Chapter 11

88 4 0
                                    

SOMEONE’S POV

“nakalimot na pag-ibig muling maibabalik, katawang nakaratay muling mabubuhay, pamilyang winasak muling mabubuo sa kapangyarihang taglay magwawakas mga makasalanang immortal.” Propesiyang muling lumabas sa bibig ng kanilang gabay nasa mukha ng reyna ang pagkabahala ilang taon na rin ang lumipas ngunit hindi nila mahanap ang tinutukoy sa naunang propesiya.

“Ano ang gagawin ko !! ilang taon ko ng pinahahanap yang sinasabi niyong itinakda pinakamakapangyarihan sa lahat ilang taon na ngunit wala ni bakas niya !!! nakasigaw na sabi ng reyna

“Mommy please calm down, wala namang magagawa yang pagsigaw sigaw mo.” Sita sakanya ng kanyang anak na siyang prinsesa ng kaharian

“Kumusta ang mag-asawang nasa kulungan buhay pa ba!” dumagundong ulit ng boses ng reyna lahat ng nakakarinig ay nanginginig sa kaba

“ang hari ay nanghihina parin tulad ng dati samantalang ang kanyang asawa ay hindi pa nagigising katulad din ng kanilang anak.” Nakayukong sabi ng isang lalakeng may mapupulang mata

Naglakad ang reyna papuntang kulungan, agad namang sumunod sakanya ang anak nito at ang ibang tagasilbi. Ang reyna lang ang pumasok sa kulungan hindi niya pinahihintulutang makita ng kahit sino ang hitsura ng dating reyna at hari lalong-lalo na ang anak nila na kahit ang anak niya ay walang ideya sa itsura ng anak nila.

“mahal kong kapatid, kumusta kana?” nasa boses nito ang panunuya at pandidiri

“bakit hindi mo nalang kami patayin?” tanong naman ng dating hari

“bakit ko naman gagawin yon kung nag-eenjoy akong nakikita ang pagdurusa mo, lalo na’t mula ng kinagat mo yang asawa mo ay hindi pa nagigising lalo na yang anak niyong nilabas nga sa sinapupunan ngunit parang patay naman.” Humalakhak ito ng pagkalakas-lakas.

“sana ay hindi mo pagsisihan ang lahat ng ito.” Nanghihinang sabi ng dating hari

“ngayon pa ba ako magsisisi?? Wala ng makakahadlang pa saakin, walang-wala na.” humalakhak ulit ito ng nakakainsulto habang pinapanuod lang siya ng dating hari. Hinayaan niya lang ito sa kanyang kabaliwan at pagiging ganid sa kapangyarihan. Naglakad ito palabas ng kulungan at agad sinarado ang pinto agad namang  sumunod ng mga alagad niya kasama ang anak niya na naghihintay sakanya.

Nanghihinang lumapit ang dating hari sa kanyang asawa at anak na nasa iisang higaan lamang at magkatabi, nakatali ang kanyang kamay at paa gamit ang silver kaya siya nanghihina. Pilit niyang inabot ang mukha ng kanyang asawa at hinaplos ito ganun din ang ginawa niya sa kanyang anak.

“Alexandra mahal ko, bakit hindi kapa gumigising, ibinigay ko na sayo ang aking kamandag pero bakit ayaw mong gumising.” Halos magmakaawa na ito sa harapan ng kanyang asawa, mula ng makilala niya ito ay natuto siya ng mga pwedeng maramdaman ng isang tao pagmamahal,pag-aalaga,pag-aalala at lahat-lahat itinuro sakanya ng kanyang asawa.

“ilang taon na rin simula ng isilang mo ang ating anak ngunit bakit pati siya ay hindi rin nagigising, para niyo ng awa mga mahal ko gumising na kayo para makalayo na tayo dito.” Ilang sandali pa ay bumagsak na ito sa tabi ng higaan ng kanyang mga mahal sa buhay hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa pagkatapos ay sinunod nito ang kamay ng kanyang anak.

Biglang gumalaw ang daliri ng kanyang anak kaya agad itong napakislot.

“a-anak ko???” nanginginig na nabubuhayan ng loob ang hari dahil sa paggalaw ng kanyang anak, ilang sandali pa ay mga mata naman niya ang binuksan nito. Nakaramdam ng kasiyahan ang dating hari.

“na-nasan ako?” kita sa mga mata nito ang gulat at pagtataka.

“anak ko, sa wakas ay gumising kana.” Naluluhang sabi ng dating hari, nagtataka namang nilibot ang  paningin ng kanyang anak.

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon