habang subo ang isang sandwich at may kapit pang tatlo. Ang takaw! Pangulo ng mga PATAY GUTOM.

"Tara na nga. Dami niyong dada. Gutom na ako." That's Mirah. Ang pangalawang patay gutom sa grupo. Pero siya lang ang maaasahan ko sa lahat ng bagay. I never give trust to everyone. Pero parang nakukuha niya ang loob ko.

Parang lang!

Umupo ako sa ilalim ng puno dito sa may field na hindi kalayuan sa room namin. Sumunod naman ang apat na loka.

Nakita kong mabilis na naglakad pabalik ng room si transferee guy.

"HAHAHAHA" Bigla kong pagtawa nung makita kong hindi pantay ang buhok niya sa likod ng ulo niya.

Napatingin sila sakin habang subo subo ang mga pagkain nila.

"Nababaliw ka na ata Trixie. Bigla bigla ka na lang natatawa dyan?." Kunot noo na tanong ni Mirah.

THE MALDITA QUEENWhere stories live. Discover now