Chapter 27

74 5 0
                                    

Pagdilat ng mga mata ko ay magulang ko ang bumungad saakin may pag-aalala sa mga mata ng mga ito.

"Selene mabuti naman at gising kana anak." naiiyak na sabi ni Mama agad siyang yumakap saakin ngunit si Papa ay tahimik lang na nagmamasid ngunit batid kong gusto niya rin akong lapitan ngunit nagdadalawang isip ito.
Alam ko ang nararamdaman niya dahil nararamdaman ko din iyon dahil siya mismo ang kumagat saakin.

Napabuntong hininga ako pilit inaalala ang mga nagawa ko ngunit isa man ay wala akong maalala.

"ilang araw po akong nakaratay?" napasimangot si Mama sa tanong ko.

"nakaratay agad anak? hindi ba pwedeng bumawi lang ng lakas kaya nakahiga at nakatulog o kaya ay nawalan ng malay? grabe naman yang word mo!! palitan mo!!" napakunot noo ako sa sinabi ni Mama hindi ko alam kung nagbibiro o seryoso. tsk ! isip bata.

"ilang araw po akong nakatulog o kaya ay nakahiga o baka naman nawalan ng malay mama ?" sarkastiko kong tanong ngunit hindi yata napigilan ni Mama ang tawa niya kaya napahagalpak ito ng tawa may pahawak hawak pa sa tiyan na nalalaman. tss . Nakita ko namang napailing si Papa dahil sa inaasal ni Mama

"5 araw kang walang malay." si Papa ang sumagot dahil hindi pa rin matigil sa pagtawa si Mama. OA .psh !

"ano pong nangyari?" takang tanong ko ngunit parang natigilan ito nagdadalawang isip kung sasagot ba o hindi.

"hindi mo maalala?" sa tanong ni Papa ay napaisip ako ngunit wala talaga akong maalala.

"hi-hindi po eh." napayuko ako. narinig ko siyang bumuntong hininga.

"tara na sa baba kumain ka kailangan mong bumawi ng lakas." naunang bumaba si Papa ramdam ko ang lamig ng pakikitungo niya saakin. Nanlumo ako dahil doon pilit kong inalala ang mga nangyari bago paman ako nawalan ng malay o anu pa mang tawag doon. tsk !

Agad akong hinila ni Mama palabas ng kwarto ko at dinala sa kusina kung nasaan ang mga kasama namin. Nandoon si Nanay sa tabi nito ay si Janessa, Tin at ang Ama nito na parehong nakayuko si Russel at Eizabel naman ang magkatabi sa harap ni Nanay at Janessa sa tabi ni Eizabel ako uupo dahil ganun ang pwesto namin kapag nandito ang mga magulang namin.

Walang sinuman ang nakaangat ng tingin kaya wala sakanila ang napatingin saakin o ayaw lang nila akong tignan ???

May nagawa ba ako??? tsk ! muli akong napatingin kay Russel may kakaiba sakanya at hindi ko alam kung ano iyon iba din ang nararamdaman ko may nag-iinit sa loob ko habang nakatingin sakanya hindi galit kundi ang pagnanasa.

Ano bang nangyayari? bakit ganito ang nararamdaman ko? Kailangan ko ba itig sabihin sakanila?

Nakita kong napakuyom ang mga kamao ni Russel. Galit ba ito?

"Eizabel." nakita kong natigilan ito sa pagtawag ko sakanya maingat itong tumingin saakin ngunit may takot sa mga mata niya. teka tama ba ang nakikita ko? takot siya saakin?

"ba-bakit?" bakit siya nauutal? paiwas itong tumingin sa gilid ko.

"nandito kana pala ? kelan pa kayo dumating?" nakita ko ang gulat sa mga reaksiyon ng mga kasama namin maliban kay mama at papa.

"wa-wala kang maalala?" singit ni Nanay. Dahan dahan naman akong napailing habang nag-iisip ngunit wala talagang pumapasok sa isip ko.

dumeretso na ako sa tabi ni Eizabel ngunit nakita ko itong napaigtad ng masagi ko ang kamay niya. Ano bang nangyayari sakanya?
Ngunit ng madaanan ng tingin ko si Russel ay ayun nanaman ang init sa katawan ko. Bakit ba ako nagkakaganito? May beloved na ako pero bakit naaapektuhan pa ako ng beloved ng kapatid ko? Akala ko ba ay nawala na ito ng  makagat ko si Laurent?

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon