Isha Karmela Montes
Sa buong byahe namin ni brent papuntang ospital ay hindi kami nag-iimikan
Wala ni-isa sa amin ang nagbalak na magsalita dahil parehas kaming kinakabahan at hindi alam kung ano ang nangyari kay mama
Napansin ko naman na yumuko si brent at pinagsiklop ang kamay at nagdasal
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin naman ako sa maaliwalas na kalangitan at nanalangin
O diyos ko... ingatan niyo po ang aking mama... gabayan niyo po siya.... hindi ko po makakaya kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniya
Pagkababa namin ng taxi ay kumaripas agad kami ng takbo sa nurse station para itanong kung nasaan si mama
"Sa emergency room po ward 4" sabi ng nurse
Sabay naming tinakbo ni brent ang pasilyo ng ospital at ng makarating kami sa emergency room ay halo halong ingay ang nandoon
Mga pamilyang naghihinagpis dahil sa namayapa nilang kamag-anak, ang iba naman ay sinisisi ang mga doktor, ang iba naman ay dahil sa iniindang karamdaman
Nang marating namin ang ward 4 ay parang biglang bumagal ang paglalakad ko at bumigat ang bawat hakbang na aking ginawa
Nakabukas ang kulay green na kurtina at kitang kita ko kung paano i-revive ng mga doctor si mama, na ngayon ay duguan at may tama ng baril sa kaniyang tiyan
Paulit ulit na itinatapat ng mga doctor ang AED (Automated External Defibrillator) sa kaniyang puso at may nag pa-pump na rin sa dibdib niya
Nanatili lang ako nakatayo doon at walang pumapatak na luha sa aking mga mata. Habang si brent naman ay humahagulgol at pinipigilan ng ibang nurse na makalapit doon
Bigla naman ako napatakip sa aking bibig ng biglang tumunog ang life machine ng matinis at naging diretso lang ang linya... at
Tumigil na rin ang mga doktor sa pag revive kay mama
Lumapit sa akin ang isang doktor at hinubad ang hair net at surgical mask nito
"I'm sorry but we did our best... time of death... 3:45 PM... again condolence and We're sorry"
Parang bigla akong binuhusan ng malamig na tubig at huminto ang buong paligid ko dahil sa sinabi ng doktor at wala na akong ibang marinig at makita kundi ang tunog ng life machine at ang katawan ni mama na ngayon ay wala ng buhay
"MAMA!" Hiyaw ni brent sabay yakap kay mama at humagulgol
Dahan dahan akong lumapit kay mama at hinawakan ko ang kaniyang mukha at pinunasan ang dugong nasa labi niya
Sandali kong pinagmasdan ang mukha ng aking ina... hanggang sa tumulo na ang mainit na luha sa aking mata
"Mama..." halos hindi ko na marinig ang boses ko dahil nawala na ito dahil sa aking pag-iyak
"MAMA!" Sigaw ko sabay hawak sa mga balikat ni mama at niyakap siya
"MAMA! BAKIT MO KAMI INIWAN! MA!"
Gusto ko ng magwala at i-revive ulit si mama baka may pag-asa pa
Pero wala na... wala na si mama
"Ma! Gumising ka!" Mahinang sabi ko at yakap yakap ko pa rin si mama
Hindi ko kaya ng wala ka mama!
"Anak! Tama na" sabi ni papa sabay yakap sa akin at kay brent na kakarating lang
Maging siya ay umiiyak na at hindi matanggap na wala na ang asawa niya
Kumawala ako kay papa at tinignan siya ng matabang
YOU ARE READING
My Fate
General FictionA story of a girl who always cry and experience heart break Date written: December 6, 2018 End: March 19, 2020