Isha Karmela Montes
"Tagay mo na yan!" Sigaw ni kc na may tama na ng alak at itinaas ang baso sa ere
Nandito kami ngayon sa bahay nila sir de vera sa baguio
Ako, si brent, ang mga kaibigan ko at si sir lang ang nandidito. nung una ay hindi ako pumayag na sumama dahil inakala ko na kasama rin si ralph pero nung sinabi naman nila na hindi ay pumayag na ako
Isa pa ay kasama rin si brent dahil nabalitaan niyang kasama rin si monique... naa-amoy ko na talaga ang kapatid ko
Napagkaisahan naman nila na wag na magtungo sa bar at dito na lang kami mag-inuman
Nandito kami sa roof top ng bahay ni sir de vera at mula dito ay kitang kita ang magandang tanawin ng baguio at kasabay rin nito ang malamig na ihip ng hangin
"Isha! Halika na rito mag-isa ka diyan!" Tawag sa akin ni berto hawak hawak niya ang microphone kaya ang lakas ng boses niya
"Oh ayan na mag-uumpisa na ang kanta! Videohan niyo ko!" Sigaw ni berto umayos ng upo at itinapat ang mikropono sa kaniyang bibig
'Minsan di ko maiwasang isipin ka lalo na... sa tuwing nag-iisa... ano na kayang balita... sa iyo
Naiisip mo rin kaya ako....'
Habang damang dama ni berto ang lyrics ng kantang hiling ng silent sanctuary ay kumirot naman ang dibdib ko
Isang linggo na simula nung huli kong nakita at nakausap si ralph
Simula kasi ng gabing iyon ay sinabi ni sir de vera sa akin na nagtungo daw ito sa batanes upang tumulong sa busines ng kanilang amaPero pakiramdam ko ay hindi business ang pinunta niya doon...
'Simula nang ikaw ay mawala...
Wala ng dahilan para lumuha
Damdamin pilit ko ng tinatago
Hinahanap ka pa rin ng aking pusoParang kulang na... kapag ika'y wala
At hihiling sa mga bituin na minsan pa sana ako'y iyong mahalin... hihiling kahit dumilim ang aking daan na tatahakin... patungo'
Sa loob ng isang linggo... inaamin ko na hindi siya mawala sa isip ko... at siya pa rin ang nilalaman ng puso ko kahit na dalawang beses na niya akong saktan
Wala eh... ganon naman ata talaga kapag nagmamahal ka... magiging tanga ka
Totoo nga ang sabi nila... Na kahit gaano ka katalino pero pagdating sa pag-ibig ay magiging tanga ka
Pinalakpakan nila sa berto na ngayon ay abot tainga ang ngiti matapos kumanta
"Oh diba ang ganda ng boses ko!" Pagyayabang niya
"Manahimik ka! Tignan mo oh nawala ang araw dahil sa boses mong pang ipis" mataray na sabi ni jasmin at naghampasan ang dalawa
"Hoy tama na nga iyan! Dapat ang may ari ng microphone naman ang kumanta!" Kantyaw ni kc kay sir de vera na ngayon ay namumula at ikinakaway ang mga kamay sa ere senyales na ayaw niyang kumanta
"Isa lang sir! Tayo tayo lang ang nandito oh!" Sabat ni brent at sumang ayon naman kami
"Sige na sir! Kantahan mo si ate!" Dagdag pa ni brent
YOU ARE READING
My Fate
Ficción GeneralA story of a girl who always cry and experience heart break Date written: December 6, 2018 End: March 19, 2020