Chapter 29

79 6 0
                                    

Hindi ko alam ngunit wala silang nagawa kundi ang pumayag na isama ang beloved ko, i can't stay calm without him by my side. Ayaw kong dumating sa puntong kahit na ang pamilya ko ay hindi ako kayang pigilan kapag nagalit ako. Alam ko sa sarili ko na beloved ko lang ang makakapagpakalma saakin.

Nakabalik ako sa condo ko na naiinis parin, hindi ko alam kung bakit lagi nilang kinokontra ang gusto ko hanggang sa makita kong mahimbing parin ang tulog ng beloved ko ay saka lang kumalma ang isip ko at tulad ng inaasahan ko ay siya lang ang nakakapagpakalma saakin. Siya lang ang may kakayahang baguhin ng mabilis ang nararamdaman ko.

Maingat akong tumabi sakanya at yumakap, pilit kong sinabayan ang pagpapahinga niya, sa nangyari saamin kahit na hindi pa ako nakakainum ng dugo niya ay may kakaibang lakas na akong naramdaman. Lakas na alam kong beloved ko lang ang makakapagbigay saakin.

ayaw kong isipin niyang pagkain ang tingin ko sakanya kaya iniiwasan ko ring madalas ang pag inum ng dugo niya na kahit hirap na hirap akong pigilan ang sarili ko ay kahit papano nagagawa kong iwasan iyon. Muli akong napabuntong hininga sa susunod na araw ay kailangan naming pumunta sa ibang bansa para sa pagharap sa mga aanib sa amin sa pagbawi sa aming kaharian.

"hindi ko hahayaang mapahamak ka ang gusto ko lang ay ang presensiya mo para makaiwas kami sa anumang panganib na maidudulot ko, sana lang ay hindi kana muling matakot pa saakin." malungkot kong saad bago muling hinaplos ang kanyang pisngi. Nagulat pa ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

"babe, let's sleep. Im too tired." nakapikit man ay nakapagsalita ito ng mahinahon ilang segundo lang ay muli siyang humilik ng mahina. Gusto ko tuloy matawa dahil sa ginawa niya. Kakaiba talaga.

Ipinikit ko ang aking mga mata at pinilit ipinahinga ang aking isip. Hindi ko kailangang mag-isip ng kung anu-ano ang mahalaga ay nasa tabi ko ang beloved ko.

Hindi ako nagmulat kahit ma maramdaman ko ng kumilos si Laurent hinayaan ko lang siyang kumilos ng maingat, tuloy ay gusto kong matawa. Nang marinig ko ang pintuan ng banyo na bumukas ay saka ko palang iminulat ang aking mga mata ngunit hindi ako kumilos, hinintay ko siyang muling lumabas saka ko palang ipinikit ulit ang aking mga mata.

"hindi ko alam na natutulog ka din pala." gusto kong mangiti sa sinabi niya. Naramdaman ko siyang muling sumampa sa kama ngunit hindi ko parin iyon pinansin. Nagpanggap akong tulog kahit na ang totoo ay hindi naman ako natutulog.
"babe i want to marry you as soon as possible, mamaya ay gusto kong pumunta sa bahay niyo upang hingiin ang kamay mo sa mga magulang mo." muli ay hindi siya umimik, naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"ahh bampira ka nga pala." tumawa siya. "pwede kaya tayong ikasal sa simbahan mahal ko?" hindi ko alam kong paano magrereact sa sinabi niya.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko, mejo nagulat pa siya ng mapatingin saakin.

"you can marry me wherever you want." nginitian ko siya bago umupo at sumandal sa headboard ng kama.

"ka-kanina ka pa ba gising?" nauutal na tanong nito.

"hindi ako natutulog, hindi bat sinabi ko na yun sayo sa Palawan palang?" napaubo siya dahil sa sinabi ko gusto ko tuloy matawa.

"bakit kasi nakapikit ka!!" asik nito saakin. Tsk !!

"hindi naman porket nakapikit ay tulog na." kontra ko pa. Hindi ito umimik at tumitig lang saakin.
"anyway goodmorning." umusog ako palapit sakanya upang mahalikan siya sa labi paglayo ko ay nanlalaki ang mga mata nito. May nakakagulat ba sa ginawa ko? tsk !!
"bukas pala ay aalis kami papuntang Italya gusto mo bang sumama?" umaasa akong papayag siya na kahit naman sinabi kong sasama siya sa pamilya ko ay gusto kong siya parin ang magdesisyon para sa sarili niya.

"ang layo naman anong gagawin mo doon?" may kuryosidad sa mga mata nito

"may kailangan kaming asikasuhin doon ng pamilya ko, kaya sana gusto kong sumama ka kung okey lang sayo." sa likod ng ngiti na pinapakita ko ay naroon ang pag-asam na sana ay pumayag siya.

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon