Chapter 31

82 6 0
                                    

Hindi ako umuwi ng bahay sa condo ko na rin hinintay si Laurent ng sumapit ang alas singko ay saka palang kami nag-ayos papuntang airport kung nasaan ang eroplanong sasakyan namin papuntang Italya. Wala akong kinontak sino man sa mga pamilya ko dahil sa hindi pa rin natatanggal ang inis ko sa hindi namin napagkaintindihan. Para saakin ay hindi na muling pwedeng malayo saakin ang beloved ko ang gusto ko ay kung nasaan ako ay naroon din siya.

Hindi mawala-wala ang ngiti ko habang nasa sasakyan kami, may sasakyan na pinadala si Nanay na gagamitin namin papuntang airport may kasama ding driver para hindi kami mag-iwan ng sasakyan sa airport dahil hindi naman namin iyon pag-aari.

Pagdating namin sa airport ay dumeretso kami eroplanong sasakyan namin, bukod sa magulang ko ay nandon din ang kapatid ko at ang beloved niya si Janessa at Justine kasama si Nanay at ang gabay na ama ni Tin. Nagtaka ako ng hindi ko makita si Tin ngunit walang nagsalita masyadong malaki ang eroplano saaming walo. Pagkatapos magbatian si Justine at Laurent ay yumukod lang si Janessa. Dumeretso kami kay Nanay at binati siya kasunod ay ang mga magulang ko. Hindi ko pinansin ang kapatid ko at ang beloved niya tanging si Laurent lang ang pumunta sa pwesto nila bago pa ito tumabi sa upuan ko.

"babe?" napalingon ako kay Laurent. Nagtatanong kung bakit niya ako tinatawag.
"bakit hindi mo binati ang kapatid mo at ang fiancé niya?" napabuntong hininga lang ako. Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sakanya kaya pinili ko nalang ngimiti ng pilit at hindi nalang umimik naintindihan naman iyon ni Laurent kaya hindi nalang din ito nagtanong.

Napasandal lang ako sa balikat ng beloved ko at tumingin sa bintana ng eroplano habang nasa himpapawid. Bukod sa mga ulap ay wala na akong ibang makita. Hindi matigil-tigil ang pagbuntong hininga ko. Napaayos lang ako ng upo ng lumapit saamin ang magulang ko hindi ko rin namalayan na nasa malapit nalang saamin ang mga kasama namin.

"gusto kong pag-usapan natin ang planong gagawin natin, ayaw kong magpadalos-dalos sa anumang gagawin niyong dalawa kapag kaharap niyo na ang mga kasama natin." seryosong sabi ni Papa.
"ang ilan sakanila ay may kapangyarihan kahit na tignan ka lang ay makakaramdam kana ng sakit ang mga ganoong bampira ay mga nasa isang libong taon na at nakukuha ang ganong abilidad kapag biniyayaan ka ng Dyosa ng Buwan, marami pang ibang kapangyarihan ang hindi pa nakikita ng iba kaya ang iba ay .ga haka-haka pa." patuloy pa nito.

"hindi ko alam kung ano ang maitutulong ko pero dahil isa akong witch ay kaya ko kayong protektahan ng mga ilang oras gamit ang ilang spell na nasa librong hawak ko." sabi naman ni Nanay. Napatango lang ako ewan ko sa kambal ko dahil hindi ko naman ito tinitignan.

"ang sabi mo ay magbabakasyon tayo bakit parang may gagawin naman kayong iba?" dinig kong bulong ni Laurent. Gusto kong mapakamot sa ulo hindi ko nga pala nasasabi sakanya. tsk !

"pagkatapos ng misyong ibibigay ko sa mga anak ko ay pwede na kayong magbakasyon ng tatlong araw bago tayo muling bumalik ng Pilipinas." nakangiti man ang aking Ama ay alam kong naiinis ito. Natahimik naman si Laurent sa tabi ko alam kong hindi na siya kumportable napahiya ang beloved ko.

Napataas ang kilay ko dahil doon.
"ang sinabi ko kasi ay magbabakasyon tayo sa Italya wala akong nabanggit sa iba pang gagawin doon pasensiya na." sarkasmo kong sabi ramdam ko ang tensiyon sa lahat ng nandito sa eroplano siyempre maliban sa dalawang tao na kasama namin.
"pwede bang doon muna kayo ni Justine? May pag-uusapan lang kami." nakangiting sabi ko kay Laurent agad naman itong tumayo kasama ni Justine at dumistansiya saamin ng mga ilang metro.

"Ang kapangyarihang taglay ay hindi mapapantayan ng sinuman pag-ibig ang tanging sagot sa lahat ng karahasan. Kamatayang hindi maiiwasan magluluksa ang isang makapangyarihan." kinabahan ako sa biglaang sinabi ng gabay. Gusto ko pang magtanong ngunit bigla nalang bumalik ang mga mata nito sa pagiging pula.

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon