Chapter 10

93 3 0
                                    

‘Tita Elena.” Gulat kong sabi pagkakita ko sakanila sa mahabang mesa ng restaurant nahuli kasi ako sa pagdating hindi ko din makita si Elle at Jared.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko doon sila Tin kasama si Eizabel at Russel, may nakita rin akong babae na kasing puti nila actually dalawa silang babae at isa pang lalake. Nasa mga itsura nila ang authority. Lahat sila ay tumayo ng makita ako. Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil may tatlo kaming kasama na hindi ko naman kilala.

Umupo ako sa tabi ng babaeng hawig sa lalakeng katabi ng isa pang babae, dahil sa tabi lang niya ang may bakanteng upuan.

“Laurent gusto ko sanang ipakilala sila sayo.”  Nakangiting panimula ni Tita Elena

Tumango naman ako bilang sagot.

“  she’s Ileanna Selene.” Turo ni Tita Elena sa katabi ko, kaya napatingin ako sakanya at ngumiti inabot ko rin ang kamay ko upang kamayan siya. Agad naman niya itong tinanggap ngunit nagulat ako sa lamig ng kamay niya katulad lang kasi ng kela Russel. Maganda siya halos pareho lang sila ng mata ni Eizabel. Parehong may pagkablonde ang buhok. Matangos din ang ilong, kamukha ng lalakeng hindi ko kilala, masyadong nakakamangha.

“this girl beside me is Alexandra and this is his husband King- I mean Mr. Leander.”

“Hello Maam and Sir im Laurent Valdez.” Inabot ko ang kamay ko sakanila at tulad sa katabi ko ay malalamig din ang mga kamay nila.

“hindi ba siya nakikilala ng puso mo ?” nagtaka ako sa tanung ni Tin kaya napatingin ako sakanya ng nagtataka habang nakaturo sa katabi kong babae.

“huh?” puso ko? anong ibig niyang sabihin ? ngaun ko lng nakita ang babae pano ko siya makikilala ? at bakit puso ko ang makakakilala sakanya?

“kumain na tayo.” Singit ni Tita Elena, familiar sakin ang pangalan ng isang babae Alexandra? San ko na ba yan narinig ?
Pilit kong inaalala ngunit hindi ko talaga matandaan at parang pamilyar siya sakin, parang nakita ko na siya pati ang lalake

Kumain na kami ng hapunan ng walang nagsasalita kahit ang katabi ko ay hindi man lang nagsalita. Napatingin ako kay Eizabel, mejo nagulat pa ako dahil nakatingin din siya saakin. Pakiramdam ko ay may mali. Ramdam ko ang tensiyon. Para silang balisa .

“ pansin ko gustung-gusto mo ang leche flan.” Nakangiting sabi ni Alexandra.

“anyway anak pala nila si Eizabel at Ileanna.” Nakangiting singit naman  ni Tita Elena.

Magkapatid ang dalawa ngunit ang layo ng mukha halatang sa Mommy niya lang nakuha ang lahat ng facial features ni Eizabel samantalang ang isa naman ay sa Daddy niya.

Tumango lang ako bilang sagot sa Mommy nila.

“gusto ka sana naming imbitahan sa kasal ni Russel at Eizabel.” Sabi ulit ng Mommy nila
Napaubo ako dahil sa sinabi niya. Inabutan naman agad ako ng katabi ko ng tubig. Agad naman akong nagpasalamat

“okey ka lang?” nagulat ako sa boses niya. Sobrang lamig nito maganda sa pandinig.

“okey lang ako salamat.” Nginitian ko siya oo maganda siya magkaiba sila ng ganda ni Eizabel pero walang sinuman ang lamang sakanila.

Inabutan niya ulit ako ng lecheflan, hindi ko sinasadyang masagi ang kamay niya, hindi ko alam ngunit biglang kumabog ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Bigla nalang bumilis ang tibok nito

“a-ah sige po Maam wala naman pong problema saakin,” sagot ko kahit na ang totoo ay may kirot sa puso ko.

“anong Maam? Tita nalang your part of our family now.” Napahagikhik pa ito na parang kinikilig

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon