Chapter 20

84 4 1
                                    

Agad kaming kumilos ng gabay, pinasok ko ang lungga ng mga traydor ng wala man lang nakakapansin saakin. Sa pinakadulo iyon, matagong lugar.

"bagay sakanila ang lugar na ito." umiiling kong sabi

"hindi ko din alam na may ganitong lugar dito." natatawang sabi naman ng gabay.

"kapag ba ginawa kong bampira si Tin ay hindi ka magagalit saakin?" seryosong tanong ko sa tatay niya

"iyon ang kapalarang meron siya,wala naman akong magagawa ngunit importante saakin ang opinyon niya kung ayaw niya ay ayaw ko siyang pilitin, ipaglalaban ko siya ng patayan sayo para naman may silbi akong ama niya kapag nagkataon." ngumiti ito saakin, ginantihan ko naman siya ng ngiti.

"bilib ako sa pagmamahal na meron ka para kay Tin maswerte siyang ikaw ang Ama niya. Kumilos na tayo ayokong magtagal sa mabahong lugar na to." naglakad ako papasok sa sala ng bahay na iyon walang kahit anong display kung hindi ko lang ramdam ang mga bampirang nandito ay iisipin kong walang nakatira dito.

"masusunod mahal na prinsesa." sumunod ito saakin ng walang pag aalinlangan.

"hayaan mong ako ang kumilos." ngumisi ako ng palihim pagdating namin sa gitna ng kabahayan.

hindi na rin ako nagulat ng bigla nalang lumabas sa isang kwarto ang matandang bampira.

"ang lakas din naman ng loob mong pumasok sa teritoryo namin." tumatawang sabi nito.

"mas malakas ang loob mo kasi kinalaban mo ang mga bampirang mas malakas sayo." ngumisi din ako.

"isa kang oportunista! kumakapit kaba sa prinsepe para tumaas din ang posisyon mo sa palasyong ito?" malakas na sigaw niya.

"may sarili akong palasyo mas malaki pa sa kahariang ito." pagyayabang ko kahit ang totoo ay wala akong ideya sa palasyo namin

"ibang klase ang taas ng pangarap mo!" napapantastikuhang sabi nito

"at least hindi ko na kailangang mang agaw ng palasyo ng may palasyo." tumawa ako

ikinumpas niya ang kamay niya at agad nagsilabasan ang mga kasama niya. Nandito din ang dalawang traydor na kasama niya sa palasyo kanina lahat sila ay nakangisi.

tignan ko lang kung makangisi pa kayo mamaya.

"ako na ang bahala dito." kampanteng sabi ko sa gabay.

"masusunod mahal na prinsesa." yumukod pa ito dumistansya saakin.

3 ang sumugod saakin, sa bilis nila ay parang hangin lang na dumadaan saakin. Pero sad to say mas mabilis ako.

Sa bawat ilag ko ay napapasinghap ang mga sumusugod saakin. Hindi inaasahan ang liksing meron ako.

agad kong ibinalibag ang dalawa ng mahawakan ko sila. Agad ding hinabol upang pugutan ng ulo. Sa bawat dugong nakikita ko na tumutulo sa katawan nila ay para itong kasiyahan saakin. Nagbibigay ito ng kakaibang kasiyahan sa isip ko.

Agad itong naging abo pagkatapos kong balian ng ulo. Brutal ang ginawa ko sa tatlong sumugod saakin. Alam kong walang takot na nararamdaman ang mga traydor dahil siguro normal nalang ang pagpatay sa kapwa nila.

Hindi na ako nagsayang ng oras tulad ng sa dalawa ay ganun din ang ginawa ko sa isa pa. Sinakal ko ito at itinaas sa ere bago ko pinutulan ng ulo.

"Ang tagal mo namang pasugurin yang alagad mo, nabibitin ako." bored na sabi ko.

"punyeta ! patayin siya!" inis na sigaw ng matandang bampira. Agad sumugod saakin ang mga kasama niya.

Para akong nakikipaglaro ng mga hindi ko nakikita, Nakakatuwang isipin ngunit bawat lumalapit saakin ay nalalasahan ko ang dugong tumatalsik sakanila at yon ang bumubuhay sa kaligayahan ko.

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon