Isha Karmela Montes
Dalawang malakas na katok sa pintuan ang nagpagising sa akin, wala na sa tabi ko si ralph kaya agaran na akong tumayo
"Ate nasa baba si kuya wilson" tumango na lamang ako kay brent at inayos ang sarili sa salamin, kung may tuyo ba akong laway or muta
"Nice... teacher ka na pala... tss bakit di ka pa umalis successfull ka na eh"
"Hindi ako aalis... nandito ang kasiyahan ko wilson... at pwede ba huwag mo ng ibabalik ang nakaraan na iyon"
Narinig kong mahinang pag-uusap ni wilson at ralph sa ibaba. Noon pa man ay may napapansin akong kahina-hinala sa dalawang ito. Para bang matagal na silang magkakilala at nagkaroon ng alitan
Nagtatanong ako pero they both don't answer my question
"nang-iwan ka na.. at ayoko na gawin mo sa kaibigan ko-"
"Wala kang alam wilson.. nakaraan na iyon!"
Natigil sila sa paguusap ng makita ako ni wilson. At gulat na ekspresyon naman ang nakita ko kay ralph
He leaned closer to me and kiss my forehead
"I got to go.. kailangan ko pang tapusin ang lesson plan ko.. see you tomorrow"
I nod "okay... ingat ka pag-uwi"
Nang makalabas na si ralph sa pintuan ay hinarap ko si wilson
"I got some good news" bungad niya sa akin
Kahit marami akong tanong ay isinantabi ko muna ito at pinakinggan ang balitang gusto niyang sabihin sa akin
"I'll be fetching serenity tomorrow at the airport and... we will celebrate our 5th monthsarry"
Napatakip ako ng bibig ko "5th monthsarry! OMG congrats wil! Hindi ko alam yan ah"
"Yeah it's just happen lang din. Alam mo naman na matagal ng may gusto sa akin ang babaeng iyon... and"
He hold my hand
"All thanks to you"
Kumunot ang noo ko
"Sa akin? Bakit?"Umiling siya at ngumiti. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay kaya inalis ko ito
Why he is acting like this
Alam kong noon ay nagkaroon siya ng nararamdaman sa akin, pero hindi ko iyon sinuklian dahil alam kong may gusto sa kaniya si serenity...
Ayokong masaktan ang kaibigan ko. At ngayon nalaman ko na sila ay masaya ako para sa kanila
Pero kung ganito ang ikinikilos ni wilson ay hindi ako makapapayag. Ayokong masira ang imahe sa akin ni serenity
Kung alam niya man na nagkaroon ng feelings sa akin si wilson noon, ay sigurado akong magseselos ito
Sana ay hindi...
Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa faculty room para ayusin ang mga papers at i-check ang lesson plan
"Oh Ms. Montes... mamaya pa ang klase mo diba?" Tanong sa akin ni ma'am caridad. Na prof ko noong freshmen ako
"Ah yes ma'am inaayos ko lang ito" sabi ko sabay taas ng lesson plan
"Nako Ms.Montes alam mo bang napakasaya ko ng makita kang nag tuturo na! Parang kailan lang ay nakikinig ka lang sa mga lessons ko... ngayon ikaw na gumagawa ng sariling mong lesson plan!"
Napangiti ako sa puri sa akin ni maam
Parang kailan lang... pinagiisipan ko kung saan ako papasok na paaralan... parang kailan lang freshmen pa ako... parang kahapon lang lahat ng iyon... at sa 3 buwan ay makakapagtapos na ako
Ang bilis ng pangyayari
Pagkatapos akong tanungin at tulungan ni maam caridad at tumungo na ako sa aking klase
Sinalubong ako ng estudyante kong si nathan
"O nathan saan ka pupunta"
"Teacher Isha! Yung asawa niyo po nasa kwarto!" Hingal na sabi ng bata
Nagsalubong ang kilay ko... asawa ko?
Nang malinawan ako ay agaran akong tumungo sa aming silid aralan at pagpasok ko ay nakita ko si ralph na nakaupo sa teachers table na may hawak na libro at sa mesa naman ay may nakapatong na bouquet of flowers
"Maam! Yung asawa mo po! Siya daw po magtuturo sa amin ngayon!" Sabi ng isang estudyante
Tumingin ako kay ralph ng matalim at ibinalik ang tingin sa bata
"Kester ako ang magtuturo sa inyo ngayon!... at i-isa pa hindi ko siya asawa!"
I heard ralph chuckle and i grab him out of the room
"Ano bang sinasabi mo sa mga bata! Mamaya pagkalat nila na asawa kita kahit hindi pa naman!... tsaka anong ikaw ang magtuturo hindi mo pwedeng saluhin nanaman ang trabaho ko!" Sabi ko sabay hilot mg sentido ko
He smirk "ano naman kung kumalat... like what you've said... hindi pa!"
Umirap na lamang ako sa kawalan. Dahil wala ng sense kung makikipagtalo ako sa kaniya
Ng una akong mag OJT ay lagi niya akong sinasalo at tinutulungan... pero ngayon ay tumatanggi na ako dahil marami na siyang naitulong sa akin
"Kahit na... I'm still a student ralph please mag-ingat ka naman baka mapahamak ka!.. baka mamaya ay magkaroon nanaman ng fake news"
Naalala ko nanaman yung araw na may pumutok na balitang may relasyok daw kami ni sir de vera
Speaking of sir de vera. He is now happily married to a beautiful women here in our school, walang iba kundi ang terror kong prof sa history noon na si Ms. Magallanes... noon ay magkakumpetensya lang sila ngayon magasawa na sila
Pagibig nga naman walang pinipiling tao
"OMG!!! Mela! I miss you so much!" Salubong sa akin ni serenity pagkauwi ko
Dinaluhan ko rin siya ng yakap at tumalon talok kaming dalawa
"Akala ko mamaya pa ang uwi mo! Sinorpresa mo ako!"
"You how i love surprises mela... balita ko you have boyfriend na! Pakilala ko naman!"
"Yes papakilala ko siya sayo..."
"Are you free tomorrow let's have dinner date! Isama natin ang mga boys" masayang sabi ni serenity
At dahil wala naman akong pasok bukas ay pumayag na ako.. pero bigla akong naguluhan ng tumawag sa akin si wilson
"Mela! Dapat ay humindi ka na sa alok ni serenity for that dinner date"
"Bakit naman wilson? Anong masama doon"
Narinig ko ang ilang buntong hininga ni wilson sa kabilang linya
"Nothing... let's just hope everything will be fine tomorrow "
Pinatayan na ako ng linya ni wilson pero hindi ko parin maalis sa isip ko ang sinabi niya
There is something going on here... and I need to find it out
YOU ARE READING
My Fate
General FictionA story of a girl who always cry and experience heart break Date written: December 6, 2018 End: March 19, 2020