Chapter 7

20 6 0
                                    

Isha Karmela Montes

Nang makarating na kami sa bahay ay agad na akong umupo ng tuwid para pormal na makapagpasalamat kay sir de vera at kay ralph

"Sir, ralph thank you po sa paghatid sa akin dito babawi na lang po ako sa inyo"

Ralph slightly smile at me at si sir de vera naman ay ngumisi sa akin
Hindi ko alam na may pagkamakulit na side pala itong si sir

"Sige ho mauuna na ako-"

"Ms montes wait" pagputol ni sir sa sasabihin ko at mayroon siyang kinuha sa paper bag. Napabitaw naman ako sa pintuan ng kotse na dapat ay bubuksan ko na sana

"I would like to give this to you as a thank you" sabi ni sir sabay abot sa akin ng isang box ng cupcake

Lito akong tumingin kay sir

Para saan ito?

"Thank you isha montes"

"Thank you for what po?"

He stop for talking but he continue
"Nothing just a simple thank you"

Pinanliitan ko ng mata si sir
"Sir hindi ko tatanggapin ang box na iyan hanggat hindi niyo sinasabi ang dahilan kung bakit kayo nag thank you sa akin. Wala naman akong matandaan na natulungan ko kayo sa gawain niyo kanina eh ako nga itong tinulungan niyo-"

"Isha its just a simple thank you for being....."

Agad akong nakaramdam ng pag-init ng aking pisnge. Not now ishka

Tumingin siya sa kaniyang kapatid at ganoon din ang ginawa sa kaniya ni ralph

"For being a just good student. You know kundi dahil sayo walang maipagyayabang ang finn college. Just accept it ihja its a thank you offer"

Kahit nalilito at alinlangan ay tinanggap ko na ang box ng cupcake na kanina niya hawak hawak

Ngumiti na sa akin si sir ng tanggapin ko yun at napabaling ang tingin ko kay ralph sa salamin at naabutan ko na seryoso siyang nakatingin sa akin
Hindi siya agad umiwas pero siya ang unang kumalas nito

Pagkababa ko sa kotse ay kumaway ako sa kanila hanggang sa tuluyan na silang nakaalis. Pagharap ko sa pinto ay sinampal ko ang sarili ko

"Sir!" Sabi ko sa sarili ng may irita at kilig na tono

"Bakit ka ganyan! Hindi to pwede! It is prohibited to fall ishka you stupid girl!"

Paulit ulit ko iyong sinabi sa sarili ko habang nagpapapadyak ako. Pero sa huli ay natagpuan ko rin ang sarili ko na humahagikhik mag-isa dahil sa kilig

Binuksan ko ang box at laman nito ang dose pirasong chocolate cupcakes na may disenyong smiley faces, heart shape, at words na thank u. Wala sa sarili akong napangiti habang tinitignan ito isa isa

"Ate anong ginagawa mo diyan?" Napatalon ako ng biglang iniluwa ng pinto ang aking kapatid

Nakatingin lang ito sa akin ng may halong pagtataka na tila ba hinaantay ang sagot ko. Palitpat lipat din ang tingin niya sa akin at sa cupcake na bitbit ko

"Ah! Kakauwi ko lang kakarating ko lang" sagot ko

Dahan dahang tumango si brent sa akin

"What is that?" Tanong sabay kuha ng box ng cupcake

"Cupcake" simpleng sagot ko sabay kibit balikat

"At sinong nagbigay?" This time ay sa akin na siya nakatingin

"K-kaibigan ko. Thank you gift daw sa akin"

"Ah thank you gift" sagot niya sa akin sabay bukas ng box

Tahimik lang ang kapatid ko na kumuha ng isang cupcake sa box at kumagat dito kaya ganun na din ang ginawa ko pero napatingin ako sa kaniya ng bigla siyang ngumisi

"Ate feel ko in love sayo ang nagbigay neto"

Halos mabuga ko ang kinakain ko dahil sa sinabi niya

"Ano? Ano bang pinagsasabi mo dyan lalaki ka anong in love"

"Ate lalaki ako alam ko kapag dumidiskarte ang isang lalaki"
Nilunok niya ang kinakain niya at tsaka nagpatuloy
"Sino ba ang nagbigay niyan sa iyo?"

Ngumuso ako sa kaniya at inirapan siya
Imposible ang sinasabi ng kapatid ko dahil bawal iyon. Alam naman siguro ni sir ang rules diba

"Imposible yan brent at isa pa... p-prof ko ang nagbigay niyan"

Lumiwanag ang mukha ni brent sa sinabi ko at mukhang kilala niya na kung sino iyon dahil once naisabi ko sa kaniya na may crush akong prof sa campus namin. At iyon na siguro ang pinakamaling nagawa ko

"Ayun naman pala ate e bakit ayaw mo pa choosy ka pa"

"That is prohibited brent you know the rules having a love afair between a teacher and a student is a prohibited"

Tumawa si brent sa sinabi ko
"If you love someone susugal ka"
Dahil sa sinabi niyang iyon ay agad kumulo ang dugo ko

"Ewan ko sayo ang dami mong alam!" Sabi ko sa kanya at tinulak ko ang cupcake sa kaniyang mukha kaya ngayon ay puno ng icing ang ilong niya at tsaka ako pumasok sa loob ng bahay

Masyado siyang madaming sinasabi
Tinawag niya ako sa baba pero hindi ko siya pinansin at nagdirediretso lang ako sa kwarto

Hindi na ako nagbihis at ibinagsak ko na ang katawan sa kama. Nakatitig lang ako sa kisama

Bakit nga ba ako binigyan ni sir ng cupcake. Para saan ba talaga iyon. Siya ba talaga ang nagpabigay nun?

Napatayo ako bigla ng pumasok ang tanong na iyon sa utak ko
Maaari nga na hindi talaga yun galing kay sir at pinaabot lang sa kaniya

Pero sino naman? Wala naman akong ibang tao na nakitang kasama ni sir kanina

Napahinto ako sa pagiisip ng pumasok siya sa utak ko. No way!

Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang facebook. Agad akong tumungo sa profile and andun pa rin ang friend request niya

Possible kaya na siya ang nagpabigay at hindi si sir?

My FateWhere stories live. Discover now