Chapter 15

49 5 1
                                    

Belated Happy heart's day mga MALDITAs. Pumepeg-ebeg ne be? 😂 Char! Kamusta date niyo? Kung tatanungin niyo ako? Maghapon akong nagdate sa office. 😂 Share ko lang. HAHAHAHA

At dahil araw ng mga puso ngayon---kahapon pala, gusto ko lang isabog pagmamahal ko sa inyo. 😘

Sana magustuhan niyo. Gustuhin niyo na lamang kahit hindi kagandahan ang kwento. Maikli lang ang update na to.

Babala: Typos and grammar.

Mirah's POV

Bigla na lamang sumakit ang ulo ko sa mga pinagsasabi nito ni Jaena. Kaya pinaalis ko na ang mga pinaparusahang estudyante kanina. Ayaw kong makarinig sila ng mga salita galing sa babaeng ito. Magkakaroon lamang ng mga isyu at tsismis.

"Hindi ka ba nagtataka? Ibang-iba yung Trixie na nandito. Halata namang impostora siya." wika niya sakin na halatang asar na asar.

"Hindi na rin naman ako nagtataka kung bakit ganyan ka. Sinisiraan mo lang si Trixie." sagot ko sa kanya. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit hindi ito sinama ni Trixie sa mga pinarusahan.

Di naman sila close na para maging exempted pa. Pero kasama pa rin naman siya sa lahat ng lakad ni Trixie. Saka isa pa, walang exemption kay Trixie. Kung may kasalanan ka, mapaparusahan ka talaga.

Ah, ewan ko.

Sumasakit lang talaga ang ulo ko sa kanilang dalawa.

"Look Mirah. I'm not here para makipagtalo. Di mo ba napapansin yung pag-iiba ng ugali niya ngayon?" Mahinahong wika niya. Napapansin ko naman yun pero ewan ko. Baka good mood lang siya. Baka nagbabago na talaga. Bumuntong hininga muna siya bago ulit magsalita. "She's not Trixie. Trust me, Mirah."

"Pareho ko kayong kaibigan. Pero ewan ko kung bakit naiinis ako sayo ngayon?" Bakit nga ba ako naiinis sa kanya? Siguro dahil sinisiraan niya si Trixie sakin at sa mga kaibigan namin.

Oo, tama. Yun nga.

"Ano naman ang proof mo para paniwalaan kita?" muli kong tanong sa kanya.

"Sa tagal naming magkaibigan... Alam ko kung si Trixie o hindi ang kaharap natin---"

"E, nasaan nga ang pruweba mo? Ebidensya?" Napataas ang tono ng tanong ko kaya naging pasigaw ito. Makalioas ang ilang minuto ay nanatili pa din siyang tahimik. "See? You're just making a way to ruin her. You violate the chastity of her name and talking behind her back." Tama lang siguro na sabihin ko ito. Gusto ko na ding magkaayos sila.

"Whatever!" Napailing na lang ako sa sinabi niya. "Impostor siya." panggigiit muli niya.

Paano ba naman magkakaroon ng impostor si Trixie, eh wala namang kakambal yun. Aish!

"Teka, sinong impostor?" Singit ng kung sino sa pag-uusap namin.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko kay Arianne. Kahit kelan talaga parang kabuti itong pasulput-sulpot lang. Umiling lang siya bilang sagot sa tanong ko.

"So, sino ang impostor?" nagugulumihanang tanong niya. Napakibit-balikat na lamang ako. Umiwas naman ng tingin si Jaena at kalauna'y iniwan niya kami. "Mirah, did you hide something from us?" Napakaseryoso ng mga tingin niya.

"Nothing." Mabilis kong sagot. Nabalot kami ng katahimikan. At ang mga bawat tingin niya'y may kahulugan.

Teka? Bakit parang ako ang naiipit sa tanong na iyon?

"Mirah, are you telling the---"

"Cut that, Arianne. Wala akong ginagawang masama." Naiinis kong tono. Ako pa ngayon napapagbintangan na impostor na yan. Aish! Wala naman akong alam dyan. "Bakit ka ba nandito?"

"Pumunta akong c.r tapos tinawagan ako ni Trixie."

"Oh, anong sabi sayo?"

"Wala. Nangangamusta lang siya. Sabi ko naparusahan na ang mga section B kasama si Lyca tapos kinuwento ko din kung paano---"

"Wait... Ano?"

Tama ba ang narinig ko? Nangangamusta? E, nandito siya. Bakit pa mangangamusta?

"Bingi ka ba? Sabi ko nangangamusta---wait...nangangamusta. Oo nga. Yun---"

"Hala?" Namilog ang mata naming dalawa.

Tama nga ba ang nasa isip namin? Hindi kaya?


Alexis's POV

Pinipilit kong bawasan ang pag-Eenglish ko at ituwid ang mga tagalog ko. Well, sa Pinas naman ako lumaki kaya lang naadopt ko ata agad pagiging maarte sa States. Kaya ako rin ang nahihirapan ngayon. Pero okay lang, naeenjoy ko naman.

HAHAHAHA! I hope they wouldn't catch me or else I might die.

Ang swerte swerte naman nitong pinsan ko. Ang daming nakapilang pogi. Bukod sa dalawang katabi ko na hinihila ang magkabila kong kamay ay may dumating pang isa.

Thank you Lord, thanks for the blessing.

"Aray. Ano ba nasasaktan ako." Pamimilit kong panggagaya sa boses ni Trixie. Pinaharap nga ako ni Lord sa mga poging nilalang na ito pero nasasaktan naman ako. Mapuputol na ata ang mga kamay ko sa paghila nila. Ginawa pa nila akong tali sa tug of war game nila.

Mga siraulo.

"Bitawan mo kasi si Trixie. Di siya sasama sayo." wika ng nakahawak sa kaliwang kamay ko. Si Hellix ata ito? Yun kasi yung tinawag ng ilang estudyante sa kanya dito.

"Do you think she'll go along with you?" wika naman ng nakahawak sa kanang braso ko. Ang nagbigay ng flowers at chocolate--- si Deilan. Yun ang pakilala niya nung tinanong ko kung sino siya. Malay ko ba sa kanila?

"Ano ba? Let me go." Sigaw ko sa kanila. Yung mga kaklase ni Trixie parang walang pakialam. Nanunood at naglalaro lang ang iba.

Wala talaga silang pakialam? Hindi ba nila ako tutulungan? Argh!

I missed to checked Trixie's background here.

"Stupid." Bulalas ng nasa harap ko na mukhang nag-eenjoy na panoodin akong masaktan. Pogi rin sana siya kaso wala siyang pakialam.

"Help me, please." singhal ko kay Chaud. He just arch his brow on me. "Ano ba? Kailangan ko pa bang makiusap sayo, ha?" tumango lang siya. Nakakainis na rin itong lalaking ito. Akala mo naman hindi ako nilalandi kanina. "F*ck! Stop it. It hurts!" Halos pabulong ko na lamang ito naisigaw dahil sa sobrang inis ko. Padabog kong inalis ang braso ko sa pagkakahawak nila. Padabog din akong umalis sa pwestong yun.

Bago ko malampasan ang mga kaibigan ni Trixie ay bahagya kong narinig ang usapan nila.

"Mali naman pala yung nasa isip natin." The short girl said. I think that was Arianne. Mirah just nodded like she's agree with her. "Bumalik na ulit sa dati si Trixie."

Napalingon na lamang ako sa ibang direksyon na walang kahit anong ekspresyon.

Ano ba si Trixie dito? Reyna nila?

Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa comfort room. Nilock ko ang main door. Naghilamos ako ng mukha ko. Hindi pa din natatanggal ang make up na nilagay ko para maging kamukha ko si Trixie. Mabuti na lamang at waterproof ang mga ginamit ko.

"Whether they'll know it or not, I'll be the other Trixie while she's not around."

I still have time to enjoy it more. I have two days to be their QUEEN.

--------------------------------------+++++++++++++++++++

Ilalapag ko sana yung isang photo ng cast ko kaso tinatamad ako. HAHAHAHA sa sunod na lang. Tapos tinatamad na din akong tapusin ito. Wala naman atang nagbabasa. 😩 Hays!

Don't forget to vote, comment and share.

THE MALDITA QUEENWhere stories live. Discover now