Chapter 2

170 6 0
                                    

party

Alas syete ako pumunta ng bar, pagdating ko doon ay agad akong sinalubong ng nakangiting si Tin.

“Long time no see, lalo tayong pumogi ah.” Nakangising sabi nito at agad naglahad ng kamay upang yakapin ako

“hindi naman mejo lang.” biro ko bago kumalas sa pagkakayakap sakanya.

“tara sa taas nandun na sila.” Anyaya niya saakin at nauna ng naglakad, agad naman akong sumunod habang nililibot ko ang aking paningin. Maganda ang bar na ito up and down, malawak din may stage at maraming upuan, ramdam ko rin ang lamig na galing sa aircon. Hindi pa masyadong malalim ang gabi ngunit marami na ang tao. Naglakad kami paakyat sa hagdan hindi pa rin naman siya nagsasalita kaya nilibang ko ang mga mata ko sa dancefloor na mejo marami na rin ang nagsasayaw.

Sa pwesto namin ay kita sa baba nakacenter ito sa stage at dancefloor kaya kitang-kita mo kung sino ang mga nagsasayaw. Feeling ko magugustuhan ko dito. Mukhang magiging regular customer ako nito. napangiti ako sa naisip

Nakipag-apir ako sa mga kaibigan namin na nandon sa table na para saamin, isa nalang ang kulang si Jane na nasa korea pa na anytime naman daw ay uuwi na rin. Mali pala ako dalawa pala ang wala si Gail ang isa.

“kumusta na pare!” nakangising sabi saakin ni Justine na nakaakbay sa katabing babae. Maybe its janessa??

“okey lang ako kayo kumusta kayo dito” umupo ako sa tabi niya bago nakipag apir kay Michael at Jared

“eto kami na, actually mag 5 years na.” humalakhak ito na parang tuwang-tuwa, well im happy for him atleast nahanap na niya ang forever niya.

“eh bakit hindi mo pa pakasalan, ang bagal mo naman.” kantyaw ni Christian na nagpatawa sa aming lahat.

“hinihintay ko kayo para kompleto tayo.” Humalakhak ulit ito nakita ko namang siniko siya ng katabi

Napatingin ako kay Janessa na nakatingin din pala saakin, as in titig na titig. Agad naman akong nag-iwas ng tingin. Hindi siya ngumingiti at hindi rin nagsasalita nasa tabi lang siya ni Justine at parang nagmamasid lang saamin

“well balita ko ang dami mo daw babae sa US ah.” Umpisa ni Tin, hindi ako sumagot dahil wala naman siyang pangalan na binanggit kung sino ang kinakausap niya. Kinuha ko ang bote ng alak at agad ko yung ininom.

“woi Laurent!” kalabit saakin ni Chrisitan, nagtataka naman akong napatingin sakanya bago tumingin sa ibang kasama namin. Lahat sila nakatingin saakin na parang naghihintay talaga ng sagot maliban sa mga kasama ko sa US siyempre na pangisi-ngisi lang.

“huh?” takang tanong ko

“ikaw ang kinakausap ko.” Nakangising sabi ni Tin, nagtawanan naman ang iba kaya ganun din ang ginawa ko. Tss!!

“hindi ko alam na ako pala ang kinakausap mo akala ko ay si Christian,” pang-iiba ko ng usapan

“sus, change topic. Ano totoo ba?” tanong ulit nito, nag-iwas lang ako ng tingin dahil ayaw kong isipin niya na pinagpapalit ko si Gail.

Nagtawanan ulit silang lahat kaya napalabi nlang ako, bakit ba ako ang topic nila. Tsk !!

“so totoo nga.” Tumatawang sabi ni Tin.

“hayaan mo na yan matanda na yan.” Nakangising sabi ni Jared.

“bakit ba ako at topic niyo.” Humalakhak ako para hind imaging awkward

“gusto kasi kitang kumustahin, kung ayos kana ba?” nakangiting sabi ni Tin wala na ang mapaglarong ngisi niya.

“oo naman, matagal na rin yon, I did my best to move on kita mo naman.’ Pinakita ko sakanya ang sarili ko at ngumiti ako para mawala ang tension sa pwesto namin.

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon