Chapter 2

96 19 4
                                    

Chair

Trixie's POV

Trixie, I love you so much. Please, give me another chance.

Paulit ulit na lang sa utak ko ang mga huling sinabi sakin ni Hellix. Hinabol niya pa ako para lang sabihin yun?

Psh!

Hindi ko maintindihan ang mga lalaki ngayon. Ang lakas ng mga sapi. Napailing na lang ako. Nag-aattendance na nung pumasok ako sa classroom.

"Ms. Jones, late ka na naman." Wika ng dalaga naming guro. Psh! Naiinis talaga ako kapag nakikita yang teacher namin na yan. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Agad na napataas ang isa kong kilay.

"Present." Walang buhay kong wika sa kanya. Tutuloy-tuloy akong pumasok at naupo ako sa dulo tabi ng bintana.

"Alright student. Huwag niyong gagayahin si Ms. Jones. Napakawalang modo. Hindi man lang bumati ng good morning." Wika ng teacher na nasa unahan, si Inday. Tsk!

Inday ang pinangalan ko kasi kamukha niya yung katulong namin. Maganda naman siya kaya lang parang hindi nagsusuklay. May pinagdadaanan ata ito? Nakasalamin na malaki ang lens.

Agad ko siyang tiningnan ng masama. Problema ba nito sakin?

"She is not a good model. Okay ba tayo dun?"

"Yes Ms. Valdez." matamlay nilang sagot kay Inday. As if naman susunod sa kanya.

"Hindi naman talaga ako model. Duh?" Bulong ko sa sarili ko't tumingin sa labas ng bintana.

"Katulad ngayon... may binubulong bulong pa." Napatingin ulit ako sa kanya. Talagang sinasadya nya akong inisin. Napabuga na lang ako sa hangin at inirapan siya.

Bwiset!

Araw-araw na lang siyang ganyan sakin. Pinapahiya ako lagi. Malapit na akong mapuno sa ginagawa niya. Hintayin niya lang!

"Okay, since you're all here. Let us welcome your new classmate." Napatingin ako sa kanya. Biglang nagtama ang mata namin ni Inday. "Ms. Jones, baka gusto mong magbehave na."

Ako na naman nakita niya. Wala na nga akong ginagawa dito. Tahimik lang akong nakaupo.

Lahat ng kaklase ko tumingin sa pwesto ko. I arch a brow. Nagkibit balikat lang yung iba. Yung iba naman walang expression na umiwas ng tingin.

Mga bwiset kayo!

"Anyway, ito na sya." Tumingin siya labas at sinenyasan niya ito. Agad na lumapit sa kanya ang lalaki.

Kitang kita ang matangos niyang ilong. Medyo singkit ang mata. Matangkad na siguro'y nasa 5'9 o 5'10 ang height. Pero hindi siya ganun kaputi. Sideview pa lang mukhang gwapo na. Lalo na siguro kapag humarap na.

Humarap...

"What the f*ck?!"

Napatingin silang lahat sa bigla kong pagsigaw.

Siya?

"Ano na namang problema mo Trixie?" Inis na tanong ni Ms. Inday Valdez.

"Ikaw." I just smirked at umupo na ako ulit. Napatayo kasi ako nung nakita ko na siya ang transferee.

Bahala si Ms. Valdez kung sasaluhin niya yung sagot ko. HAHAHA

"Sinisimulan mo na naman ako BELLATRIX JONES." Bulyaw niya sakin. Galit na yan. Full name ko na ang tinawag eh.

Napansin kong napangiti yung transferee. Pangiti ngiti pa, akala mo gwapo. Binabawi ko na yung pagdedescribe ko sa kanya. Mukha siyang tae sa buhok niya mala-korean hairstyle.

"Whatever. Let him introduce himself. Pinapatagal niyo ang klase. Wala na akong natutunan." I sarcaatically said.

Hindi ko na pala sya kailangang ipahanap kina Mirah. Kusa na siyang lumalapit.

Hmm! Tingnan natin kung hanggang saan sya aabot sa pagiging pakialamero niya. Bahagya akong napapangiti. Tawang tawa sa ilalim ng isip ko.

We'll see. We'll see.

"Mukhang galit na ata siya Ma'am." Tumingin siya kay Ms. Valdez at ngumiti ng malapad. Ito namang si Ms. Valdez halatang kinikilig.

Landi!

"I'm Chaud Reign Salazar. A transferee from Southwest High School." Pagpapakilala niya sa sarili niya. At ipinakita na naman niya ang ngiti niya kanina. Lalong lumiliit ang mata niya.

I just shrugged my head. Parang narinig ko atang tumili sila?

Mga haliparot!

"Welcome to Holy Mary Academy." Masiglang bati nila habang nakatayo. Humarap na lang ulit ako sa bintana. wala naman akong pakialam sa kanila. Gusto ko na mag-uwian. Walang gana ngayong araw.

"Find a vacant seat Mr. Salazar. Magsisimula na tayo ng lesson."

Agad kong pinatong ang bag ko sa katabi kong upuan. Ayaw ko ng may katabi baka mabalian ko lang ng buto. Hinanap ko ang earphone ko at sinalpak iyon sa tenga ko.

Nakaramdam ako ng presensya sa tabi ko.

"Nasaan ang bag ko?" Buong lakas kong sigaw sa kanya.

"Ano na naman ba yan Bellatrix?"

"Magklase ka dyan. Huwag mo akong intindihin." Inirapan na lang niya ako't nagpatuloy sa paglelesson niya.

Papansin kasi itong katabi ko. Nilagay ko na nga ang bag ko dun para ibig sabihin ay occupied yun. Pero ang walang hiya? Nagpumilit pa.

Tumingin ako sa bandang kanan ko. Madami pa namang vacant seat. Sa dulo dun sa unahan, bakante. Sa gitna naman sa tabi ni Mark, bakante din.

Inis kong tiningnan ang katabi ko. Sino pa nga ba? Edi yung transferee. Tss!

"Problema mo? Di mo ba alam na may nakaupo na dyan." Tinuro ko pa ang inupuan niya. Pero nginitian lang ako ng bwiset na 'to. Akala mo naman nakakagwapo.

"Umalis ka dito. Dun ka sa gitna." Halos pabulong kong pagtataboy sa kanya. Baka sitahin na naman kasi ako ni Inday.

"Ayoko. Baka gahasain ako nun." Turo niya kay Mark. Bakla si Mark pero hindi siya ganun sa iniisip niya. Kapal ng mukha niya.

"Edi dun ka sa unahan." Tinutulak tulak ko pa siya pero hindi siya matinag.

"Ayoko. Farsighted ako."

"Dun ka sa kabilang dulo."

"Ayoko. Gusto ko dito." Bwiset! Ang daming arte.

Naiinis na ako. Sisipain ko na talaga ito.

*Blag*

----------------------------------++++++++++++++

Kindly, vote and comment. 😁

THE MALDITA QUEENWhere stories live. Discover now