Chapter 8

88 3 0
                                    


Naabutan ko silang nagtatawanan, ginawa pa akong third wheel. Tsk

“nandito ka na pala, Jared kuha ka sa baba ng beer para naman makapagkwentuhan tayo.” Tumatawang sabi ni Tin hindi naman na nagtanong si Jared agad naman itong bumaba ng hindi na nagrereklamo.

Napansin kong may binubulong si Tin ngunit hindi na ako nagtanong pa kung ano yun, mas interesado ako sa ikukwento niya.

“ayan protektado na tayo ng magic spell wala ng makakarinig satin.” Nakangiting sabi nito, napakunot noo naman ako sa sinabi niya

“anong sinasabi mo?” naguguluhan ko paring tanong

“Si Nanay Elena is a good witch, siya ang last witch sa lugar nila Gail natagpuan siya ng mama ni Gail at sakanya ipinagkatiwala, hindi naman ito nakatanggi, tumira sila ditto sa mundo natin hanggang sa ibinalik na si Gail sa mga parents ng mama niya. Hindi alam Gail na isa siyang prinsesa ngunit ang kakayahan niya ay lumabas nung bata palang siya. Yan ang kwento sakin ni Nanay Elena. Ang ilan sa mga spells niya ay ipinagkatiwala niya sakin dahil isa akong oracle, hindi ko din maintindihan nung una ngunit ako ang gabay ni Gail since nagkakilala kami. Ako ang  nagbibigay babala sakanya dahil nakikita ko ang hinaharap niya.” Unti-unti kong naiintindihan ang mga sinasabi niya

“paano niya nalamang ako ang beloved niya?” tanong ko pa

“ang sabi niya sakin nung unang nakita ka niya ay may naramdaman siyang kakaiba, lumalabas ang isang pagkatao niya kapag malapit ka sakanya , nararamdaman ka ng isang katauhan niya kaya lumalabas siya, dati nag aaway pa daw sila dahil ang gusto ng isang katauhan niya ay makilala mo siya ngunit umaayaw si Gail lumalaban siya dahil masyadong malandi ang isa, natatawa nga ako nun nung ne time nagdiner tayo yung isang katauhan ni Gail ang umasikaso sayo. Muntik na akong humagalpak ng tawa non.” Tatawa-tawang kernto nito. Siyempre naalala ko yun, yung yung panahon na binigyan niya ako ng kwintas.

“bago ka niya iniligtas ay nakita ko ang mangyayari, sinabihan ko siya,, pinaalalahanan ngunit hindi siya nakinig saakin dahil gusto ka niyang iligtas, alam niyang kapag niligtas ka niya mamamatay siya.” Nagulat ako sa sinabi niya, gustong tumulo ng luha ko dahil sa narinig ko. Kung ganon ay alam  niyang mapapahamak siya kapag niligtas niya ako pero pinuntahan niya parin ako. Naalala ko pa ang mga sinabi niya saakin noon.
“mas gugustuhin kong ako ang mawala kesa magdusa dahil lang sa hindi kita prinotektahan."

“kapag kasi may nangyaring masama sayo ay ganun din ang kahahantungan niya mamamatay parin siya sa lungkot, kaya naisip niyang isakripisyo ang buhay niya dahil kapag siya ang nawala alam niyang kaya mong mabuhay para sakanya, kahit hindi pa siya bampira noon ay ramdam na niya ang connection niyong dalawa. Sa bampira kasi kapag sinabing beloved ay commitment na yon, yung nag-iisa ka lang hindi ka pwedeng palitan, hindi ka pwedeng dagdagan. Nasabi din niya saakin na dahil tao ka naman pwede mo siyang palitan, hindi mo mararamdaman yung mga pwede niyang maranansan kapag nawala ka so she choose you instead of her life. Sinasabi ko to para pahalagahan mo ang buhay mo hindi para sisihin mo ang sarili mo.” Nakangiting sabi nito saakin hindi ko na napigilan ang luha ko kusa na itong tumulo na agad kong pinahiran.

“tungkol naman sa Claire na yon hindi ko alam kung anong pakay niya sayo, imposibleng type ka lang talaga niya, hindi ko rin kasi masabi kung mabait ba siya o masama, si Janessa lang ang makapagsasabi non ngunit hindi sila pedeng magkita. Baka kasi kalaban pala yan tapos malamang may bampira dito sa mundo natin ay mapahamak siya.” Paliwanag nito

“ano ang dapat kong gawin?”

“act natural, kung sakaling may gusto nga siya sayo hindi ka naman sasaktan niyan.” Nakangiting sabi pa nito

“eh pano pala kung masama siya?”

“well wala tayong magagawa, basta mag-ingat ka lang wag mong tatanggalin ang kwintas at bracelet mo kasi yan ang magliligtas sayo sakanya.” Nakangiting sabi sakin ni Tin

“papano ang mga kakayahan niya?”

“ang dami mo namang tanong, hindi ko din masasabi kasi hindi ko naman alam kung pure ba siya o half lang. pero siguro magconclude nalang tayo, maybe speed, teleport, hypnotism, strength.” Tatango-tango pa nitong sabi

"ano ang mga kakayahan ni Janessa at Gail?" usisa ko

“Well si Janessa ay may kakayahang magteleport, bukod sa speed niya ay kaya  niya ring basahin ang iniisip ng iba, of course ibang kakayahan ang meron sa natural vampire lalong- lalo na sa mga royal vampires.” Paliwanang nito

“san mo nalaman yan?” takang tanong ko pakiramdam ko kasi ay sobrang marami siyang alam

“well sila Mang Pedring ay pure vampire at isa si Gail sa mga royals well she’s the princess of their empire ngunit dahil sa sakim na mga katulad nila ay pinatay ang parents niya. Anyway kukwentuhan kita mamaya magkita nalang tayo sa rooftop kapag wala na yang nakadikit sayo, wag kang mag-isip ng kung ano dahil protektado ka ng mga iniwan sayo ni Gail kaya wala kang dapat ipag-alala.” paliwanag nito

“wag kang malungkot find another girl and live for a happy life, yan yung sabi sakin ni Gail sakin bago ka niya nun niligtas.” Nakangiting sabi ni Tin ngumiti ako ng pilit

“eto na ang beers.” Nakangiting sigaw ni Jared papalapit saamin

“ang tagal mo ah.” Nakasimangot na sabi ni Tin

“kayo ba ay nagkakamabutihan na?” naguguluhang tanong ko

“mejo nililigawan ako ni Tin.” Tatawa-tawang sagot ni Jared

“ang kapal din ng mukha mo eh no?” nakataas kilay naman na sabi ni Tin

“hahaha totoo naman eh nagseselos ka nga kapag may lumalapit saking babae.” Kantyaw pa ni Jared, bumaliing saakin si Tin at bumulong

“walang alam sa pagkatao namin si Jared kaya wag kang magbabanggit sakanya ng kahit na ano.” Ngumiti ito sakin agad naman akong tumango

“hoy anong binubulong mo kay Laurent? Baka naman sinisiraan mo na ako ha?” nakalabing sabi ni Jared

Tumawa lang bilang sagot si Tin, hindi na rin ako magtataka kung isang araw iannounce na nilang sila na.

Nag-inuman lang kami hanggang sa maubos namin ang dinala ni Jared. Marami rin kaming napagkwentuhan, bukod sa mga past ay pati narin sa negosyo.

hindi namin namalayang madaling araw na pala kaya nagdesisyon kaming matulog na. sabay sabay na rin kaming bumaba .

"goodnight." nakangiting sabi saamin ni Tin

tumango lang ako bago pumasok sa sarili kong kwarto. Napapaisip ako sa lahat ng sinabi saakin ni Tin.

sa sobrang daming impormasyon kong nalaman ay nanghihina ako lalo na yung tungkol kay Gail. Kung ganon ay alam niyang mawawala siya kapag niligtas niya ako.

"Gail thank you for saving my life, pero yung lungkot na nararamdaman ko hindi nawawala eh,😢 paano ako hahanap ng babaeng mamahalin ko kung ang puso ko mismo ang umaayaw? anong gagawin ko?" malungkot kong sabi habang nakatingin sa kisame.

----yyyyy----
aHhh nkakaasar nawala ang ibang part ng chapter na to ! nkakaasar hindi ko alam kung san napunta 😭😭😭😭

sOrry po kung mejo magulo 😢😭

My Vampire Girlfriend Book IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon